(Vol. 1) Chapter 8: The Greatness of Ox

90 22 7
                                    

Nang mabuhay ang makapangyarihang dragong pinatumba ni Aries na si Astaroth ay hindi naman makapaniwala ang lahat dahil mahihirapan na ulit silang patumbahin itong muli dahil sa lakas at tibay nito. Tapos sa sitwasyon din nila, tanging labingwalo nalang silang aktibo sa laban, siyam na mamamana at siyam na gumagamit ng espada kasama na doon ang parehong lider ng pangkat na sina Ox at Hert. Hindi rin makakatulong si Shin marahil may tama siya sa likuran niya at lalo namang hindi makakalaban si Aries dahil sa natamo niyang pagkasunog sa buong katawan niya.

Parehong natatakot ang lahat habang tinitingan ang makapangyarihang dragon dahil alam nilang wala na silang kalaban-laban.

"Ox, himala na kapag mabubuhay tayo rito"patulalang sabi ni Hert habang patuloy na nanginginig ang kamay niya.

Nagulat naman ang lahat nang biglang umatake sa kanila ang dragon, kaya mabilis silang nakadapa para hindi sila matangay ng umaatakeng dragon. Pero kahit nakadapa sila'y dahan-dahan namang nasusunog ang kanilang likuran dahil sa init ng dragon, nasusunog na nga ang damit nila.

"Tiisin niyo lang!"paalala nila sa isa't-isa habang paulit-ulit silang inaatake ng dragon.

Nainis naman ang dragon dahil hindi niya natatamaan ang mga taong pinupuntirya niya. Kaya agad nalang niya itong binugahan ng malakas ng apoy.

Nagulat naman si Hert nang makita niyang ibinuka ng makapangyarihang dragon ang bibig nito.

"Tumakbo na kayo! Bubugahan kayo ng dragon!"sigaw ni Hert sa mga kasamahan niya.

Mabilis naman nilang narinig ang sigaw ni Hert kaya mabilis silang tumayo at tumakbo palayo sa kanilang dinadapaan. Masuwerte namang walang nasaktan sa kanila dahil lahat sila'y nakaligtas.

Habang inaalala ni Hert ang mga kasamahan niya ay naibaling naman ang atensyon ng dragon sa kanya, kaya wala siyang malay na siya na pala ang sunod na pinuntirya ng dragon. Mapapatay na sana si Hert subalit mabilis siyang itinulak ni Ox para maiwasan ang pagkatama sa kanya.

"Mag-ingat ka naman Hert!"paalala ni Ox sa kanya.

Hindi naman nakapagsalita si Hert habang siya'y nakatulala kay Ox, hindi na kasi niya alam ang gagawin niya tapos inaalala pa niya ang mga kasamahan niya baka maubos pa sila.

"Hert, unahin mo muna ang sarili mo! Mas lalo pa kaming mahihirapan kapag nawala ka!"paalala muli ni Ox sa kanya.

"Pasensya ka na Ox"pahingi ng tawad ni Hert habang siya'y bumalik sa dating ugali.

Nang umatake muli ang dragon sa kanila ay wala na itong takot na hinarap ni Hert kahit mayroon nang sugat ang kamay niya. Kahit nasunog ulit ang kanang kamay niya ay tiniis lang niya ito para masugatan lang ang dragon.

"Ayokong may mamamatay ulit sa mga kasamahan ko!"bigkas ni Hert habang sineryuso na niya ang laban.

Sa tuwing bumababa ang dragon sa lupa ay mabilis naman itong nilalapita ni Hert kahit nasusunog pa ang katawan niya upang maka-atake lang sa dragon, paulit-ulit niya itong ginagawa kahit ang napapaso na rin ang katawan niya.

Bumilid naman ang mga kasamahan niya sa kanya, kahit na si Ox ay hindi rin makapaniwala sa tibay na pinapakita niya.

"Ganito pala ang mangyayari kapag nagseryuso si Hert"bigkas ni Ox habang siya'y namangha kay Hert.

Patuloy parin sa pag-atake si Hert sa dragon hanggang sa hindi na niya nakayanan ang init ng dragon. Naiinis naman si Hert sa tuwing iniisip niya na natumba siya habang hindi pa natutumba ang dragon na inaatake niya.

"Hindi pa nagtatapos ang laban!"sigaw ni Hert habang pinilit pa niyang makatayo.

Nagawa naman niyang makatayo kaso mabilis rin siyang natumba dahil sa hapdi ng nararamdaman ng katawan niya. Mabilis naman siyang nilapitan ni Ox para siya'y tulungan.

"Hert! Tama na! hindi na kaya ng katawan mo ang init ng dragon! wag mo ng pilitin ang sarili mo"paalala ni Ox sa kanya.

"Ox, kapag hindi tayo lalaban! Mamamatay tayong lahat"sabi ni Hert habang pinipilit niyang magsalita.

"Hert. Magpahinga ka na! lalo mo lang pinapahamak ang sarili mo, ayokong matulad ka ni Aries na sunog na ang buong katawan"alala ni Ox.

"Pero Ox, kung hindi ako lalaban, mauubos tayo rito"pahinang sabi ni Hert.

Agad naman tinawag ni Ox ang mga kasamahan niya para dalhin si Hert sa ligtas na lugar. Pagkatapos idinala si Hert sa ligtas na lugar ay siya na ang nagpatuloy sa laban na sinimula ni Hert, wala niyang takot na hinarap ang umaapoy na dragon.

"Magtago lang kayo! Wag kayong magpakita sa dragon!"sigaw ni Ox sa mga kasamahan niya.

"Sir Ox, ano po ang gagawin niyo?"tanong nila habang sila'y nag-aalala.

"Tatapusin ko na ang labang ito"bigkas ni Ox habang siya'y ngumiti na parang katapusan na niya.

"Sir Ox, di mo kaya ang dragon na iyan!"sigaw nila.

"Ano ba ang tingin niyo sa akin? mahinang tao? Doon kayo nagkakamali, nakalimutan niyo na ba na isa ako sa pinakakatakutang tao sa kampo!"sigaw ni Ox habang hinubad niya ang pang-itaas na damit niya.

Namangha naman silang lahat nang makita nilang hinubad ni Ox ang damit niya na simbolo ng pagseryuso nito sa laban.

"Galingan mo Sir Ox! ipakita mo sa dragong iyan ang lakas mo!"sigaw nila habang dahan-dahan silang nagtago sa mga kweba.

Samantala, nakangiti naman si Ox habang nakatingala sa dragon na nasa himpapawid. Ang laban kasing iyon ay magdedesisyon hindi lang sa kapalaran ng sarili niya kundi sa kapalaran narin ng mga kasamahan niya.

Habang nakatingala si Ox sa dragon ay biglang pumasok sa isip niya ang mga salitang lampa, duwag at mahina.

"Isa kang lampa Ox"bulong ng isip sa kanya.

"Isa kang duwag Ox"bulong ng isip sa kanya.

"Isa kang mahina Ox"bulong ng isip sa kanya.

Sumigaw naman nang malakas si Ox habang sinalubong niya ang pag-atake ng dragon.

"Hindi ako lampa! Hindi ako isang duwag! At hindi rin ako mahina!"sigaw niya habang itinaob niya sa mukha ng umaapoy na dragon ang espada niya.

Sinakyan pa niya ang dragon patungo sa himpapawid habang patuloy niyang itinutusok sa likod ng dragon ang espada niya. Kahit mainit ang dragon, kahit nararamdaman na niya ang nararamdaman nina Aries at Hert ang sakit ng apoy ay hindi parin siya tumigil.

Ibinagsak naman si Ox sa lupa pero nagawa parin niyang makayo sa kondisyon niya.

"Hindi pa nagtatapos ang laban!"sigaw niya habang wala niyang takot na hinarap ulit ang dragon.

Nagawa niyang maputol ang isang pakpak ng dragon tapos bumagsak agad ito sa lupa. Dali-dali naman niyang itong nilapitan habang hindi pa ito nakakalipad sa himpapawid.

Ginawa lahat ni Ox ang lahat para mailagan niya ang bawat paghampas ng kuko ng dragon sa kanya, ginawa rin niya ang lahat para lang makalapit sa dragon kahit hindi na niya nakayanan ang kondisyon niya.

"HINDI AKO MAHINANG TAO!"sigaw niya habang ibinuhos niya ang natitirang lakas niya sa dragon.

Natigil naman ang pag-atake niya nang biglang natusok sa dibdid niya ang kuko ng dragon. Napaluha siya habang nakatitig sa dragon.

"Ayokong mamatay nang hindi ka napapatay"bigkas ni Ox habang pinipilit niyang magsalita dahil dumudugo na ang kanyang bibig.

Pinilit parin niya ang sarili sa paggalaw kahit nakataob sa dibdib niya ang kuko ng dragon. Habang dumidilim ang paningin niya ay biglang nagpakita sa kanya ang dating sarili niya na mahina, nagtitiis at nag-iisa.

"Huwag kang magpapa-api, hindi ka lampa, hindi ka duwag at lalong hindi ka mahina"paalala ng sarili niya sa kanya.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa edad na walong taon ay naranasan na ni Ox ang pagmamaliit sa kanya dahil sa kanyang payat na katawan, pagiging lampa at pagiging duwag, kung baga matatakutin talaga si Ox noong siya'y bata pa kaya lagi siyang pinagtatawanan ng mga kaklase niya nang siya nag-aaral sa mababang paaralan.

"Haha! Lampa si Ox!"patawa ng mga estudyante sa kanya habang siya'y nakabulagta sa lupa.

Pinilit naman ni Ox ang hindi umiyak kahit patuloy siyang binubugbug ng mga kaklase niya para maipakita niya na hindi siya isang lampa at mahina. Sinusubukan naman niyang sumuntok sa mga kaklase niya kaso hindi siya nakakatama, kung nakakaktama man ay mahina lang.

"Haha! Ang hina mo Ox, ang angas pa naman ng pangalan mo tapos para ka namang bakla kung gumalaw"painsulto ng mga kaklase niya sa kanya habang patuloy siyang pinagtatawanan.

Hindi lang sa paaralan si Ox laging bugbug sarado kundi pati rin sa bahay niya dahil sa ama niyang lasingero. Minsan pinapangarap niyang humawak ng espada kaso walang sumasanay sa kanya dahil walang kumakampi sa kanya, kahit pa nga ang ama niya'y isang kabalyero na lasingero ay hindi rin siya tinuturuan dahil lagi itong lasing.

"Ox, isa kang duwag!"sigaw ng mga batang kaedad niya habang siya'y umiiyak sa harap nila.

Hindi naman gusto ko ni Ox ang makipaglaban sa ibang bata dahil alam naman niya ang patutunguhan ng laban, lagi siyang bugbug sarado. Kaya pinipilit niyang maging duwag para hindi siya mabugbug. Sinakripisyo talaga ni Ox ang pagkatao niya para hindi siya mapahamak.

Imbes pagsasanay ng mahika't espada ang dapat pagka-abalahan niya ay nagsanay lang siya sa pisikalang pagsasanay ang pagsusuntok. Makalipas ang ilang taong pagsasanay niya ay naging basagulero siya. Lahat ng mga nagmamaliit sa kanya ay kanyang pinapatumba. Hanggang sa ang pangalan niya'y naging kilala na sa bayan nila dahil sa kanyang pagkabasagulero.

Sa edad na labing-walo ay walang miisang kabalyero ang kumuha sa kanya para mag-aral sa Academy, hindi dahil sa pagkabasagulero niya kundi sa walang alam narin sa paghawak ng espada at paggamit ng mahika. Naiinis siya sa tuwing iniisip niya ang maling landas na napili niya.

Naging tambay siya noon sa isang bayan at naging kasamahan rin siya ng mga kabalyero para magbantay sa buong bayan. Kahit paminsan-minsan ay tinuturuan naman siya ng mga nakasama niyang kabalyero kung pa-paano humawak ng espada. Pinagsanay siya nang pinagsanay siya hanggang sa naging marunong na siya.

Sa edad na dalawangpu't-dalawa, nakilala niya ang isang babae na nagpatibok ng kanyang puso na walang iba kundi si Fern. Ginawa naman niya ang lahat para mabigyan niya ng magandang kinabukasan si Fern, nagtrabaho siya nang nagtrabaho at ibinibigay niya ang lahat para kay Fern pero lingid man sa kanyang kaisipan, siya'y iniwanan nito at sumama na sa ibang lalaki, doon nalang niya nalaman niya siya'y piniperahan lang nito.

Simula noon kung sino-sinong tao na ang hinahamon niya sa isang duwelo. Ang pagduduwelo nalang kasi ang tanging pinagkikitaan niya. Suntok doon, suntok dito, laban doon, laban dito, kahit malalakas ang nakakalaban niya ay wala parin nagpapatumba sa kanya.

"Rerespetuhin ko kayo kapag natalo niyo ako!"paalala ni Ox sa lahat ng mga taong naghahamon sa kanya.

Dahil sa pambihirang lakas niya, tibay ng katawan niya at malalaking kalamnan niya ay wala nang halos nagduduwelo sa kanya ng pisikilan dahil natatakot na sila. Ang dating lampa, duwag at mahinang Ox noon, ngayon ay malakas na.

Marami namang humahanga sa kanyang mga tao pero sa kabila ng kasikatan ng pangalan niya ay hindi parin mawawala sa kanyang isipan ang pinagdaanan niya.

Nang maitayo ang Slayer Faction ay doon na siya binigyan ng malaki at importanteng tungkulin bilang isang dragon slayer, kahit hindi niya kagustuhang pumatay ng dragon.

"Ox, ano ba ang gusto mo? Maging isang tagabantay o tagapaglakbay?"tanong sa kanya ng heneral.

"Magiging tagabantay lang po ako Heneral, gusto ko pong bantayan ang mga bayan dito sa loob ng pook"sagot niya sa heneral.

Naging basagulero naman si Ox sa loob ng kampo, lahat ng mga kalalakihan doon ay kanyang hinahamon, pero kahit pinagtutulungan na siya ay hindi parin siya natutumba. Lahat naman ng mga natatalo niya ay iginagalang at nirerespeto na siya, at pormal narin ang pagtawag sa pangalan niya.

"Sir Ox!"bati ng mga dragon slayer sa kampo sa tuwing dumadaan siya.

Maiinit din ang ulo niya sa mga tagapaglakbay dahil para kasi sa kanya ay parang nagyayabang na ito. Ikinukumpara kasi na mas matapang ka kapag tagapaglakbay ka. Kaya sa lahat ng mga tumatangkang maging tagapaglakbay ay hinahamon niya sa pisikilang laban.

"Dadaan muna kayo sa akin, kapag naging tagapaglakbay kayo!"paalala ni Ox sa lahat.

Minsan ay hinahamon naman niya si Hert, ang unang naging lider ng pangkat ng tagapaglakbay kaso hindi natutuloy ang kanilang laban dahil pinipigilan siya ng heneral, kung tutuusin ay magkapatid naman sina Hert at ang Heneral na si Vert.

Dahil sa naging malakas na si Ox ay dahan-dahan na siyang nawawalan ng gana dahil sa wala ng miisang nakakatalo sa kanya sa pisikilang duwelo.

"Kung sino man ang makakatalo sa akin sa pisikilang duwelo ay ibibigay ko sa kanya ang respeto ko"paalala ni Ox sa lahat.

Nagpatuloy siyang nanatili sa kampo hanggang sa nakilala niya si Aries na ang unang tumalo sa kanya sa pisikilang duwelo.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, kahit nakataob pa sa puso ni Ox ang kuko ng dragon ay hindi naman siya sumuko sa laban, kahit dahan-dahan na siyang nasusunog.

"Hindi ako mahina!"sigaw niya habang pinilit niya na makagalaw sa sitwasyon niya.

Hindi naman siya makalapit sa dragon dahil nakataob ang kuko sa kanyang dibdib kaya agad niyang pinutol ang daliri ng dragon at tapos mabilis siyang tumakbo patungo sa mukha ng dragon.

"TALO KA NA! TAPOS NA ANG LABAN! AT HINDING-HINDI KA NA MABUBUHAY MULI!"sigaw ni Ox habang pinutol niya ang ulo ng dragon.

Sinigurado din ni Ox na patay na ang dragon sa pamamagitan ng pagkuha sa puso nito. Matapos ang pagpatay niya sa dragon ay dahan-dahan naman siyang napaluhod na para bang nawawalan na siya ng paningin, naluto na ang mga dugong nagkalat sa buong katawan niya at hirap na din siyang huminga.

Hindi naman makapaniwala ang mga kasamahan niya nang makitang namatay na ang dragon kaya nag-emosyonal nalang silang lahat sabay bunyi.

"Natalo ni Sir Ox ang dragon!"sigaw nila habang sila'y masayang umiiyak.

"Alam kong matatalo talaga ni Sir Ox ang dragon, si Sir Ox na nga yan"tugon nila.

Mabilis naman nilang nilapitan si Sir Ox para tulungan ito.

"Sir Ox, tapos na po ang laban, kaya pumunta na po kayo sa karwahe"sabi nila.

Hindi naman sumagot si Ox at patuloy lang itong nakaluhod sa lupa kaharap sa napatay niyang dragon.

"Sir Ox, ayus lang po ba kayo?"tanong nila habang hindi parin siya tumatayo.

"Sir Ox naman po eh! palabiro talaga kayo! Wag na nga kayong magluhod-luhodan diyan na parang dinadasalan niyo yong dragon"tugon nila habang bigla nila itong hinawakan.

Gulat na gulat sila nang makita nilang biglang bumalagta si Ox sa lupa.

"Sir Ox"sigaw nila.

Doon nalang nila namalayan na hindi na pala humihinga si Ox, masaya pa nga itong nakahiga sa lupa na akala nila'y nagbiro-biroan lang. Pero ang tinitingala nilang matapang na si Ox ngayon ay bangkay na.

Nagawang mapatay ni Ox ang makapangyarihan dragon na si Astaroth subalit namatay naman siya dahil sa natamo niyang sugat sa dibdib at pagpkapaso sa buong katawan. Nagulat pa nga sina Hert at Shin na sa panahong iyon ay nagpapagaling nang malaman nilang nagtagumpay si Ox sa pamamaraan ng pagsakripisyo nito sa buhay niya.

[Kasalukuyang tatlungpu(30) nalang sila ngayon dahil namatayan sila ng isang kasamahan na lider ng isang pangkat na walang iba kundi si Ox.]

[A/N: Kinuha ko lang dito ang salitang Astaroth, ito din ang theme niya bilang isang Holy Dragon]

Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon