(Vol. 1) Chapter 10: Yumi

96 23 4
                                    

Makalipas ang buong araw na paglalakbay nina Yumi at Aries sakay ng karwahe ay nakarating na rin sila sa maganda at payapang bayan ni Yumi. Sa pagpasok palang nila sa bayan ay tumambad na sa kanila ang mga naglalarong bata na nagtatakbuhan at naglalaro ng tagu-taguan. Sagana din sa mga gulay at prutas ang bayan ni Yumi kaya masasabing masigla ang bayan nila sa agrikultura.
 
“Miss Yumi, bakit mo pa inisipang maging miyembro ng Slayer Faction, kung tutuusin ay pwede ka namang magtrabaho dito o magnegosyo, masigla naman pala ang bayan mo tapos payapa pa”paliwanag ni Aries habang nakita niya na ang magandang bayan ni Yumi.
 
“Gusto ko lang kasing maglingkod sa Slayer Faction Aries”pahinang sagot ni Yumi.
 
“Maglingkod? Yumi ang pakikipaglaban ay para lang sa mga kalalakihan, hindi mo naman kailangang maglingkod pa, dapat ang ginagawa mo ay manatili lang sa bahay, uunahin mo ang pamilya mo”tugon ni Aries habang minamaliit niya ang pagkababae ni Yumi.
 
“Aries, bakit ang pakikipaglaban lang ba’y para sa kalalakihan lang ba? Aries may pinipili pa ba ang mga dragon kung sino ang kanilang papatayin”paliwanag ni Yumi habang pinaglalaban niya ang pagiging miyembro ng Slayer Faction niya.
 
“Sa ganoon naman Miss Yumi may punto ka naman, nag-aalala lang kasi ako sa iyo eh!”tugon ni Aries na ikinatawa ni Yumi.
 
“Marunong ka palang mag-alala Aries, hindi ko inaaasahan na magiging maalalahanin ka sa akin”patawa ni Yumi.
 
“Miss Yumi, huwag mo nga akong pagtawanan pa! Hindi ka ba naaawa sa kondisyon ko”paseryusong sabi ni Aries.
 
“Yumi, Yumi nalang ang itawag mo sa akin Aries, tanggalin mo na yong Miss”tugon ni Yumi habang patuloy niyang pinagtatawanan si Aries.
 
Natigil nalang ang pagtatawa ni Yumi nang makarating na sila sa bahay ni Yumi. Hindi naman makapaniwala si Aries nang makita niya ang malaking bahay ni Yumi, semento ang bawat dingding at may malaking gate sa labas.
 
“Diyan ka ba nakatira Yumi?”palinaw ni Aries habang nakatitig siya sa malaking bahay.
 
“Oo Aries, wag kang mag-aalala, mga magulang ko lang naman ang nakatira diyan, hehe!”tugon ni Yumi na may ngiti sa mukha.
 
Nang ibinuhat na si Aries papasok sa bahay ni Yumi ay doon niya nakita ang mga magulang ni Yumi na masayang nakatitig sa kanya, mabait naman sila nang sila’y nakipag-usap sa anak nilang si Yumi.
 
“Kamusta ang trabaho mo Yumi, hindi ka ba nahihirapan?”bati nila kay Yumi na may kasamang pag-aalala.
 
“Nay, Tay, mabuti naman po ang lagay ko doon sa kampo, tapos hindi naman po ako nahihirapan doon”paliwanag ni Yumi sa mga magulang niya.
 
“Sino ba yong kasama mo? Bakit nakabalot siya ng mga tela?”tanong nila kay Yumi habang tinutukoy ang walang iba kundi si Aries.
 
“Nay, Tay, sa katunayan po ay binigyan po kami ng heneral ng bakasyon para po makapagpahinga sa trabaho at para narin po sa paggaling ni Aries”paliwanag ni Yumi.
 
“Si Aries? Yong binuhat ng mga kasamahan mo?”palinaw nila kay Yumi.
 
“Opo, siya po si Aries”sagot ni Yumi.
 
“Ganoon ba, mabuti naman at pinagpahinga kayo, sige doon na tayo sa loob, ipaghahanda ko kayo ng makakain at maiinum”sabi ni nanay ni Yumi.
 
Samantala, agad namang ipinasok si Aries sa maganda at malaking kwarto na may maraming palamuti na nakasabit sa bawat ding-ding. Ang higaan rin doon ay malinis na malinis na may malambot na kumot at unan.
 
“Mi- Yumi, sigurado ka ba sa kwartong ito? Mukhang hindi yata ako sa bagay sa kwartong ito”reklamo ni Aries dahil nagagandahan na kasi si Aries sa kwarto.
 
“Aries, dito ang kwarto mo, tapos ito din ang kwarto ko, kaya-“patawang sabi ni Yumi.
 
“Ano!? Ito rin ang kwarto mo? Wag mong sabihing dito karin matutulog?”palinaw ni Aries.
 
“Biro lang Aries, doon lang sa kabila ang kwarto ko, kaya kung gusto mo mang kumain o uminom ng tubig ay tawagin mo nalang ako”paliwanag ni Yumi.
 
“Ganoon ba, hindi naman ako laging hihiga dito, ano ang tingin mo sa akin, lumpo!?”sabi ni Aries.
 
“Oo alam ko naman ang bagay na iyan Aries, pero sa sitwasyon mo pa ngayon ay mahihirapan ka pang igalaw ang katawan mo”sagot ni Yumi.
 
Habang patuloy na nag-uusap sina Aries at Yumi ay bigla namang dumating sa kwarto ang mga magulang ni Yumi na may dala-dalang meryenda. Dahil sa hindi makakain si Aries nang siya lang ay sinubuan parin siya ni Yumi na ikinagulat ni Aries.
 
“Yumi, ano bang ginagawa mo?”pahinang tanong ni Aries kay Yumi.
 
“Sinusubuan ka, may problema ba doon?”tanong ni Yumi.
 
“Mayroon Yumi, parehong nakatingin ang mga magulang mo sa akin, baka naiisip nila na isa pa akong bata na hindi marunong kumain”pahinang paliwanag ni Aries.
 
Pareho namang ngumiti ang mga magulang ni Yumi habang tinitingnan sila ni Aries.
 
“Wag niyo na kaming pansinin dito”pangiting sabi ng nanay ni Yumi sa kanila.
 
“Tita, pagpasensyahan niyo napo, hindi ko po kasi maiigalaw ang mga kamay ko po kaya yong anak niyo lang po ang magpapakain sa akin”lakas na loob na sinabi ni Aries sa mga magulang ni Yumi kahit siya’y nahihiya na.
 
 “Wag niyo na kaming pansinin dito! Gawin niyo lang ang dapat gawin niyo diyan! Kung gagawa kayo ng isang himala, gawin niyo na”pangiting sabi ulit ng nanay ni Yumi sa kanila.
 
“Tita, pagpapagaling po ang pinunta ko rito, hindi po ang bagay na iyan”pahinang reklamo ni Aries na may pangiti para hindi niya masaktan ang kalooban ng nanay ni Yumi.
 
“Sige lang Aries, magpagaling ka lang baka sa hinaharap maging kayo na ng anak ko”pangiting sabi ng nanay ni Yumi na ikinabigla ni Aries.
 
“Nay naman oh! Tay pigilan niyo naman si nanay oh! Kahit ano na ang pinagsasabi”pakiusap ni Yumi sa tatay niya.
 
“Ayus lang naman ako sa bagay na iyan, matagal na kasi akong naghahanap ng apo”pangiting sabi ng tatay niya sa kanya.
 
“Ah! Magkatulad lang pala kayo ng iniisip ni nanay”sabi ni Yumi.
 
Sa gabing iyon ay mahimbing na ang tulog ni Aries dahil sa malayong biyahe, pero sa gabing iyon ay hindi naman nakatulog si Yumi dahil sa malalim na iniisip niya. Nasanay kasi siya na matagal matulog dahil abala siya sa kanyang ginagawa kapag nasa kampo siya, pero ngayong nasa bahay na siya ay hindi siya mapakali at hirap makatulog.
 
“Ano bang problema ko bakit hindi pa ako makatulog, hindi na ako makatulog ngayon kahit payapa at tahimik na ang paligid, kumpara doon sa kampo na maalinsangan at maingay”bulong ni Yumi habang naiinis siya sa kanyang sarili.
 
Habang patuloy na kinukulit ng isip si Yumi ay mabilis namang pumasok sa isip niya ang pagpasok sa kwarto ni Aries.
 
“Maghihiganti ako sa iyo Aries, hindi ko kakalimutan ang ginawa mong pagbibiro sa akin habang ako’y natutulog pa”bulong ni Yumi habang may binabalak siya kay Aries.
 
Dahan-dahan namang binuksan ni Yumi ang pintuan ng kwartong tinutuluyan ni Aries tapos dahan-dahan rin niyang itinatapak sa sahig ang paa niya para hindi ito makagising. Nang siya’y makalapit, agad niyang nakita ang tulog na si Aries.
 
“Ngayon ka Aries, maghihiganti ako”pahinang bigkas ni Yumi habang dahan-dahan niyang nilalapit ang kamay niya sa ilong ni Aries.
 
Hahawakan na sana niya ang ilong ni Aries kaso napahinto siya nang marinig niya na may binigkas si Aries. Hindi naman gising si Aries nang bumigkas ito ng mga salita kaya nagulat pa nga si Yumi dahil akala niya ay nagising ito pero hindi pala.
 
“Akala ko nagising bigla si Aries, muntik  na ako doon ah”bulong ni Yumi sa sarili niya.
 
Hindi naman gaanong naiintindihan ni Yumi ang mga salitang binigkas ni Aries kaya nang bumigkas ulit si Aries ay doon na niya nalaman kung ano ang pinagsasabi ni Aries.
 
“Aria.... Mellia...”bigkas ni Aries habang siya’y tulog.
 
“Aria? Mellia? Sino ba yong tinutukoy ni Aries? Pangalan ng mga magulang niya? imposible, pareho kasing pangalan iyon ng mga babae, kasintahan ni Aries? Tapos dalawang babae? Hindi naman yata tama yan, baka pangalan ng mga kapatid niya?”sabi ni Yumi habang nag-iisip siya sa mga posibilidad.
 
Hindi naman niya itinuloy ang gagawin sana niya kay Aries kaya bumalik nalang siya sa kwarto niya na parang wala lang siyang narinig kay Aries. Doon sa higaan niya ay patuloy parin ang pag-iisip niya sa mga pangalang ibinigkas ni Aries.
 
“Pasensya na Aries kung narinig ko man ang bagay na iyon”pahingi ng tawad ni Yumi.
 
Kalaunan, nang magising si Yumi ay dahan-dahan naman siyang pumunta sa kwarto ni Aries para batiin ito, kaya nang pumasok siya ay nabigla siya nang makita niyang naka-upo na si Aries sa hinihigaan niyang kama.
 
“Naiigalaw mo na yong katawan mo?”pabiglang palinaw ni Yumi.
 
“Hindi pa naman masyado, sinusubukan ko lang kasi kanina kung kaya na ba ng katawan ko”tugon ni Aries.
 
“Mabuti naman Aries, baka ilang araw ay pwede nang makuha ang nakabalot na tela sa katawan mo”tugon ni Yumi.
 
“Sana nga Yumi”sabi ni Aries.
 
Patuloy namang sinasanay ni Aries na maigalaw ang katawan niya, mapa-umaga, tanghali hanggang sa maabutan siya ng gabi. May pagkakataon namang sinsubukan ni Aries na tanggalin ang mga nakabalot na tela sa katawan niya para makita niya kung gumagaling na ba ang mga sugat niya.
 
Todo supurta naman si Yumi kasama na ang mga magulang niya sa ginagawang pagsasanay ni Aries, gusto kasi nilang bumalik sa dati ang katawan ni Aries para hindi na sila mag-aalala pa.
 
Lumipas ang isang linggo ay dahan-dahan namang tinatanggal ni Yumi ang mga telang nakabalot sa katawan ni Aries, tanging bakas nalang ng mga sugat ni Aries ang nakamarka sa katawan niya.
 
“Aries, maligo ka na para mawala na ang mga dumi sa katawan mo”utos ni Yumi kay Aries. “Aries, matapos mong maligo ay magbihis ka, mamasyal tayo rito sa bayan”tugon ni Yumi.
 
Naligo naman si Aries para malinisan niya ang nagkasugat-sugat na katawan niya. Samantala, habang hindi pa bumababa si Aries ay nag-usap naman sina Yumi at ng mga magulang niya.
 
“Yumi, alam mo na ang gagawin mo”paalala ng nanay niya sa kanya na ikinalito niya.
 
“Yumi, unahin mo yong dapat mong gawin, wag ka agad aatake”paalala ng tatay niya na lalo pa niyang ikinalito.
 
“Huh!? Ano po ang ibig niyong sabihin? Mamamasyal lang naman kami ni Aries dahil ilang araw na siyang nakakulong dito sa bahay”paliwanag niya sa mga magulang niya.
 
“Kaya nga! Wag ka agad aatake dahil kakalabas palang ni Aries”tugon nila kay Yumi, pero kahit ilang ulit silang magsalita ay hindi parin ito naiintindihan ni Yumi.
 
Naputol naman ang kanilang pag-uusap nang biglang dumating si Aries.
 
“Yumi, saan ba tayo pupunta?”tanong ni Aries kay Yumi.
 
“Kahit saan, basta maipasyal lang kita rito sa bayan”tugon ni Yumi.
 
Nang umalis sina Yumi at Aries ay may paalala naman ang mga magulang ni Yumi sa kanya na tanging siya lang ang nakarinig.
 
“Yumi, wag sa damuhan ah! Makati doon, maghanap kayo ng malambot namahihigaan!”paalala nila na ikinagulat ni Yumi.
 
“Huh!?”reaksyon ni Yumi habang siya’y namumula na.
 
Pagkatapos, agad namang ipinasyal ni Yumi si Aries sa lugar na may magagandang tanawin, mapabatis, gubat o burol man. Lahat ay pinuntahan nila para makita lang ni Aries ang bayang ipinangako ni Yumi.
 
“Yumi, ang ganda pala ng bayan niyo, para na itong munting paraiso”puri ni Aries habang siya’y namangha sa magandang tanawin.
 
“Hindi mo aakalain na ang isang katulad ko na nagtratrabaho sa kampo ay ganito ang naging tahanan”sabi ni Yumi.
 
“Yumi, sa hindi ako nagpapaalala sa iyo, dapat sa edad mong iyan ay may asawa ka na, siguro marami kang makikita dito?”sabi ni Aries.
 
“Kailangan ba talaga akong magka-asawa sa edad ko Aries, kung sasabihin ko sa iyong naghihintay pa ako nang pagkakataon, anong masasabi mo?’paliwanag ni Yumi.
 
“Marami ngang humahanga sa iyo doon sa kampo, kung gugustuhin mo talaga Yumi ay magkakaroon ka naman”tugon ni Aries.
 
“Oh! sige na Aries, may humahanga na sa akin!”tugon ni Yumi. “Tara, kakain muna tayo! Hindi kukumpleto ang pamamasyal natin kapag hindi tayo busog”sabi ni Yumi habang pinutol niya ang pag-uusap nila ni Aries.
 
Marami naman ang nagulat nang makita ng mga tao ang kondisyon ni Aries sa katawan niya at nakita rin nilang bulag ang isang mata nito. Habang sila’y naglalakad patungo sa isang kainan ay may mga batang lumapit kay Aries dahil namangha sila sa isang mata ni Aries.
 
“Kuya! Nakakamangha po kayo!”tugon ng mga bata habang nakatitig sila sa bulag na mata ni Aries.
 
“Kuya! Ano po ba ang nangyari sa mata niyo?”tanong ng isang batang babae na nag-aalala.
 
“Iha, kung tutuusin ay kinain ng halimaw ang mata ko, kaya wag kayong pupunta sa kagubatan tuwing gabi”paliwanag ni Aries na may pabiro sa mga bata.
 
Agad namang natakot ang mga bata maliban lang sa isang lalaki na nagtapang-tapangan lang.
 
“Hindi ako natatakot sa mga halimaw! Kaya ko naman silang patumbahin eh!”payabang ng isang batang lalaki sa mga kaibigan.
 
“Alam niyo tuwing gabi ay makikita kayong multo sa ilalim ng kama niyo! Hindi niyo rin alam na nagmamasid lang sila kapag natutulog kayo”pabiro ni Aries sa mga bata.
 
Nang marinig ng batang lalaki na nagtapang-tapangan ang sinabi ni Aries ay doon na siya natakot tapos bigla siyang umiyak patakbo sa mga magulang niya.
 
“MAMA! PAPA! MAY MULTO PO SA BAHAY NATIN!”sigaw ng batang lalaki palapit sa mga magulang niya.
 
Agad naman siyang pinagtawanan ng mga kaibigan niya dahil sa naging reaksyon niya sa sinabi ni Aries.
 
Samantala, ngumiti naman si Yumi dahil sa magandang pakikitungo ni Aries sa mga bata.
 
“Ikaw talaga Aries, pati bata tinatakot mo”pangiting tugon ni Yumi.
 
Bigla namang pumasok sa isip ni Yumi ang pangalang Aria at Mellia na huling narinig niya kay Aries, pero kailanma’y hindi niya iyon pinag-usapan kay Aries.
 
Masaya pa nga silang kumakain sa isang kainan at hindi maiitanggi sa isipan ni Yumi na para na silang magkasintahan ni Aries nang sila’y kumakain, halos nagtitigan na ang mga tao sa kanila.
 
Matapos silang kumain ay agad pumunta si Yumi sa libingan upang bisitahin niya ang isang puntod na naging malapit ng kanyang buhay. Alay niya ang isang bulaklak na inilagay niya sa puntod ng malapit sa kanya.
 
Hindi naman nagtanong si Aries kay Yumi kung sino ang binibisita niyang puntod dahil tahimik lang itong nakatuon sa puntod na tanging boses ng kapaligiran lang ang naririnig niya.
 
“Bukod sa mga magulang niya ay may malapit pa pala kay Yumi”bulong ni Aries.
 
Pagkatapos, nang magsiuwian na sila sa bahay ni Yumi ay bumalik naman ang mga ngiti ni Yumi.
 
“Yumi, kamusta ang pamamasyal niyo ni Aries?”tanong ng mga magulang niya sa kanya.
 
“Nay! Tay! Wala pong ibang nangyari maliban lang po sa pamamasyal”sagot ni Yumi sa mga magulang niya.
 
“Eh! ang pangit naman ng pamamasyal niyo!”tugon ng mga magulang sa kanya habang sila’y nawawalan ng gana.
 
Samantala, nakatingin lang si Aries kay Yumi habang nagtatawanan ito sa mga  magulang niya.
 

“Ang ngiti na iyan ay masasabi mo na ordinaryong ngiti lang subalit may tinatago pala yang lungkot at paghihinagpis”bulong ni Aries habang tinutukoy niya ang mga ngiti ni Yumi.

Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon