Isanglibong taon na ang nakakaraan habang ang mga tao pa ay masaya pang naninirahan sa mundo, malaya at walang mga dragong nanggugulo. Sagana naman sa teknolohiya ang mundo dahil lagi silang nakatitig sa kanilang mga mobile phone, computer at ang iba pa nga’y tahimik na nanonood ng mga telebisyon. Tapos wala pa ding namumuong mahika sa mundo.
Si Harris ay isang high school student na nag-aaral sa isa sa pinasikat na eskwelahan doon sa siyudad nila. Wala naman siyang masyadong mga kaibigan sapagkat isa kasi siyang otaku na mahilig sa mga anime. Lahat nalang nang inaatupag ni Harris ay kanyang kahiligan. Minsan pa nga’y ginagaya niya ang mga karakter sa anime habang gumagamit ito ng mga kapangyarihan o mahika.
“Dragon! papatayin kita sa isang mahika ko!”sigaw ni Harris habang iniisip niya na parang lumabas sa kanyang kamay ang mga mahika.
Pangarap man ni Harris ang magkaroon nang kapangyarihan sapagkat pinagtatawanan naman siya lalo na ang kanyang mga magulang dahil para kasi siyang isang baliw na nangangarap ng imposible.
“Harris, itigil mo na nga ang kabaliwang ginagawa mo, nakakahiya na sa ibang tao, baka akala nila’y nagpalaki kami ng isang baliw”reklamo ng nanay niya.
“Harris, ano na bang nasa isip mo! Puro nalang anime ang nasa utak mo, wala kang kinabukasan sa anime na yan! Dapat pag-aaral ang inaatupag mo”paalala ng tatay niya.
Kahit gustuhin mang makapag-aral si Harris ay lagi naman siyang minamaliit ng mga kaklase niya, lagi siyang pinagtatawanan at higit sa lahat ay lagi siyang binubully. Bugbug sarado dito, bugbug sarado doon, wala namang lakas ng loob na magsumbong si Harris sapagkat hindi siya sanay makipag-usap sa ibang tao.
“Hoy Nerd! Nakakadiring otaku! Umalis ka nga rito sa eskwelahang ito, nakakadiri ka kasi para kang isang tae na kahit saan-saan nalang didikit”bully nila kay Harris.
“Oo nga! Puro lang naman anime ang nasa utak mo kaya doon ka nalang sa bahay mo, manood ka nalang doon baka lalabas bigla yong mahika sa kamay mo”patawa nila kay Harris.
Kahit mahilig sa anime si Harris ay matalino naman talaga siyang bata subalit nawalan na siya nang gana nang mabully siya, hindi naman siya tinutulugan ng mga magulang niya dahil nakatuon lagi ito sa mga trabaho nila kaya tanging panonood lang nang anime ang nagiging sandigan niya sa oras nang kalungkutan niya.
Minsan pa nga’y napapaluha nalang siya bigla sa tuwing nanonood siya ng mga anime.
“Hindi talaga ako tanggap sa mundo”bigkas ni Harris habang siya’y umiiyak.
Hindi man malakas noon si Harris sapagkat tinutulungan naman niya ang mga batang inaapi ng ibang bata subalit kapag nakakatulong siya ay siya pa ang ginagawa nilang isang masamang tao.
Minsan pa nga’y nakulong si Harris dahil sa napagbintangan siya na gumahasa sa isang babae na tinulungan lang niya dahil napagtripan ito ng ibang lalaki.
“Harris, ano na naman ang ginawa mo? Nagawa mo nang gumahasa sa edad mong iyan”paliwanag ng tatay niya habang pinagagalitan siya.
“Tay, tinulungan ko lang naman po yong babae”paliwanag ni Harris habang siya’y nakakulong.
Wala namang naniniwala sa lahat ng mga paliwanag niya kahit totoo naman ang pinagsasabi niya. Pero kahit ganoon man ang trato sa kanya nang mundo ay kailanma’y hindi siya nagtanim ng galit sa mga tao.
“Kung magbabago lang sana ang tao, siguro hindi ganito ang magiging takbo ng mundo”bigkas ni Harris.
Pera, babae, alak, sugal, droga, o kahit na pakikipagtalik ay naging sentro na sa mundo. Lahat ng mga tao’y nalulung na sa kanilang kahiligan, sa isang masamang kahiligan na halos umaabot pa nga sa kaguluhan o patayan.
“Sana magbabago na ang mga tao dahil lalo lang nilang pinapasama ang kanilang mga sarili”bigkas ni Harris habang pinagmamasdan niya ang mga masasamang gawain ng mga tao.
Isang gabi nang siya’y natulog sa kanyang kama ay bigla naman niyang napanaginipan ang isang malaking nilalang na nakipag-usap sa kanya.
“Bata, gusto mo bang mabago ang mundo?”tanong ng nilalang sa kanya.
“Gusto ko sana kaso hindi ko iyan magagawa nang mag-isa”sagot ni Harris.
“Bata, gusto mo bang magkaroon ng mahika?” paalok ng nilalang na ikinagulat niya.
“Mahika? Ano bang magiging kapalit?”tanong niya.
“Syempre, gusto naming manirahan sa mundo niyo”sabi ng nilalang sa kanya.
“Manirahan sa mundo namin?”patanong ni Harris habang siya’y nag-aalinlangan.
Dahil sa gusto ni Harris ang magkaroon nang mahika ay tinanggap niya ang alok ng nilalang sa kanya.
“Tatanggapin ko ang alok mo na bibigyan mo ako ng mahika kapalit nang pagtira niyo sa mundo namin”sagot ni Harris na biglang dumilim ang paligid na para siya’y binubulag sa dilim.
Agad namang siyang nakagising sa malalim niyang panaginip at bigla siyang napatingin sa sarili niya.
“Kung magkakaroon lang siguro ako ng mahika ay buburahin ko sa mundo ang mga masasamang tao”bigkas ni Harris.
Papasok naman si Harris noon sa eskwelahan niya nang bigla siyang hinarangan nang limang lalaking estudyante.
“Hoy Nerd! Hindi ka naman bingi di ba? Ilang ulit ko bang ipaalala sa iyo na huwag ka ng babalik sa eskwelahang ito!”sigaw nila kay Harris.
Hindi naman tumitingin si Harris sa kanila at patuloy lang itong naglalakad patungo sa kanyang silid-aralan. Dahil sa nairita sila kay Harris ay bigla nila itong hinawakan sa likod nang mahigpit na ikina-aray ni Harris.
“ARAY!”sigaw ni Harris.
Bubugbugin na sana siya nang biglang lumabas sa kanyang kamay ang isang apoy na dahilan nang pagsunog ng damit ng isang lalaking nagharang sa kanya. Laking gulat naman nila nang makita nila ang pangyayaring iyon.
“Isang apoy? Imposible paano iyon nangyari?”tanong nila habang sila’y nakatitig kay Harris.
Dahil sa hindi ka mapaniwala si Harris sa nakita niya ay agad siyang tumakbo palayo.
“Imposible, paano ko nagawa iyon? Paano ko napalabas ang apoy na iyon sa kamay ko?”tanong niya habang patuloy siyang tumatakbo.
Inilihim naman ni Harris ang mahika niya sa mga magulang niya. Nang tumagal ay unti-unti naman niyang nararamdaman ang mga malalaking nilalang na lumilipad sa himpapawid.
“Wag mong sabihing nagkakatotoo ang panaginip ko”bigkas ni Harris habang siya’y nagulat. “Nagkaroon ako nang kapangyarihan pero ang kapalit naman ay ang pagtira nila sa mundong ito”tugon ni Harris habang pinagmasdan niya sa himpapawid ang mga dragong nagsisiliparan.
May halong saya’t kaba naman ang naramdaman niya na parang unti-unting natutupad ang mga pangarap niya dahil parang nasa fantaserye na kasi ang mundo nila.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dahil sa pagkarating ng mga dragon sa mundo ay unti-unti namang nasasanay ang mga tao dahil mabait naman ang pakikitungo ng mga dragon sa kanila, namumuhay lang ito sa mga kabundukan o sa kagubatan.
Naging alaga naman ni Harris ang isa sa mga dragon tapos naging kilala din si Harris sa ibang mga dragon lalo na ang Dragon God.
“Simula ngayon ay magkaibigan na tayo sa pagitan ng mga tao at mga dragon”tugon ni Harris.
Si Harris naman ang naging tulay sa pakikipagkaibigan ng mga tao’t dragon. Mabuti pa noon ang pakikitungo ng mga dragon sa mga tao subalit lumabas narin ang tunay nitong kulay nang lumipas ang mga taon.
Ang totoo talagang hangarin ng mga dragon ay makuha ang mundo ng mga tao kaya dahil sa walang mga kapangyarihan ang mga tao ay unti-unti nila itong napapatay. Nagawa namang makipaglaban ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang armas na mga baril subalit nanaig talaga ang mga dragon.
Dahil sa paghahasik ng lagim ng mga dragon sa mundo nila ay nagdesisyon naman sa panahong iyon si Harris na labanan ang mga dragon dahil siya lang ang tanging may kapangyarihan sa mundo.
Ginawa naman ang lahat ni Harris para labanan ang mga dragon subalit dahil sa rami ng mga ito ay hindi niya ito nalabanan nang mag-isa.
“Hindi ko ito kaya nang mag-isa”reklamo ni Harris habang patuloy siyang nakipaglaban sa mga dragon.
Unti-unti namang napapatay ng mga dragon ang mga tao kaya habang dahang-dahang nauubos ang pupulasyon ng mga tao ay lalo namang nagsisisi si Harris.
“Kung hindi ko lang sana tinanggap ang alok nila, hindi sana nagkaganito ang mundo”sisi ni Harris sa sarili niya.
Nagpatuloy naman sa paghahasik ng lagim ang mga dragon kaya napilitan nalang si Harris na isakripisyo ang kapangyarihan niya sa isang simbahan. Habang nakatayo si Harris sa harap ng altar ay agad naman niyang binigkas ang mga kataga na babago sa lahat..
“Panginoon, kunin niyo po ang kapangyarihan ko at ibigay niyo po ito sa lahat ng mga tao”dasal ni Harris.
Pagkatapos ibinigkas ni Harris ang mga katagang iyon ay agad naman niyang naramdaman ang pananakit ng katawan niya na sa sobrang sakit ay parang mamamatay na siya. Tagumpay namang naibigay ni Harris sa lahat ang mga kapangyarihan kaya nagulat nalang ang mga tao nang maramdaman nila na para bang may panibagong enerhiya ang namumuo sa kanilang katawan.
“Bakit lumabas sa kamay ko ang mga tubig”tanong nila habang sila’y nalilito kung bakit may lumalabas na elemento sa kanilang mga kamay.
“May mahika na ako! May mahika na ako!”sigaw nila habang sila’y nasisiyahan.
Sapagkat nagawa mang isikripisyo ni Harris ang kapangyarihan niya ay hindi pa nagtatapos ang pagsasakripisyo niya. Humarap ulit siya sa altar at nagbigkas ulit ng mga panibagong kataga.
“Panginoon, kunin niyo po ang buhay ko kapalit po ang pagkaroon ng mga barrier na haharang sa mga dragon sa karagatang paspiko”dasal ni Harris.
Bago namatay si Harris ay nagawa pa niyang makapunta sa karagatang paspiko na hangganan ng mga nakulong niyang dragon sa kabilang parte ng kalupaan.
“Dahil nakulong ko na ang mga dragon sa kabilang parte ng kalupaan sa pamamgitan ng mga barrier, ang mundo ng mga tao ngayon ay hati na! kaya kalahati nalang ang mundo ng mga tao dahil ang kalahating-mundo ay kulungan na ng mga dragon”bigkas ni Harris.
Nang namatay na si Harris ay nagbago na ang takbo ng pamumuhay ng mga tao, nakalimutan na nila ang mga teknolohiyang mayroon sila noon. Lumipas ang mga taon ay naninirahan na ang mga tao na kalahati ang mundo at kinalimutan ang ibang parte ng mundo.
“Mama, ano po ba ang nasa kalahating-mundo”tanong ng mga bata habang wala silang alam kung ano ang nasa kalahating-mundo.
“Anak, ang sabi daw ng lolo mo, mga dragon daw ang naroon sa kalahating-mundo”sagot ng nanay nila sa kanila.
“Mama, totoo yong mga dragon?”tanong ng mga bata.
“Anak, hindi ako sigurado kung totoo basta ang sabi ng lolo ko sa akin ay totoo raw ang mga dragon”paliwanag ng nanay nila.
Makaraan ang limangdaang taon ay agad namang nasira ang barrier sa karagatang paspiko kaya ang dragon ay muli na namang umatake sa mga tao. Nagawa namang makipaglaban ang mga tao gamit ang natutunan nilang mahika subalit hindi nila makayanan ang dragon dahil sa sobrang dami kaya gumawa nalang sila ng mga aparato ng mga barrier para magsilbing harang sa mga dragon.
“Naging matalino na ngayon ang mga tao, nagawa na nilang makagawa ng mga barrier”tugon ng Dragon God habang naiinis na siya sa mga tao.
“Panginoon ano po ang gagawin natin?”tanong ng mga tagapagsilbi ng Dragon God.
“Maghihintay muna tayo nang tamang panahon para sa paglusob kaya ngayon habang maliit pa ang numero natin, magparami muna tayo”paliwanag ng Dragon God.
Ginawa naman nang Dragon God ang mga Royal Dragons na ang Dragon King, Dragon Queen at Dragon Prince na sunod na pinakamalakas na dragon.
“Kayo ang mga Royal Dragons ang pinakamalakas na uri ng dragon, tungkulin niyong magparami para sa paglusob natin sa mundo ng mga tao”paliwanag ng Dragon God sa Royal Dragons.
Dahil sa pagkabuhay nang Diyos ng mga tao na si Aries sa mundo nila ay doon na itinalaga ng Dragon God ang Holy Dragons na atakehin si Aries.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantala sa kasalukuyan, nagpatuloy naman sa paglalakad si Aries sa kalahating-mundo habang nakatingin sa kanya ang di mabilang na dragon.
“Kung gusto niyo akong patayin, gawin niyo na!”pahamon ni Aries sa mga dragon.
Hindi naman ginagalaw si Aries kahit patuloy na siyang napapgitna sa mga dragon. Hindi naman natatakot si Aries kahit nasa kalagitnaan na siya ng mga dragon.
“Ano bang problema ng mga dragong ito? Bakit hindi pa sila umaatake sa akin?”tanong ni Aries sa sarili niya.
Makaraan ang ilang minuto ay bigla namang umatake kay Aries ang isang mabilis na dragon na ngayon palang niya nakita.
“Ngayon ko palang nakita ang dragong iyan? Anong klaseng dragon iyan?”tanong ni Aries habang siya’y nakatingin sa mga Royal Dragon.
“Diyos ng mga tao, hindi ko inaasahang nakarating ka na pala rito sa mundo namin”bigkas ng Dragon King.
“Nagsasalita pala kayo! Mabuti naman para magkaintindihan tayo”pangiting sabi ni Aries. “Wag niyong angkinin ang mundong kailanma’y hindi naging sa inyo!”sigaw ni Aries.
“Diyos ng mga tao, ang pagpunta mo rito’y isang malaking kamalian, kaya hindi ka na makakaalis rito ng buhay”paliwanag ng Dragon Queen kay Aries.
[Trivia- ang simbahang sinakripisyohan ni Harris ay simbahang natagpuan sa paglalakbay nina Aries, Hert, Ox at Shin habang naglalakbay sila para patumbahin ang dragong si Astaroth. ‘Nasa Chapter 6’...
Trivia- ang panginoong tinutukoy ni Harris nang nagsakripisyo siya ay walang iba kundi si Aries. Sa ibang mundo ay Diyos kasi si Aries kaya isa siyang immortal..
Trivia- ang mobile phone na napulot ni Ox sa paglalakbay nila kasama sina Aries, Hert at Shin ay mobile phone ni Harris. ‘Nasa Chapter 5’...
Trivia- ang kalahating-mundo ay hindi talaga mundo ng mga dragon sapagkat ito ang kulungan ng mga dragon. Naging mundo lang ito nang dragon dahil akala kasi ng mga tao ay mundo iyon ng mga dragon.]
[A/N: May iilang chapters nalang ang natitira bago ito matapos..]
BINABASA MO ANG
Myself in Another World 2: The Half World (Completed)
FantasíaWar, pain, suffering and even death. Aries is giving his all to save the humanity from the dragons, even the world is against him. His journey is to travel the nest of the dragon which is called the remaining of the world "The Half-World" Will Arie...