(Vol. 2) Chapter 23: Alfonso

68 15 3
                                    

Sa mapayapang bayan ng Traeh na kung saa’y maghapong naglalaro ang mga bata at abala naman sa mga pagtatrabaho ang mga matatanda. May isang batang lalaki nasa edad labing-lima ang nakahiga sa ilalim ng puno habang may isinusulat ito sa kwaderno.
 
“Ano bang magandang pagtatapos ng kwentong ito?”tanong ni Alfonso, ang batang lalaki na mahilig sa pagsusulat ng mga kwento.
 
Habang mag-isang nag-iisip si Alfonso ay bigla namang dumating ang dalawang babaeng magkaibigan na kasing-edad ni Alfonso. Ang dalawang babae ay nangangalang Mai at Yukino na parehong ding makukulit, magaganda at mababait na mga babae.
 
“Alfonso, ano na naman yang sinusulat mo, kwento na naman iyan?”tanong ni Mai habang bigla siyang tumabi kay Alfonso.
 
Dahil sa hindi sanay si Alfonso na ipabasa ang mga sinusulat niya ay agad niyang itinatago ang sinusulat niyang kwento. Subalit, pinipilit naman siya nang dalawang babae na kunin ang isinusulat niya sa kwaderno dahil gusto nilang malaman kung ano ang nilalaman ng kwentong isinusulat niya.
 
“Hindi pa ito tapos kaya di pa muna pwedeng basahin”reklamo ni Alfonso kina Mai at Yukino.
 
“Ehh! Kailan pa ba matatapos ang kwento mo Alfonso?”tanong ni Yukino habang patuloy niyang kinukulit si Alfonso.
 
“Tumigil ka nga Yukino, sinabi na ngang hindi pa nagtatapos ang kwento ko eh! di pa muna pwedeng basahin”paalala ni Alfonso.
 
“Kung hindi pa pwedeng basahin Alfonso, dito lang kami! Mag-hihintay kung kailan mo tatapusin ang kwento mo”tugon ng dalawang babae.
 
Napatingin naman si Alfonso kina Mai at Yukino habang ito’y nakatitig sa kanya at naghihintay na matapos ang kwentong isinulat niya.
 
“Oh sige na, ipapabasa ko na sa inyo”sabi ni Alfonso habang ibinigay niya sa kanila ang kwadernong naglalaman ng mga kwentong isinulat niya. “Wag niyo akong pagtawanan ah! Kung ano man ang naisulat ko diyan”paalala ni Alfonso habang siya’y dahan-dahang umalis.
 
Nang magtanghali ay agad namang bumalik si Alfonso sa ilalim ng punong hinihigaan niya at nakita niya na nandoon parin ang dalawang babae na tahimik na nagbabasa sa kwentong isinulat niya.
 
“Oh ano na? pangit ba pagkakasulat?”tanong ni Alfonso.
 
 Hindi naman agad nakapagsalita ang dalawa dahil patuloy pa kasi silang nagbabasa. Inaantay naman sila ni Alfonso hanggang sa natapos na sa pagbabasa ang dalawa. Tulala naman silang nakatitig kay Alfonso na parang hindi sila nakuntento.
 
“Ano? Bakit ganyan kayo makatitig sa akin?”tanong ni Alfonso habang siya’y kinakabahan na.
 
“Alfonso, bakit hindi pa nagtatapos ang kwento mo? Bakit kulang pa ito ng mga kabanata?”tanong ni Mai.
 
“Oo nga Alfonso, paano namin malalaman kung ano na ang nangyari sa bida, gusto naming malaman kung anong mangyayari sa kanya habang kaharap niya ang isang malakapangyarihang dragon”tugon ni Yukino.
 
“Kaya nga hindi ko pa ipapabasa sa inyo dahil hindi pa natatapos, nag-iisip pa kasi ako kung ano ang mangyayari sa kanya, nag-iisip pa ako sa mga posibilidad na pagtatapos sa kwento”paliwanag ni Alfonso.
 
“Mga posibilidad na pagtatapos? Siguro isulat mo diyan Alfonso ang pagdating ng mga kasamahan niya marahil nag-iisa lang naman ang bida tapos tagumpay nilang napatay ang malaking dragon”tugon ni Mai.
 
“Ano ka ba naman Mai, ang pangit nang pagtatapos mo”reklamo ni Yukino. “Alfonso, dapat napalabas ng bida ang kapangyarihan niya tapos nakamtam ng bayan nila ang kapayapaan”paliwanag ni Yukino.
 
“Nag-iisip pa ako kaya mag-antay lang kayo sa susunod na araw baka matapos ko na ang kwentong iyan”tugon ni Alfonso.
 
“Ang galing mo talagang magsulat Alfonso, dapat ibenta mo yang gawa mo para sisikat ka, magkakaroon ka ng maraming pera”tugon ni Yukino.
 
“Oo nga Alfonso, para makatulong ka din sa pamilya mo”dagdag ni Mai.
 
“Kung walang mangyayaring masama sa atin, siguro gagawin ko iyan”sabi ni Alfonso.
 
“Wag ka ngang magsalita nang ganyan Alfonso, wala namang mangyayari talaga sa atin dito”tugon nilang dalawa kay Alfonso.
 
Dahil kina Mai at Yukino ay nagaganahan si Alfonso sa pagsusulat subalit nahihirapan talaga siya sa pagtatapos ng kwento. Mga ilang pirasong papel na ang napunit niya para lang makagawa ng pagtatapos. Kaya isang araw ay naisulat na niya talaga ang pagtatapos ng kwento.
 
“Siguro tama na ito, ipapabasa ko lang ito kina Mai at Yukino, kung ano ang maging tugon nila”bigkas ni Alfonso.
 
Nang lumabas siya sa kanyang bahay ay nabigla siya nang agad sumama ang panahon. Patungo na sana siya sa ilalim ng puno subalit bigla ng pumapatak ang mga ulan at kumukulog na din nang malakas.
 
“Hindi naman ganito ang panahon kanina ah!”bigkas ni Alfonso.
 
Dahil sa gusto ni Alfonso na ipabasa kina Mai at Yukino ang isinulat niyang pagtatapos sa kwento niya ay agad siyang pumunta sa bahay ng mga ito para ibigay sa iyon sa kanila. Malayo-layo pa naman ang bahay ng mga ito tapos lumalakas na din ang ulan.
 
“Dapat mabasa nila itong kwento ko!”sigaw ni Alfonso habang mabilis siyang tumatakbo sa gitna ng ulan.
 
Kahit na dahan-dahan nang nababasa ang mga papel ay hindi parin siya huminto sa pagtatakbo. Inisip lang niya na makaabot sa bahay ng dalawa para hindi siya sumuko sa pagtatakbo niya.
 
Sa isang putikan ay nadulas naman doon si Alfonso tapos 'ang mga papel na naglalaman ng mga kwentong isinulat niya ay agad namang nadumihan.
 
“Ang malas ko talagang araw na ito”bigkas ni Alfonso habang siya’y humiga nalang sa putik.
 
Nang siya’y bumangon na ay nabigla naman siya nang bigla ulit nagdilim ang paligid na para bang may malaking bagay sa itaas. Nang siya’y tumingala ay laking gulat niya nang makita niya ang isang malaking dragon na nagmamasid sa kanya. Dahil sa takot ay hindi na agad nakagalaw si Alfonso.
 
Unang beses pa kasi nangyari kay Alfonso ang makakita ng dragon ng harap-harapan.
 
“Dra-dragon”pahinang sigaw ni Alfonso na tanging siya lang ang nakakarinig.
 
Sa isang iglap lang ay agad namang nagsilabasan ang malalakas na buhawi  na siyang sumisira sa mga kabahayan at humigop sa mga kababayan niya.
 
Naririnig naman ni Alfonso ang mga sigawan ng mga kababayan niya, mga iyakan ng mga bata at mga ingay ng mga nakakamatay na buhawi. Patuloy paring nakatayo si Alfonso sa putikan sapagkat wala na siya ngayon sa pag-iisip niya dahil sa takot na naramdaman niya.
 
“Tumakas na kayo!”
 
“Umalis na kayo dito!”
 
“Lumayo na kayo sa bayan!”
 
Sigawan ng mga kababayan ni Alfonso habang sila’y tumatakbo para masagip ang kani-kanilang buhay. Hindi parin nakakakilos si Alfonso hanggang sa bigla siyang nasalpok ng isang lalaking tumatakbo.
 
“Bata! Pasensya kana!”sigaw ng lalaking nakasalpok sa kanya.
 
Napatingin naman si Alfonso sa mga taong nagtatakbuhan sa mga buhawing sumisira sa bayan nila.
 
“Bakit pa ba sila tumatakbo? Bakit gusto nilang masagip ang buhay nila? sa huli ay mamamatay lang naman tayong lahat dito sa mundong ito”bigkas ni Alfonso na parang tinatanggap na niya ang kamatayan niya.
 
Habang nasa kalagitnaan siya ng kaguluhang nangyayari sa bayan nila ay bigla namang lumabas sa kanyang kamay ang isang hindi mailarawang mahika, isang kakaibang mahika. Nang lumapit ang isang malakas na buhawi kay Alfonso ay nagulat naman sina Mai at Yukino nang makita nilang patungo kay Alfonso ang buhawi.
 
“Alfonso, umalis ka na!”sigaw ni Mai.
 
“Alfonso, MAPAPATAY KA SA BUHAWI!”sigaw ni Yukino nang malakas.
 
Samantala, hindi naman narinig ni Alfonso ang mga sigawan nina Mai at Yukino kaya patuloy parin siyang nakatayo. Agad namang itinapat ni Alfonso ang kamay niya sa nakakamatay na buhawi sapagkat biglang nawala ang buhawi sa isang iglap lang. Dahil sa pagkalaho nang nakakamatay na buhawi ay agad namang dumugo ang mga daliri niya.
 
Hindi naman makapaniwala ang lahat lalo na sina Mai at Yukino nang makita nilang napigilan ni Alfonso ang nakakamatay na buhawi.
 
“Paano nangyari iyon?”tanong nila habang napamangha sa kakayahan ni Alfonso.
 
“Paano iyon nagawa ni Alfonso?”pabiglang tanong ni Mai.
 
Lalapitan na sana nilang lahat si Alfonso subalit pinigilan naman sila nito.
 
“Umalis na kayo rito! May dragong nagmamasid sa atin”paalala ni Alfonso sa lahat.
 
“Dragon? ang ibig mong sabihin bata inatake tayo ng dragon?”palinaw ng lalaki kay Alfonso.
 
 “Mas mabuting lumayo muna kayo rito”paalala ni Alfonso habang naglakad siya paabante.
 
Hindi naman sila naniniwala sa sinasabi ni Alfonso pero nang dumagundong ang dragon mula sa himpapawid ay umiba ang kanilang paniniwala. Mabilis na silang nagtatakbuhan para makalayo sila sa dragon.
 
Wala namang takot na lumapit sina Mai at Yukino kay Alfonso dahil nag-aalala kasi sila sa posibleng mangyari kay Alfonso.
 
“Alfonso, lalabanan mo ang dragon nang mag-isa?”tanong ni Mai.
 
“Oo Mai, haharapin ko ang dragon nang mag-isa”tugon ni Alfonso.
 
“Alfonso, di mo kaya ang dragon nang mag-isa lang, mapapahamak ka lang”alala ni Yukino.
 
“Yukino, nakita mo naman ang kakayahan ko di ba? Kaya kong mabura ang isang bagay kapag ginamitan ko ng mahika”paliwanag ni Alfonso.
 
“Oo nakita ko Alfonso, pero nag-aalala lang ako sa iyo Alfonso marahil nag-iisa ka lang”alala ni Yukino.
 
“Ako rin Alfonso, gusto ko pa ngang mabasa ang kwento mo”alala din ni Mai.
 
Agad namang dinukot ni Alfonso ang dalawang papel mula sa kanyang bulsa tapos ibinigay niya ito kina Mai at Yukino.
 
“Mai, Yukino, tinapos ko na ngayong araw ang kwento ko kaya malalaman niyo na diyan sa papel na iyan ang huling kabanata”sabi ni Alfonso.
 
“Alfonso, magbalik ka ha, gusto ko pang mabasa ang mga kwento na isusulat mo”tugon ni Mai.
 
“Ako rin Alfonso, gusto kong makita na maging tanyag ang pangalan mo sa buong mundo”tugon din ni Yukino.
 
“Oh sige na! wag na kayong mag-aalala, kapag nakabalik ako papakasalan ko kayong dalawa, bubuo tayo ng pamilya at magsusulat ako ng maraming kwento para marami kayong mababasa”pabirong sabi ni Alfonso na ikinabigla ng dalawang babae.
 
“Huh? Ang layo na ng sinabi mo Alfonso”reklamo ni Mai.
 
“Kami talagang dalawa?”reaksyon ni Yukino.
 
Agad namang tumawa si Alfonso. “Mai, Yukino, tandaan niyo gusto ko nang maraming anak, isa- hindi kundi dalawang dosenang anak”pabiro ulit ni Alfonso.
 
“Kung yan man ang pinapangarap mo sa amin Alfonso, sana hindi ka nalang magbalik at tuluyan ka nalang mamatay diyan sa dragon! pweee!”reaksyon nina Mai at Yukino habang nandidiri kay Alfonso.
 
“Oh sige na! umalis na kayo baka madamay pa kayo rito sa kapangyarihan kong di masusukat”pabiro ulit ni Alfonso habang pinapaalis ang dalawa.
 
Nang makalayo na ang dalawa, tanging si Alfonso nalang ang natirang nandoon. Hinarap naman niya nang mag-isa ang dragon.
 
Ang ginawang pakikipaglaban ni Alfonso ay binalewala lang ng mga tao, akala kasi nila ordinaryong dragon lang ang umatake sa kanila na kaya lang labanan nang ordinaryong mandirigma subalit makapangyarihang dragon pala ang umatake sa kanilang bayan.
 
“Naniniwala akong kaya ni Alfonso na labanan ang dragon nang mag-isa, mandirigma naman si Alfonso, magaling humawak ng espada sa edad niya tapos may pambihira din siyang kakayahan na higit pa sa oridnaryong tao, kung baga siya na ang bida sa estoryang ito”tugon nila habang pinaalahanan ang lahat.
 
“Si Alfonso kung magsalita parang siya na talaga ang pinakamakapangyarihan dito sa mundo”sabi ni Mai habang naiirita sa huling ugali ni  Alfonso.
 
“Akala ko mabuting tao si Alfonso, nagkakamali pala ako ng hinala, yong huling pag-uusap namin sa kanya ay nagbago ang kulay niya na parang naging mayabang siya simula nang mailabas niya ang kapangyarihan niya”paliwanag ni Yukino.
 
“Intindihin niyo nalang si Alfonso mabuti pa nga na tinulungan niya tayo”tugon nila kina Mai at Yukino.
 
Samantala, habang sila’y nagtatago sa isang ligtas na lugar, si Alfonso nama’y nagsimula nang nakipaglaban sa makapangyarihang dragon na si Tempest. Alam naman niya na hindi ordinaryong dragon ang kalaban niya kaya ibinubuhos niya ang mga malalakas niyang mahika.
 
Patuloy na inaatake ni Alfonso ang dragon hanggang bigla siyang natamaan ng kidlat. Dahil sa pagkatama niya ay agad di makagalaw ang katawan niya.
 
“ANG SAKIT!!”sigaw sa isip ni Alfonso.
 
Makaraan ang ilang minuto ay marami nang taong tumulong kay Alfonso.
 
“Bata, tutulungan ka namin!”sigaw nila na ikinagulat ni Alfonso.
 
“Umalis kayo! Hindi ordinaryong dragon ang kalaban ko rito”paliwanag ni Alfonso.
 
Nagulat nalang ang mga tao nang bigla nilang nakita ang dragon na kailanma’y hindi pa nila nakita sa buong buhay nila.
 
“Hindi yan ordinaryong dragon”bigkas nila habang may namumuong takot sa kanilang dibdib.
 
Agad naman silang inatake ng dragon sapagkat mabilis naman silang tinulungan ni Alfonso.
 
“Baka madamay pa kayo rito!”paalala ni Alfonso.
 
“Bata, sa simula palang, ang dragon na iyan ang kalaban mo?”palinaw nila habang ang daliri nila’y nakaturo sa dragon.
 
Agad namang napatango si Alfonso.
 
“Bata, di mo kayang patumbahin ang dragong iyan! Para kang nangangarap ng imposible”paalala nila kay Alfonso.
 
“Wala namang mawawala kung susubukan”bigkas ni Alfonso.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala, habang nakasakay si Aries sa isang dragon papunta sa kalahating-mundo ay may naramdaman naman siyang masama na parang may darating na isang malaking delubyo.
 
“Mukhang mangyayari na talaga sa mundo ang hindi inaasahan ng lahat”bigkas ni Aries habang siya’y nakatitig sa mundo ng mga tao.
 
Kahit na nga si Yumi na naglalakbay ay may masama ring naramdaman.
 
“Bakit nararamdaman ko na papalapit na sa mundo ang isang malaking delubyong papatay sa lahat ng mga tao”bigkas ni Yumi habang siya’y nakatingin sa himpapawid.

Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon