Dahil sa pag-atake ng isang dragon sa karwaheng sinasakyan ni Aries ay agad siyang tumilapon sa malayo kasama ang iilang kasamahan niya. Habang siya’y walang malay na nakahandusay sa lupa ay bigla namang nagpakita sa mga kasamahan niya ang mga kapangyarihang dragon hindi lang iisa kundi dalawa.
Kahit wala man siyang malay ay agad naman niyang naririnig ang mga pakikipaglaban ng mga kasamahan niya, mga boses ng espadang naghahampasan, mga panang nagtatamaan, mga mahikang nag-aawitan at mga pananggang nagbabanggaan.
Habang naidilat niya sa madilim na kapaligiran ang mata niya ay agad naman niyang nakita ang sarili niya na kung saa’y duguan itong nakabulagta sa lupa. Nang nilapitan niya ito ay agad itong naglaho na parang bula.
Naglakad naman siya na sakaling maintindihan kung nasan na ang kinaroroonan niya. Naririnig man niya ang mga kasamahan niyang nakikipaglaban sa mga dragon subalit hindi naman niya ito nakikita bagkos madilim lang na paligid ang nakikita niya.
“Ano na ang nangyayari sa mga kasamahan ko?”tanong niya sa madilim na kapaligiran.
Nagpatuloy naman siya sa paglalakad hanggang nasaksihan niya ang mundong dahan-dahang nasisira dahil sa isang malakas na pag-atake ng dragon. Sira-sira na ang mga bayan at siyudad, nagsisitakbuhan na ang mga tao, ang iba pa nga’y namamatay na.
“Aries, hahayaan mo lang bang ganito ang mangyari sa mundong ito?”pabiglang tanong ng isang sarili niya sa kanya.
“Ito ba talaga ang ang mangyayari sa mundong ito?”tanong ni Aries sa isang sarili niya.
“Aries, kung may panimula ang mundo mayroon din itong katapusan, kaya tatanungin ulit kita, hahayaan mo lang bang ganito ang mangyari sa mundong ito?”tanong ulit sa kanya.
“Hindi ako perperkto na masasabi mong nasa akin na ang lahat ng kapangyarihan, hindi ako Diyos, isa lang akong ordinaryong bata na napunta rito sa mundong ito”sagot ni Aries.
“Ordinaryong bata? Aries, hindi ka ba nagtataka kung bakit ka napunta sa mundong ito”tugon ng sarili niya sa kanya.
“Ano ang ibig mong sabihin?”tanong ni Aries.
“Aries, ikaw lang ang magliligtas sa mga tao rito sa mundong ito”sagot ng sarili niya sa kanya.
Napatitig naman si Aries sa isang sarili niya na parang sinasabi kasi nito sa kanya na isa siyang Diyos na magliligtas sa lahat.
“Sabihin mo nga sa akin, ano ba talaga ako sa mundong ito?”tanong ni Aries sa isang sarili niya kaso agad itong nawala.
Hindi naman nito nasagutan ang tanong niya tapos bumalik ulit sa madilim ang paligid. Habang siya’y nakatayo sa madilim ang walang laman na mundo ay agad namang naputol ang isip niya.
Nang maidilat ulit niya ang mata niya ay agad na niyang nakita sa wakas ang mga kasamahan niyang nakikipaglaban sa dalawang dragong makapangyarihan. Habang ang iba’y nakikipaglaban ay iba naman niyang kasamahan ay walang malay na nakahandusay sa lupa duguan at ang iba pa nga’y naputulan ng iba’t-ibang parte ng katawan.
Nakatulala lang si Aries habang dahan-dahang inuubos ang mga kasamahan niya.
“Aries, mag-ingat ka!”sigaw ni Hert habang patuloy niyang nilalabanan ang mga dragon.
Ang dragong si Xodus ay may abilidad na padilimin ang paligid samantalang ang dragon si Ouverture naman ay may abilidad na patulugin ang mga tao at mapatay niya ito sa pamamagitan ng pagbabangungut.
Sa ngayon ay kalahati nalang ang mga kasamahan ni Aries dahil unti-unti na silang pinapatumba ng mga dragon. Kahit kalahati nalang din ang buhay niyang kasama sapagkat kalahati nalang doon ang makakalaban pa.
“Aries, kung magtatagal pa tayong lahat rito siguradong mauubos tayong lahat rito! Hindi natin kaya ang mga dragon!”sigaw ni Prime.
“Aries, nasa iyo ang desisyon, ano ang gagawin natin?”tanong ni Argon.
Magsasalita na sana si Aries kaso agad siyang pinahinto ng dragong si Ouverture sa pamamagitan ng pagtulog nito habang nakatayo.
“Ano ang nangyari kay Aries?”tanong nila.
“Tulad din ito sa nangyari sa ibang kasamahan natin, pinatulog din si Aries”bigkas ni Argon.
“Naloko na! kung wala ulit si Aries, mauubos na talaga tayong lahat rito!”sigaw ni Hert.
Nagpatuloy naman sila sa pakikipaglaban kahit wala ulit si Aries.
Samantala, nanaginip naman si Aries dahil pinatulog kasi siya ng dragon. Walang ibang napanaginipan si Aries kundi ang mga mahal sa buhay niya na nawalay sa kanya. Sina Lolo Andres, Nina, Tina at lalo na kay Mellia.
Nakita niyang namatay ito sa harapan niya kaya agad sumikit ang dibdib niya. Agad niyang iniaabot sa kanila ang kamay niya kaso walang kumuha sa kanya kaya tumulo nalang ang luha niya.
“Pasensya na kung naging mahina man ako sa oras na kailangan niyo ako”sisi ni Aries sa sarili niya.
Dahil sa bangungut ay agad nalunod si Aries sa mundong puno-puno ng tubig. Hindi na siya halos makahinga dahil lalo na siyang nalulunod sa walang hanggang tubig. Tumingin naman siya sa itaas na nagbabakasaling may sumagip sa kanya.
“Siguro katapusan ko na ngayon”bigkas ni Aries habang dahan-dahan niyang ipinikit ang mata niya.
Sa mundong ikakamatay sana ni Aries ay biglang may nagliwanag sa kanya. Napadilat nalang ang mata niya sa pabiglang pagliwanag sa kanya. Dahil sa liwanag ay may nakita siyang isang babae, isang batang babae na kailanma’y hindi niya nakita sa buong buhay niya.
“Sino ka?”tanong ni Aries sa batang babae.
Hindi naman ito sumagot sa tanong niya subalit ngumiti naman ito. Habang nagsisid ito ay agad nitong kinuha ang kamay niya at mabilis na umahon para siya’y masagip sa pagkalunod.
Paulit-ulit naman nagtanong si Aries at seryuso din siyang nakatitig sa batang babae na parang nakikilala niya talaga ito. Parang may kahawig itong tao na naging malapit sa buhay niya.
“Sino ka ba?”tanong ulit ni Aries sa huling pagkakataon.
“Papa, kailangan mo pang mabuhay”bigkas ng batang babae na walang iba kundi si Aria.
Nang gumising ulit si Aries ay nakita niya na wala nang miisang mga kasamahan niya ang nakikipaglaban sa dragon. Wala na ring dragong lumilipad sa himpapawid. Nagtaka naman si Aries kaya nang maglakad-lakad siya ay agad niyang nakita ang wala ng buhay na mga kasamahan niya na nakabulagta sa lupa at duguan.
Pati na nga sina Dane, Gurren, Hert, Argon, Anchor at Prime ay pareho nang bangkay na nakahandusay sa lupa. Hindi naman inaakala ni Aries na mamamatay ang mga kasamahan niya kaya agad tumulo ang mga luha niya na parang hindi siya makapaniwala.
“Ano na ang gagawin ko?”tanong ni Aries sa kanyang sarili habang siya’y nawawalan na ng pag-asa habang tinititigan ang mga kasamahan niyang namatay.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala sa kampo, habang kumakain mag-isa si Yumi sa opisina niya ay bigla namang nahulog ang baso sahig na may laman na tubig. Ang paghulog kasi ng baso ay pamahiiing nangangahulugang may mangyayaring masama. Napatulala nalang bigla si Yumi habang pinagmamasdan ang basag-basag na baso sa sahig. May nararamdaman din si Yumi na masama na parang may mangyayari talaga sa mundo o sa mga tao na hindi inaasahan at hindi dinadasal ng lahat na mangyayari.
“Bakit parang nararamdaman ko na may mangyayaring masama?”tanong ni Yumi habang kinakabahan na siya sa hindi malamang dahilan.
Agad namang pumasok ang mga kaibigan niya sa opisina niya na ikinahinto niya sa pag-aalala.
“Yumi, bakit basa ng tubig ang sahig? Tapos bakit may basag na salamin dito?”tanong nila kay Yumi.
“Nagtanga-tangahan kasi ako kaya nahulog yong baso ko sa sahig”pangiting tugon ni Yumi.
“Ah! Kaya pala! Lilinisin muna natin ito baka may makatapak pa rito”sabi ng mga kaibigan niya.
Habang abala pang nagpapahinga ang mga dragon slayer sa kampo ay bigla namang umiba ang simoy ng hangin tapos bigla ring sumama ang panahon na parang uulan talaga ng malakas.
“May bagyo bang darating ngayon?”tanong nila.
“Di ko alam, kanina nga sumisikat pa nga yong araw, tapos ngayon bigla nalang dumilim ang kalangitan”tugon nila.
“Magligpit nalang kayo sa mga sampayan niyo baka agad bubuhos ang malakas na ulan”tugon nila.
Ang hindi pala nila alam ay pinuntirya na pala ng dragong si Tempest ang kampo ng Slayer Faction. Sa ibang salita, si Tempest mismo ang dahilan kung bakit biglang dumilim ang kalangitan na parang magbabagyo na talaga nang malakas.
Unti-unti naman nilang nararamdaman ang malakas na hangin, mga kulog na malalakas at pagpatak ng ulan. Ang dragong si Tempest kasi ay isang Storm Dragon kaya ang abilidad nito ay walang iba kundi ang bagyo na may kasamang malalakas na pagkikidlat at nakakamatay na buhawi.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, habang patuloy na nakatayo si Aries ay bigla namang nagpakita sa kanya ang dalawang makapangyarihang dragon na akala niya’y patay na dahil wala na kasi sila nang nagkamalay na siya.
“Hindi pala nila napatumba ang mga dragon”bigkas ni Aries sa sarili niya.
Nang hinarap ni Aries ang dalawang makapangyarihan ay biglang dumilim ang paligid na para bang gumabi. Hindi naman gaano nakakaapekto kay Aries ang kapangyarihan ni Xodus subalit mahihirapan lang siya na makalaban marahil hindi siya makakakita ng maayus.
“Ipaghihiganti ko ang mga kasamahan ko!”bigkas ni Aries habang siya’y galit na galit na sa dalawang dragon.
Nagawa pa namang mailigan ni Aries ang mga pag-atake ng dragon subalit sa pangalawang pag-atake ng mga dragon ay hindi na niya ito nailagan kaya agad tumaob sa tiyan niya ang isang kuko ng dragon.
Hindi naman natumba si Aries marahil nasanay na siya sa mga sakit.
“Sige, ibuhos niyo ang mga lakas niyo!”pahamon ni Aries sa dalawang dragon.
Paulit-ulit namang inaatake si Aries kaya marami na siyang galos sa kanyang katawan. Pero kahit nagagalusan na ang katawan niya ay kailanma’y hindi parin siya nawalan ng pag-asa. May pagkakataon namang natatamaan ni Aries ang mga dragon sa tuwing hinahampas niya ang espada niya kaso hindi gaanong nasusugatan ang mga dragon.
Napangiti naman ng sobra si Aries habang tumutulo ang mga dugo niya sa lupa, para kasing iniinsulto niya ang mga dragong kalaban niya. Agad namang sineryuso ng dalawang dragon ang laban nang makita nilang iniinsulto sila ni Aries kaya gumawa ng aninong dragon si Xodus tapos gumawa rin ng multong dragon si Ouverture. Dahil sa kakaibang abilidad ng mga dragon ay agad silang umabot ng isanglibong dragon sa lumilipad sa madilim na kapaligiran.
Hindi naman mapigilan ni Aries ang ngumiti muli nang makita niyang dumadami pa ang dragong makakalaban niya. Kahit nalagay na sa alanganin ang buhay niya ay hindi parin siya natakot.
“Mahina ako, totoo talagang mahina akong tao, simula pa ng napunta ako sa mundong ito kailanma’y hindi ako biniyayaan ng mahika, lagi akong minamaliit, lagi nila akong tinatratong isang masamang tao, kahit marami akong nagawa ay hindi nila pinahahalagahan, kung ganito man ang hangarin ko sa mundong ito, bakit hindi pa ako namatay sa panahong inatake ako ni Ourovoros sa bayan ng Ente, bakit nabuhay pa ako?”bigkas ni Aries. “Kung pagtitiis lang ang tungkulin ko, bakit umabot pa ako rito?”tanong ni Aries.
Nang umatake na ang mga dragong multo at anino kay Aries ay unti-unti namang nagagalusan muli si Aries, unti-unti na ring nanghihina ang katawan niya dahil hinihigop ng mga dragon ang enerhiya niya.
“Hindi ko hahayaang mapapatay niyo ako nang ganito!”bigkas ni Aries habang pinipilit niyang lumaban.
Nagagawa namang mapatay ni Aries ang mga dragong multo at anino subalit unti-unti namang nanghihina ang katawan niya. Nagpatuloy siya sa pag-atake hanggang sa naubos niya ang isanglibong dragong multo at anino.
Kung nagtagumpay man si Aries na ubusin ang mga dragong ginawa nina Xodus at Ouverture, subalit pinagtatawanan naman siya nang dalawang makapangyarihang dragon.
“Kayo naman ang tumatawa ngayon”bigkas ni Aries habang pinipilit niyang makatayo.
Patuloy paring hinihigop ng dalawang dragon ang enerhiya niya hanggang sa siya’y dahan-dahang nawawalan nang malay dahil sa pagod at sa hirap makahinga. Nang inalis ng dragong si Xodus ang pagdilim ng paligid ay laking gulat naman ni Aries nang makita niya ang mga dragong nagsisiliparan sa himpapawid na hindi kukulang sa isang libo.
“Ayaw niyo talaga akong mapatay bigla, gusto niyo talaga na pagtitiisin ako nang lalo”pangiti ni Aries habang tumutulo na ang mga luha niya. “Yumi, pasensya na kung hindi ko man matutupad ang pangako ko sa iyo na bibigyan ko nang magandang kinabukasan ang mundo”bigkas ni Aries habang siya’y umiiyak na.
Bigla naman siyang inatake ng mga dragon. Wala naman siyang magagawa dahil wala na kasi siyang enerhiya, hirap na siyang makatayo tapos marami na ding siyang mga sugat, sa ibang salita ay hindi na talaga makakalaban si Aries at ang panahong iyon ay magiging kamatayan niya.
“Ayoko na! hirap na hirap na ako”bigkas ni Aries habang patuloy siyang umiiyak.
Habang patuloy na umiiyak si Aries ay bigla namang nagpakita sa kanya ang sarili niya na kailanma’y hindi sumagot sa huling tanong niya.
“Aries, isa kang tagapagligtas sa mundong ito”sagot ng sarili niya sa kanya. “ARIES, IKAW ANG DIYOS SA MUNDONG ITO!”sigaw ng sarili niya sa kanya.
Nang walang ano-ano’y biglang lumabas sa katawan ni Aries ang mga puting enerhiya na nagproprotekta sa kanya sa mga dragon. Unti-unti naring bumabalik ang lakas ni Aries kaya hindi niya inaakalang makakatayo siya ulit. Dahil sa puting enerhiya ay agad nagkaroon nang mahika si Aries na isang liwanag na kailanma’y wala sa mga ordinaryong tao.
Nang umatake ang isang dragon kay Aries ay agad niya itong sinunog gamit ang mahika niya na liwanag na naging abo sa isang segundo. Dahil sa napalabas na ni Aries ang kapangyarihan niya ay agad namang kinabahan ang Dragon God sa kalahating-mundo dahil nagising na kasi ang totoong kapangyarihan ni Aries.
“Ang propeta, ang tagapagligtas, ang Diyos ng mga tao ay nagising na”bigkas ng Dragon God habang nakaharap siya sa mga Royal Dragons na walang iba kundi ang Dragon King, Dragon Queen at Dragon Prince.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World 2: The Half World (Completed)
FantasyWar, pain, suffering and even death. Aries is giving his all to save the humanity from the dragons, even the world is against him. His journey is to travel the nest of the dragon which is called the remaining of the world "The Half-World" Will Arie...