(Vol. 2) Chapter 16: Paspiko Ocean

93 17 4
                                    

Sa di masabi kung kailan ay mag-isa namang naglalakad si Aries sa nagyeyelong karagatan, malamig na malamig ang panahon tapos bumabagyo pa ng yelo. Mga ilang linggo nang naglalakbay si Aries sa kalagitnaan ng nagyeyelong karagatan subalit hindi parin niya nararating ang kalahating-mundo. Sumasakit na ang buong katawan ni Aries dahil sa lamig tapos dahan-dahan narin siyang nagkakasakit.
 
“Mga ilang milya nalang makakarating narin ako sa kalahating-mundo”bigkas ni Aries habang pinipilit niyang makalakad sa kabila ng panginginig ng katawan niya.
 
Habang nasa kalagitnaan ng paglalakbay si Aries ay dahan-dahan namang umiikot ang paningin niya na para bang nawawalan na siya ng malay.
 
“Ayokong mawalan ng malay rito! Kung dito ako mawawalan ng malay, siguradong mapapatay ako sa yelo”bigkas ni Aries habang pinipilit niya ang paa niya na makalakad.
 
Sa paglalakad ni Aries ay masuwerte namang nakakita siya ng isang maliit na kweba na kaya doon na siya nagpahinga. Mga ilang araw na siyang hindi kumakain nang masusustansyang pagkain dahil wala kasi siyang nakikitang mga hayop o mga puno man lang na nakatanim. Kadalasan ay may nakikita naman siyang mga patay na isda, kaya kinakain niya ito kahit nabubulok na.
 
Hirap na hirap na si Aries dahil sa sitwasyon niya kaya kung mananatili pa siya doon ng isang linggo, siguradong hindi na siya mabubuhay dahil sa temperatura.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Apat na araw ang lumipas simula nang makabalik na sa kampo ang mga kanang kamay ni Aries na sina Argon, Anchor at Prime. Sinalubong naman sila ng mga dragon slayer doon nang may ngiti sa mukha dahil sa kanilang ligtas na pagbabalik.
 
“Mabuti naman at nakabalik rito ng ligtas ang pangkat ni Aries”tugon nila habang nasisiyahan sila.
 
“Oo nga, alam mo naman na si Aries lang talaga ang pag-asa natin para matalo ang mga dragon dito sa mundo”sabi pa ng iba.
 
Sinalubong naman nina Hert at Shin ang mga karwahe ni Aries sa kampo kaya ang mga sugatang kasama nila’y madali nilang isinugod sa pagamutan.
 
“May namatayan ba sa pangkat niyo?”tanong ni Hert kay Argon na may kasamang pag-aalala.
 
“Hert, walang miisang namatay sa pangkat namin, mga sugatan lang”sagot ni Argon na ikinasaya ni Hert.
 
“Mabuti naman at ganoon!”pasayang sabi ni Hert.
 
Habang nagmamasid sina Hert at Shin sa mga kasama nilang nagbubuhat sa mga sugatang kasamahan ni Aries ay unti-unti silang nagtataka habang lalong tumatagal. Kahit na nga si Yumi at ng heneral ay nagtaka din sa mga kasamahan ni Aries.
 
Hindi na napigilan ni Yumi na itanong kay Argon ang pinagtataka sa isip niya.
 
“Argon, si Aries saan? Bakit hindi pa siya lumalabas?”tanong ni Yumi.
 
Hindi naman nakapagsalita si Argon, kaya nang lumapit sina Anchor at Prime ay tinanong din nila ito tungkol kay Aries.
 
“Anchor, Prime, saan si Aries?”tanong ng heneral sa kanila.
 
Kahit silang dalawa ay hindi rin nakapagsalita.
 
“Argon, Anchor, Prime, tinatanong ko kayo kung nasan si Aries”pabiglang paalala ng heneral.
 
“Pasensya na po heneral, hindi po namin napigilan si Aries”tugon ni Argon sa heneral.
 
“Ano ang ibig niyong sabihin? Saan si Aries?”tanong ng heneral.
 
“Hindi po siya sumama sa amin pabalik dito sa kampo”sagot ni Argon na ikinabigla nina Shin, Hert, Yumi at ng heneral.
 
“Sa katunayan po, may sinabi pa po si Aries na hindi pa daw nagtatapos ang kanyang paglalakbay, nagsisimula pa daw yong hangarin niya”paliwanag ni Prime.
 
Agad namang nagalit ang heneral dahil sa pabiglang desisyon ni Aries. “Ano ba naman tong si Aries oh! Sarili lang ang iniisip”tugon ng heneral.
 
“Pasensya na po heneral kung hindi po namin napigilan si Aries”pahingi ng tawad nina Argon, Anchor at Prime.
 
“Magpahinga na kayo sa kwarto niyo alam kong malayo pa ang binayahe niyo”utos ng heneral.
 
Hindi naman makapaniwala sina Hert at Shin lalo na si Yumi nang malaman nila ang huling sinabi ni Aries bago siya nagpatuloy sa kanilang paglalakbay.
 
“Aries, ikaw pa naman ang pag-asa namin para mapatay natin ang mga makapangyarihan na dragon, pero bakit? Bakit mo sinarili ang paglalakbay?”bigkas ni Shin.
 
Habang nakatayo ang heneral ay bigla namang siyang sinuntuk ni Hert dahil sa galit.
 
“Vert! Kung hindi mo lang sana pinasama si Aries sa ibang pangkat, siguro hindi siya aalis”reklamo ni Hert habang patuloy niyang sinusuntok ang kapatid niyang heneral.
 
“Sige suntukin mo pa ako Hert!”utos ng heneral kay Hert. “Ipalabas mo ang galit mo”pahamon ng heneral sa kanya.
 
Agad naman silang pinagkakaguluhan dahil sa kanilang ginagawa.
 
“Kahit patuloy mo pa akong suntukin Hert! Hindi parin makakabalik rito si Aries!”sigaw ng heneral.
 
Huminto naman si Hert sa pagsusuntok niya sa heneral. “Vert! Kasalanan mo ito!”paalala ni Hert sa heneral.
 
Matapos ang kaguluhan ay umalis naman si Hert papunta sa kanyang kwarto upang magpahinga. Samantala, tumayo naman ang heneral na may tumutulong dugo sa ilong at bibig.
 
“Ano bang tinitingin niyo diyan! Bumalik na kayo sa mga gusali niyo”pabiglang sabi ng heneral sa mga dragong slayer na nanonood sa kanilang kaguluhan.
 
Samantala, hindi naman mapakali si Yumi habang siya’y nakaupo sa opisina niya. Kahit masaya nang nagtatawanan ang mga kaibigan niyang babae ay hindi parin napuputol ang pagkatulala niya. Hindi parin kasi niya natatanggap ang hindi pagbalik ni Aries sa kampo.
 
“Yumi! kanina ka pa tulala diyan ah! Ngumiti ka naman diyan kahit paminsan-minsan lang”sabi ng mga kaibigan niya sa kanya.
 
“Pasensya na kayo, mukhang wala yata ako sa isip ko ngayon, sige magtawanan lang kayo diyan”tugon ni Yumi habang siya’y nawawalan na ng gana.
 
“Yumi, hindi mo parin ba matatanggap ang hindi pagbabalik ni Aries dito sa kampo, Yumi marami namang mga lalaki dito na hihigit pa kay Aries”tugon nila kay Yumi.
 
“Oo nga Yumi, kung naglalakbay man ngayon sa kalahating-mundo si Aries, siguradong mapapatay na siya”sabi nila.
 
“Oo nga, hindi na mabubuhay si Aries sa ngayon kung naroon na siya sa kalahating mundo, akalain mong maraming dragon na ang makakalaban niya doon tapos makapangyarihan pa”paliwanag nila na ikinagalit ni Yumi.
 
“Umalis na nga kayo rito! Sinisira niyo lang ang araw ko ngayon”galit na sinabi ni Yumi habang tinataboy niya palabas ang mga kaibigan niya. “Kailanma’y wag niyong pagsabihan ng ganyan si Aries”paalala ni Yumi.
 
Kahit lumipas man ang mga araw at umabot nga ng dalawang linggo, hindi parin nakakabalik si Aries sa kampo. Sinusubukan naman nina Hert at Shin ang paglalakbay sa labas ng pook nang mas malayo pa subalit hindi parin nila nakikita si Aries.
 
Lumipas nalang ang tatlong linggo hindi parin nila nahahanap si Aries kahit marami nang pangkat ang naglalakbay hindi lang sina Hert at Shin.
 
Sa pagkakataong iyon ay handa na nilang kalimutan si Aries dahil imposible na siyang mahanap dahil sa lawak ng labas ng pook. Ang iba na nga’y tumigil na sa paglalakbay sa labas ng pook dahil sinasayang lang nila ang kanilang mga oras sa wala.
 
Kahit na nga si Shin ay handa nang itigil ang paghahanap dahil umaabot na kasi sila sa hangganan sa labas ng pook na walang iba kundi ang karagatan.
 
Nakatitig naman si Hert sa karagatan na siyang hangganan sa pagitan ng mundo ng tao at mundo ng mga dragon.
 
“Hert! Sumuko ka na! wala na si Aries, ito na ang hangganan papuntang kalahating-mundo”sabi ni Shin. “Imposible na siyang makakapunta doon sa kabilang parte ng lupa”turo ni Shin sa karagatan.
 
“Shin, alam kong buhay pa si Aries at naniniwala ako sa bagay na iyon”tugon ni Hert. “Tara na, bumalik na tayo”sabi ni Shin habang siya’y pumasok sa kanyang karwahe.
 
Lumipas ang ilang araw ay nakakuha naman ng impormasyon ang isang pangkat ng tagapaglakbay, isang importanteng impormasyon kaya agad pinagtipon ng heneral ang mga dragon slayer.
 
“Sa ilang araw nating paglalakbay sa labas ng pook na patuloy sa paghahanap kay Aries, pero kahit nagtulung-tulungan na tayo ay hindi parin natin nahahanap si Aries kahit nalibot na natin ang labas ng pook”paliwanag ng heneral habang nakikinig ang mga dragon slayer sa kanya. “Subalit, may isang lugar pa tayong hindi napupuntahan, isang kakaibang lugar na pinaniniwalaan na nandoon naglalakbay si Aries”paliwanag ng heneral na ikinagulat nina Yumi, Hert, Shin at iba pang mga kasamahan ni Aries.
 
“May isang hindi pa napupuntahang lugar?”palinaw ni Clark.
 
“Di ba nilibot na natin ang buong labas ng pook”tugon ni Gurren.
 
“Tama ang heneral, may natatangi pang lugar ang hindi pa napapasukan, sapagkat mahirap pasukin ang lugar na iyon”tugon ni Dane.
 
“Dane, wag ka ng sasama sa paglalakbay at magpakondisyon ka muna”alala ni Joel.
 
“Oo nga Dane, baka madagdagan na naman yong sugat mo, bali-bali na yong katawan mo”sabi ni Jacob.
 
“Wag kayong mag-aalala, si Aries nga nakayanan ang pagtitiis, ako pa kaya”pangiting tugon ni Dane.
 
“Wag mong itulad ang sarili mo kay Aries, malaki ang kaibahan niyo”patawa ni Gurren.
 
Nagpatuloy naman sa pagtatalumpati ang heneral tungkol sa importanteng impormasyon na nakuha nila mula paglalakbay ng isang pangkat habang nagsasalita sina Dane at nang kasamahan niya.
 
“Ang lugar na hindi pa napupuntahan natin ay walang iba kundi sa karagatan ng paspiko, na ngayon ay yumeyelo na, naniniwala akong doon nagpatuloy si Aries sa paglalakbay niya”paliwanag ng heneral.
 
Dahil sa paliwanag ng heneral ay agad naman silang nabuhayan ng loob lalo na si Yumi na grabe ang pag-aalala kay Aries dahil sa mag-iisang buwan na mula nang hindi niya makita si Aries.
 
“Aries, makikita ka narin namin”bulong ni Yumi habang siya’y nasisiyahan.
 
“Subalit, sa karagatan ng paspiko na ngayon ay yumeyelo na, tapos hindi natin alam  na baka ang lugar na iyon ay pinagtataguan ng mga dragon kaya kailangan natin ng maraming mandirigma”tugon ng heneral. “Tatanungin ko kayo lalaban ba kayo kapag may nakita kayong dragon o baka makapangyarihan na dragon pa”tanong ng heneral sa mga dragon slayer.
 
Akala ng heneral na hindi sasama ang mga dragon slayer na tagapaglakbay subalit agad naghiyawan ang lahat sabay sigawan sa pangalan ni Aries.
 
“Heneral, kung ano ang nilakbay ni Aries ay lalakbayin rin namin!”sigaw nila.
 
“Heneral, hindi ko po hahayaang mag-isa lang lalaban si Aries sa mga dragon, diba para naman tayong hindi mandirigma dito!”sigaw ng isang lalaki.
 
“Oo, heneral, sasama po kami!”sigaw nila habang sila’y nagsisigawan.
 
Dahil sa naging reaksyon at sagot ng mga kasamahan nilang dragon slayer ay hindi naman mapigilan nina Hert at Shin na ngumiti dahil hindi sila nag-iisa sa paglalakbay.
 
“Aries, kung saan ka man ngayon sana ayus ka lang”alala ni Hert.
 
Matapos ang nagsalita ang heneral ay naghanda na nila ang kanilang mga sarili, kinabukasan ay naghanda din sila ng mga sandata, maraming karwahe, pagkain at iba pang mga materyales para sa pakikipaglaban tulad ng mga panangga at sima. Lahat naman sila’y may dala-dalang makakapal na kasuotan para malabanan nila ang lamig na dumadaloy sa karagatang paspiko.
 
“Kung handa na ang lahat, magsimula na tayo sa paglalakbay”sabi ng heneral, kasama kasi siya sa paglalakbay para malaman niya ang karagatang paspiko, ang natatanging daanan ngayon papuntang kalahating mundo.
 
“Heneral, handa na po ang lahat!”sigaw nila.
 
Sa kanilang paglalakbay ay may siyam na karwahe. May apat-napung mga dragong slayer na kasama niya. Sampung dragon slayer na gagamit ng espada, sampung mamamana, sampug panangga at sampung salamangkero, kung tutuusin ay malakas na ang pwersa nila na kaya na nilang magpatumba ng iilang mga dragon, tapos kasama pa ang heneral na mag-uutos sa kanila kung anong gagawin at kasama din nila si Yumi sa unang pagkakataon sa paglalakbay.
 
“Aries, lilibutin namin ang karagatang paspiko”bulong ng Yumi.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, sa karagatang paspiko na kung saa’y hirap na hirap na si Aries dahil sa temperatura, mga ilang araw nalang ay mamamatay na siya doon. Hindi na kasi siya nagigising simula nang mawalan siya nang malay doon. Naging masakitin naman siya doon dahil sa mga bulok na isda na kinakain niya.
 
Kung hindi siya madaling mailigtas ay mamatay siya. Kung hahanapin man siya ay mahihirapan sila sapagkat malamig at madilim pa ang paligid, tapos malakas pa ang pagbasak ng yelo mula sa kalangitan.
 
Samantala, kung sa teorya man ng heneral na baka may dragong naninirahan doon, sa katunayan lang ay may natatanging dragon talaga ang naninirahan doon. Ang dragong iyon ay tinaguring Ice Dragon King sa lahat ng uri ng mga dragon dahil sa pambihira nitong kapangyarihan na yelo na kaya niyang pumatay ng sariling mga dragon kung sino man ang pumapasok sa teritoryo niya.
 
Ang dragong naninirahan doon ay walang iba kundi ang dragong si Cyaegha, ang Ice Dragon at taksil sa kaharian ng Dragon God. Ang dragong si Cyaegha ay isa sa Holy Dragon na binuo ng Dragon God para sirain ang mundo ng mga tao subalit hindi iyon sinunod ni Cyaegha dahil gusto niyang siya ang dragong maghari sa mundo, hindi ang Dragon God, kaya niya sinakop ang karagatang paspiko na siyang naging daan ni Aries patungo sa kalahating mundo.
 

Walang nakakapasok sa lugar ng dragong si Cyaegha sapagkat pinapatay niya ito mapahalimaw man o dragon na ka-uri niya.

Walang nakakapasok sa lugar ng dragong si Cyaegha sapagkat pinapatay niya ito mapahalimaw man o dragon na ka-uri niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon