(Vol. 2) Chapter 20: The Last Journey

74 15 5
                                    

Matapos napatumba ni Shin ang makapangyarihang dragon na si Cyaegha ay agad namang natutunaw ang mga yelo sa karagatang paspiko. Nagkaroon naman ng paglindol kaya agad nagkabitak-bitak ang mga yelo na unti-unti ring natutunaw.

Naramdaman naman nila na ang pagtunaw ng yelo kaya agad silang nagtaka kung ano na ang nangyayari.

"Ano na ang nangyayari? Ba't dahan-dahang natutunaw ang yelo?"tanong ni Prime.

"Wag mong sabihing napatumba ni Shin ang dragon"bigkas ni Hert habang siya'y nag-emosyonal.

"Sa tingin ko Hert tama ka, mukhang napatumba yata ni Shin ang dragon"tugon ni Anchor.

Habang nagmamasid sila sa kapaligiran ay mabilis naman silang hinabol nang pagtutunaw ng yelo kaya kung sila may maaabutan ay siguradong malulunod sila sa karagatan.

"Bilisan niyo ang pagmamaneho sa mga kabayo!"utos ng heneral sa pitong kasamahan nilang nagmamaneho sa mga karwahe.

Samantala, habang nasa kalagitnaan sila nang pagtutunaw ng yelo ay agad namang nagkamalay si Aries. Nang maidilat ni Aries ang mga mata niya ay agad niyang nakita na nasa loob na pala siya ng isang karwahe. Ang huling natatandaan kasi niya ay nasa kalagitnaan siya nang maliit na kwebang nabuo mula sa yelo.

"Saan na ba ako?"unang tanong ni Aries sa pagkaroon niya nang malay.

Nagulat naman bigla si Yumi nang marinig niya ang boses ni Aries, yakap-yakap kasi niya si Aries kaya dinig na dinig niya ang boses ni Aries.

"Aries"bigkas niya habang tinitigan niya ang mukha ni Aries para siguraduhin na gising na ba ito.

"Miss Yumi?"palinaw ni Aries habang tinitigan niya si Yumi.

"Aries, mabuti't gising ka na"tugon ni Yumi habang biglang tumulo ang mga luha niya.

"Miss Yumi, saan na ba ako?"tanong ni Aries.

"Aries, wag kang mag-aalala sinagip ka namin, paalis na tayo ngayon sa karagatang paspiko"paliwanag ni Yumi.

Nang nagmasid si Aries ay nagulat nalang siya nang makitang dahan-dahan nang natutunaw ang mga yelo sa karagatan, tapos marami ding karwahe ang nakapalibot tapos nakita din niyang may mga sugatan din silang kasama.

"Miss Yumi, bakit parang maraming karwahe, tapos nagtataka lang ako sa mga sugatan na kasama niyo, may nangyari bang masama?"tanong ni Aries.

"Aries, nang maglakbay kami upang hanapin ka dito sa karagatang paspiko ay may nakalaban kaming makapangyarihang dragon, marami sa kasamahan namin ang namatay dahil sa pakikipaglaban sa dragon, ginawa namin ang lahat nang iyon para masagip ka lang"paliwanag ni Yumi.

"Hindi niyo naman kailangan na sagipin ako, alam ko naman ang ginagawa ko kaya alam ko rin ang magiging kahinatnan ko, Yumi sinimulan ko ang paglalakbay na ito kaya tatapusin ko ito"paalala ni Aries habang siya'y dahan-dahang tumayo at lumapit siya sa labasan ng karwahe.

"Aries, ano bang gagawin mo? Aalis ka ulit?"tanong ni Yumi habang siya'y umiiyak na.

"Miss Yumi, ilang bang namatay dahil sa akin?"tanong ni Aries.

"Namatay? sa tingin ko Aries, aabot na sa dalawangpu"sagot ni Yumi. "Aries, pakiusap lang oh! Wag ka nang aalis, kailangan ka pa namin"pakiusap ni Yumi.

"Yumi, kapag natunaw na ang yelong ito ay wala nang maging daan patungo sa kalahating-mundo kaya kung hindi pa ako kikilos ako ngayon, baka hindi na ako makakarating sa kalahating-mundo"paliwanag ni Aries.

"Marami pa namang paraan Aries para ikaw ay makapunta sa kalahating-mundo, kaya pakiusap lang Aries, wag muna ngayon"pakiusap ni Yumi.

Ang pagpapakiusap ni Yumi kay Aries ay narinig naman ng mga kasamahan niya. Kahit nga si Hert at nang heneral ay narinig din nila ang pagpapakiusap kay Aries, nalaman kasi nila na nagkamalay si Aries. Pero kahit paalis na naman si Aries ay hindi nalang nila ito pinigilan marahil ang ginagawa naman ni Aries ay para sa sangkatauhan.

"Hert! Hindi mo ba pipigilan si Aries?"tanong ni Prime.

"Pipigilan? Bakit naman natin pipigilan si Aries?"tanong ni Hert.

"Syempre, dahil maraming nagsakripisyo para lang sagipin siya, tapos kaya kailangan din natin ang lakas niya"paliwanag ni Prime.

"Sa katunayan Prime ay hindi naman kinailangan ni Aries ang tulong natin para siya'y sagipin, kusang loob tayong naghanap at nagsagip sa kanya"paliwanag ni Hert.

"Huh!? Muntik na nga siyang mamatay dahil sa yelo, magpasalamat nga siya dahil sinagip natin siya"reklamo ni Prime.

"Prime, kapag nakapagdesisyon na si Aries ay desisyon niya na talaga iyan, hindi naman yan ginagawa ni Aries para sa sarili niya sapagkat para naman yan sa sangkatauhan"sagot ni Hert.

Samantala, patuloy namang pinipigilan ni Yumi si Aries sa pag-alis muli nito sa kanila.

"Aries, hindi pa ngayon ang tamang panahon para ikaw ay maglakbay sa kalahating-mundo, hindi ka pa handa para sa magiging huling laban mo, mamamatay ka lang doon"paliwanag ni Yumi.

Napahinto naman si Aries dahil sa narinig niyang salita mula kay Yumi.

"Aries, paano kung mahihirapan ka na, walang tutulong ulit sa iyo katulad nang nangyari sa iyo ngayon na kung hindi ka namin sinagip siguradong mamamatay ka dahil sa yelo, Aries may anak ka pa! Nandiyan pa si Aria para sa iyo, isipin mo muna ang hinaharap mo Aries bago ngayon"paalala ni Yumi habang bigla niyang niyakap si Aries. "Aries, kung kinakailangan sasama ako sa iyo sa kalahating-mundo para puksain ang mga dragon"tugon ni Yumi habang umiiyak siya sa likuran ni Aries.

Agad namang napagtanto ni Aries sa sarili niya ang mga paalala ni Yumi sa kanya. May punto naman si Yumi na walang tutulong sa kanya kapag siya'y mahihirapan ulit, tapos may anak pa siya na bibigyan nang magandang kinabukasan. Kaya ang plano niyang umalis ay pinagliban nalang niya alang-alang kay Yumi.

"Sige na Miss Yumi, bitawan muna ako, hindi na ako aalis"tugon ni Aries.

"Aries, hindi kita bibitawan!"sigaw ni Yumi.

"Hindi na nga ako aalis eh! ipagpaliban ko muna ngayon"sabi ni Aries.

"Sigurado ka ba Aries?"palinaw ni Yumi.

"Oo Miss Yumi, kaya hindi mo na kailangan na yakapin ako"sabi ni Aries.

Agad namang guminhawa ang pakiramdam nilang lahat nang makita nilang napigilan ni Yumi si Aries sa pag-alis nito muli.

"Mabuti naman at hindi natuloy si Aries sa pag-alis niya"tugon ni Prime.

"Oo nga eh! pero kahit hindi nakaalis si Aries ay talo parin tayo sa laban sapagkat marami sa atin ang namatay"sabi ni Anchor.

Makaraan ang isang oras ay nakarating narin sila sa kalupaan. Agad naman nilang pinagmasdan ang natutunaw na yelo sa karagatang paspiko na kung saa'y maganda itong pagmasdan.

Habang sila'y nagmamasid sa karagatan ay agad namang lumapit si Dane kay Aries at pagkatapos ay sinuntok niya ito sa mukha na dahilan nang pagdugo ng ilong ni Aries.

"Aries, gago ka ba!? Kung hindi lang sana ako nadisgrasya noon siguro napigilan ko pa ang katarantaduhan mo, paglalakbay? Sa kalahating-mundo? Yan na yata ang ibang kahulugan nang magpapakamatay, Aries tandaan mo, kapag hindi ka namin matulungan, ano na ang nangyari sa iyo? Doon na sa karagatan ang magiging libingan mo, maraming nagsakripisyo para masagip ka lang Aries, kasama na doon ang mga kaibigan ko na sina Jacob, Joel at Clark na nasawi ng makapangyarihan na dragon"paliwanag ni Dane kay Aries habang ipinalabas niya ang galit niya.

"Pasensya ka na Dane, pati ang mga kaibigan mo ay nasawi rin"pahingi ng tawad ni Aries.

"Aries, ngayon siguradong patay narin si Shin na siyang nagpatumba sa dragon, may kutob ako na napatumba talaga niya ang dragon"tugon ni Hert.

"Pasensya na talaga sa inyo, hindi ko inaakalang hahantung pala sa ganito ang ginawa kong pag-alis"pahingi ng tawad ni Aries sa lahat habang siya'y lumuhod sa harapan ng mga ito.

Patuloy namang nakaluhod si Aries dahil hindi pa kasi siya pinapatawad ng mga ito, kung mapaparusahan man siya sa ginawa niyang katarantaduhan ay tatanggapin niya ang parusa marahil malaking kamalian naman ang nagawa niya.

"Kung paparusahan niyo ako, tatanggapin ko"bigkas ni Aries.

Nagsitinginan naman silang lahat sa isa't-isa na parang nag-iisip sila sa magiging parusa ni Aries dahil sa pag-alis nito. Subalit wala namang naglakas-loob na nagparusa sa kanya maliban lang kay Hert na siyang lumapit sa kanya.

"Aries, kung maglalakbay ka man sa kalahating-mundo, isama mo naman kami"tugon ni Hert habang pinapatayo niya si Aries.

Nagulat naman si Aries sa sinabi ni Hert sa kanya.

"Ano ang sinabi mo Hert?"tanong ni Aries.

"Aries, ayokong mag-isa ka lang na pupunta sa kalahating-mundo kaya isama mo ako"paliwanag ni Hert.

"Hert, wag mo naman kaming kalimuntan dito, sasama rin naman kami dito ah"tugon ni Prime.

"Oo nga, Aries sasama din kami sa iyo sa kalahating-mundo"tugon ni Anchor.

Nagulat si Aries nang makita niyang lahat ng mga kasamahan niya sa pangkat niya ay sasama sa kanya sa kalahating-mundo, kahit pa nga si Yumi ay sasama rin sa kanya. Napaluha nalang ang isang mata niya nang makita niyang hindi siya iiwanan ng mga kasamahan niya.

"Aries, alam kong nasanay kang maglakbay nang mag-isa, pero ngayon Aries, hindi na mangyayari iyan sapagkat ang magiging huling paglalakbay mo ay hindi ka na mag-iisa sapagkat narito na kami"pangiting tugon ni Dane.

"Ako ang maghahanda sa lahat ng mga pangangailangan niyo sa huling paglalakbay niyo"tugon ng heneral.

Bago sila bumalik sa kampo ay nag-alay naman silang lahat ng mga bulaklak at itinapon nila ito sa karagatan.

"Sana, maging masaya na kayo sa pangalawa niyong buhay"huling dasal ng heneral sa mga kasamahan niyang nasawi sa pakikipaglaban sa dragon.

Matapos ang ilang araw nilang paglalakbay ay ligtas naman silang nakabalik sa kampo. Ang mga sugatan nilang kasamahan ay nagagamot na lalo na kina Argon at Hert na natamaan sa matulis na yelo. Nakapagpahinga narin ang mga kasamahan nilang walang tigil sa pagmamaneho ng karwahe at nakabalik narin sa kani-kanilang mga opisina si Yumi at ng heneral. Nagbalik naman si Aries sa gusali niya kaya lahat ng mga dragon slayer na humanga sa kanya ay lagi siyang binibisita upang malaman nila ang kwento sa paglalakbay ni Aries.

Kung baga bumalik sa ordinaryong araw ang lahat.

Nakalaan naman ng mga ilang linggo si Aries para sa pagsasanay at paggawa niya ng mga sandata, inihanda narin niya ang mga kasamahan niyang maglalakbay patungo sa kalahating-mundo, ito na kasi ang huling paglalakbay niya.

Sa araw nang pag-aalis ni Aries ay sasama na sana si Yumi kasi pinigilan siya ni Aries.

"Bakit naman Aries? Bakit ayaw mo akong pasamahin?"tanong ni Yumi.

"Miss Yumi, hindi namin alam kung ano ang magiging kahinatnan namin sa paglalakbay namin subalit gagawin namin lahat para puksain ang mga dragon sa kalahating-mundo, Miss Yumi kung matapos man ang lahat, hanapin mo ang anak ko at alagaan mo siya"paliwanag ni Aries na ikinabigla ni Yumi.

"Kung ako ang mag-aalaga sa anak mo, ako ang magiging ina ni Aria, sa ibang salita para narin kitang asawa-"tugon ni Yumi habang pinahinto siya ni Aries.

"Ang layo na nang sinabi mo Miss Yumi"tugon ni Aries.

"Yumi nalang ang itawag mo sa akin ulit Aries, tutal pinagplanuhan mo naman na gawin mo akong asawa Ar-"tugon ni Yumi habang pinahinto ulit siya ni Aries sa pagsasalita.

"Huh!? Ang layo na talaga nang sinasabi mo Mi- Yumi, pag-aalaga lang naman sa anak ko ang sinasabi ko, wala namang akong sinabing iba pa maliban lang sa bagay na iyon"reklamo ni Aries.

"Ehhh! Oh sige na! hahanapin ko ang anak mo at aalagaan ko, sige na pwede na kayong umalis"tugon ni Yumi na parang nawawalan siya ng gana.

"Yumi, ipapangako ko sa iyo na bibigyan namin ng magandang kinabukasan ang mundo, pangako iyan"paalala ni Aries habang nangako siya kay Yumi.

Bumalik naman ang sigla ni Yumi at pangiti siyang sumagot kay Aries.

"Aries, hihintayin ko ang panahong iyan!"tugon ni Yumi habang nagpaalam na siya sa pag-alis ni Aries. "Paalam Aries!"sigaw ni Yumi.

Sa ngayon ay hindi pa naman nauubos ang 7 Holy Dragons na umaatake sa mundo ng mga tao. Tanging ang dragong sina Ourovoros, Astaroth, Exitium at Cyaegha pa lang naman ang namamatay habang buhay pa ang dragong sina Xodus, Ouverture at Tempest na pinaniniwalaan ngayon na aatake ulit sa mundo ng mga tao.

Si Xodus ang Dark Dragon...

Si Ouverture ang Nightmare Dragon...

At si Tempest ang Storm Dragon, ang pinakamalakas at pinakamakapangyarihang Holy Dragon.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, naglakbay naman si Aries kasama sina Dane, Gurren, Hert, Argon, Anchor, Prime at iba pa patungo sa kalahating-mundo. Ito na kasi ang panghuling paglalakbay nila at panghuling laban nila.

Habang nasa kalagitnaan sila nang paglalakbay ay bigla naman silang sinalubong ng isang dragon.

Ang karwaheng sinasakyan ni Aries ay agad pinatumba nang isang dragon kaya agad tumilapon si Aries at ang mga kasamahan niya sa malayo.

Nagulat naman ang ibang kasamahan ni Aries nang bigla silang pinatumba ng isang dragon.

"May dragon! magsilabasan kayo!"sigaw ni Hert sa lahat ng mga kasamahan niya. "Atakehin niyo ang dragon!"utos ni Hert habang siya'y mabilis na lumabas sa kanyang karwahe.

Nang tumingin siya sa itaas ay nagulat siya nang makita niya ang dragon.

"Hindi yan ordinaryong dragon"bigkas ni Hert habang siya'y natatakot na.

Hindi lang sa makapangyarihan na dragon ang kinatatakutan ni Hert dahil ang kinatatakutan talaga niya ay dalawang makapangyarihang dragon ang umaatake sa kanila ngayon na walang iba kundi sina Xodus at Ouverture.

"Dalawang makapangyarihang dragon ang kalaban natin ngayon"bigkas ni Dane habang nanginginig ang katawan niya.

Nang mahanap nila ang katawan ni Aries ay nabigla sila nang duguan ito at walang malay na nakahandusay sa lupa.

"Napatumba nila si Aries"tugon ni Argon.

"Gisingin mo si Aries, kailangan natin siya"utos ni Hert kay Argon.

Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon