(Vol. 2) Chapter 27: The New World

90 16 11
                                    

Samantala, kahit na sa kalagitnaan nang kaguluhan ang mundo ay hindi parin nagtatapos ang paglalakbay ni Yumi para mahanap ang anak ni Aries na si Aria. Kaya nang makarating sa isang bayan si Yumi na kung tawagin ay Trowa ay doon niya nakita ang hinahanap niya nang makilala niya ang kumupkup kay Aria na walang iba kundi si Aling Vivian.
 
“Iha? Kaano-ano mo ba si Aries? Tapos bakit kilala mo siya?”tanong ni Aling Vivian na nagulat.
 
“Aling Vivan, kasamahan ko po dati si Aries sa isang organisasyon pero ngayon po ay nabuwag na po”paliwanag ni Yumi.
 
“Dati mo siyang kasamahan? Saan na siya ngayon?”tanong ni Aling Vivian.
 
“Naglakbay po siya ngayon sa Kalahating-mundo”tugon ni Yumi.
 
“Iha, sigurado ka ba na gusto mong alagaan si Aria?”palinaw ni Aling Vivian.
 
“Aling Vivian, ibubuhos ko po kay Aria ang lahat ng pagmamahal ko”sagot ni Yumi.
 
Nang makuha na ni Yumi ang sanggol na si Aria ay bigla naman nilang narinig ang unti-unting pagbabasag ng barrier nila na sabay sigawan ang mga tao.
 
“Pakiusap lang! wag naman sana masira ang barrier!”sigaw nila.
 
Umiyak naman bigla si Aling Vivian nang maramdaman niyang unti-unti nang nababasag ang barrier ng bayan nila.
 
“Iha, iligtas mo ang bata, kailangan mo ng magtago”sabi ni Aling Vivian.
 
Hindi naman kumilos si Yumi kahit dala-dala pa niya si Aria.
 
“Iha! Bakit parang hindi ka natatakot? Alam mo naman ang sitwasyon natin ngayon diba”tanong ni Aling Vivian.
 
“Aling Vivan alam ko po ang sitwasyon ng mundo ngayon pero alam ko pong hinding-hindi tayo pababayaan ni Aries, alam kong pong maiiligtas niya ang mundo”sabi ni Yumi na nagbigay pag-asa kay Aling Vivian.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Matapos ang mabilis na paglipad ng Dragon Princess sakay si Aries ay nakarating narin sila kinaroroonan ng panginoon ng mga dragon na matatagpuan sa isang malaking gusali. Kasama ni Aries sa pagpasok ang Dragon Princess.
 
Nagulat naman bigla ang Dragon God nang makita niya si Aries ang tinutukoy nilang Diyos ng mga tao.
 
“Diyos ng mga tao, ang lakas nang loob mong pumunta sa mundo namin!”sigaw ng Dragon God.
 
“Mundo niyo!? Ikaw pa naman ang Diyos ng mga dragon tapos ikaw pa ang nagpapasimuno ng mga masamang gawain, hindi sa inyo ang mundong ito kaya wag niyong angkinin!”sigaw ni Aries habang biglang nagalit ang Dragon God.
 
Alam naman nang Dragon God na hindi na makakalaban pa si Aries dahil sa natamo nitong mga sugat sa pakikipaglaban sa mga Royal Dragons, kaya hindi nag-alinlangan ang Dragon God na atakehin si Aries para patayin ito.
 
“Diyos ng mga tao! katapusan mo na ngayon!!”sigaw ng Dragon God habang mabilis na inatake si Aries.
 
Wala namang nagawa si Aries nang umatake ang Dragon God sa kanya, wala na kasi siyang natitirang lakas tapos hindi pa niya naiigalaw ng maayus ang katawan niya. Napapikit nalang si Aries at nagdasal na siya’y mabubuhay pa sa pag-atake ng Dragon God sa kanya.
 
Nagulat naman si Aries nang maidilat niya ang mata niya at nakita na pinrotektahan siya ng Dragon Princess.
 
“Panginoon, gawin niyo po ang lahat sa akin kahit parusahan niyo ako! Pero kailanma’y wag niyong galawin ang Diyos ng mga tao! magkakamatayan po tayo diyan panginoon”paalala ng Dragon Princess sa Dragon God.
 
“Princess, tandaan mo, ako ang gumawa sa iyo dapat hindi ka pumapanig sa ibang mga nilalang tulad ng mga tao!”paliwanag ng Dragon God habang nagagalit siya sa Dragon Princess.
 
“Panginoon, ginagawa ko lang po ang tama”sabi ng Dragon Princess.
 
“Princess, hinahamon mo talaga ako!”sigaw ng Dragon God habang nagagalit na.
 
Lalaban sana ang Dragon Princess kaso pinigilan naman siya ni Aries.
 
“Tama na, hindi ko na gusto nang labanan, ang hangad ko lang ay kapayapaan”bigkas ni Aries na ikinabigla nang dalawang dragon.
 
“Diyos ng mga tao, kailanma’y hindi namin ibibigay ang mundong ito sa mga tao, magkakamatayan muna tayo bago niyo ito makuha”paliwanag ng Dragon God.
 
“Bakit? Sa inyo ba ang mundong ito? Hindi ko alam kung bakit kayo napunta rito pero dapat inisip niyo muna ang mga naninirahan dito, masama ang umangkin nang hindi sa inyo”paliwanag ni Aries habang unti-unti siyang lumapit sa Dragon God.
 
Dahil sa nakalapit si Aries sa Dragon God, ay hindi naman nag-alinlangan ang Dragon God na itapat ang kuko niya sa puso ni Aries.
 
“Diyos ng mga tao, wag mo akong hamunin! Kaya na kitang patayin!”bigkas ng Dragon God.”Kaya umatras ka na habang hindi pa ako nagagalit sa iyo”paalala ng Dragon God kay Aries.
 
Hindi naman nakinig si Aries at patuloy lang siyang nakatayo sa harap ng Dragon God.
 
“Hinahamon mo talaga ako!”sigaw ng Dragon God na ikinabigla nang Dragon Princess.
 
Itutusok na sana ng Dragon God ang kuko niya subalit nakita niya kay Aries ang buong katauhan ni Harris na minsa’y naging kaibigan niya sa mundong tinatayuan niya.
 
“Alam kong gusto niyong manirahan sa mundo namin, kaya hindi ko kayo pipiglan”pangiting bigkas ni Harris sa kanya.
 
Kahit ibang nilalang sila na pumunta sa mundo ng mga tao ay kailanma’y hindi sila tinrato na parang mga halimaw, kung tutuusin ay mabait pa ang pakikitungo ng mga tao sa kanila.
 
 Si Harris pa ang naging tulay nang pakikipagkaibigan sa pagitan ng mga tao at dragon.
 
“Di ba ikaw ang panginoon ng mga dragon, bakit naisipan niyong pumunta sa mundo namin?”tanong ni Harris sa kanya.
 
“Sinira kasi ng ibang nilalang ang mundo namin kaya napilitan kaming maghanap nang matutuluyan”paliwanag niya kay Harris.
 
“Eh!  di ba ikaw pa naman ang panginoon, kung gumawa ka ng sarili niyong mundo, hindi mo ba kayang gawin iyon?”tanong ni Harris.
 
“Gumawa ng sariling mundo? Hindi kaya nang kapangyarihan ko ang paggawa ng sariling mundo”tugon niya.
 
“Kung ganoon man, tinatanggap namin ang pagtira niyo sa mundo namin”pangiting bigkas ni Harris.
 
Kitang-kita man niya ang mga matatamis na ngiti ni Harris na nagpapatunay na tinatanggap niya ang pagtira nila sa mundo ay hindi naman niya mapigilang maluha nang magawa nilang masakop ang mundo. Mga patayan, digmaan at higit sa lahat ang pagkaramdam niya nang pagsakripisyo ni Harris para sa mundo ng mga tao.
 
Minsan naisip pa niya kung bakit sinakripisyo ni Harris ang buhay niya sa mga tao, na kahit si Harris ay hindi tanggap ng mundo.
 
“Bakit mabuti parin ang pakikitungo mo sa mga tao? diba itinaksil ka nila, ginawa ka nilang isang masama kahit mabuti ang ipinakita mo sa kanila, bakit hindi mo sila binubura sa mundo di ba may kapangyarihan ka naman?”tanong niya kay Harris.
 
“Mahal ko ang mga tao, Oo alam kong masama ang iba sa kanila pero mga tao naman sila, kalahi ko sila, kahit kalaban man ang turing nila sa akin ay hindi parin magbabago ang pananaw ko”paliwanag ni Harris.
 
“Tandaan mo, ang kabaitan mo ay magdadala sa iyo sa kapahamakan kaya wag mong kaibiganin ang lahat ng mga kalahi mo, dahil hindi lahat mabuti”paalala niya kay Harris.
 
Hindi naman makapaniwala ang Dragon God nang maramdaman niya na sinakripisyo ni Harris ang buhay niya para mailigtas lang ang natitirang tao sa mundo.
 
“Isa ka talagang hangal”bigkas ng Dragon God habang tinutukoy niya ang nagsakripisyong si Harris.
 
Kahit namatay na si Harris ay kailanma’y hindi niya kinalimutan ang mga sinabi nito sa kanya tungkul sa pagmamahal niya sa mga tao. Ginawa lang niyang makipaglaban sa mga tao dahil naniniwala kasi ang Dragon God na masama ang lahat ng tao pero hindi niya inaakalang magsasakripisyo si Harris para sa mga tao.
 
“Hindi ko inaakalang may isang hangal na magsasakripisyo para sa kapakanan nang sangkatauhan”bigkas ng Dragon na ngayon ay humanga na siya kay Harris.
 
Sa kasalukuyan ay hindi natuloy ng Dragon God na itusok ang kuko niya sa puso ni Aries dahil naramdaman din niya ang pagtitiis ni Harris kay Aries.
 
“Di ba napagdaanan mo din ang matrato sa mundo na parang hindi ka tanggap, tinuring ka nilang kriminal, ikunulong ka nila, tinraydor ka nila, pinahirapan ka nila, pero bakit gusto mo paring matulungan ang mga tao?”tanong ng Dragon God kay Aries.
 
“Dahil mahal ko sila, alam kung hindi perpekto ang pagkakagawa ng mga tao na masasabi mong may masasama at may mabubuti pero kahit may dalawang uri pa ang mga tao ay alam parin nila ang ikinabubuti ng mundo, ang pagkakaisa, ang pakikikapwa”paliwanag ni Aries na ikinagulat ng Dragon God.
 
Napatawa naman bigla ang Dragon God dahil sa sinabi ni Aries.
 
“Diyos ng mga tao, ngayon lang ako napatawa ng ganito, hindi ko inaakalang may makikilala muli akong tulad ni Harris na isang hangal”tugon ng Dragon God habang tumulo ang mga luha niya. “Diyos ng mga tao, nakakabilid ka talaga”sabi ng Dragon God.
 
“Diyos ng mga dragon, ano ang gusto mong mangyari ngayon? Aalis na ba kayo dito sa mundong ito?”tanong ni Aries.
 
“Hindi magiging madali ang pag-alis namin rito, kung marami lang sana akong kapangyarihan ay gagawa sana ako nang sarili kong mundo at para rin matigilan ko na ang mga kalahi kong dragon sa pag-atake sa mga tao”tugon ng Dragon God.
 
“Kunin mo ang kapangyarihan ko”pabiglang sabi ni Aries na ikinagulat pareho ng dalawang dragon.
 
“Ano po ang ibig niyong sabihin?”tanong ng Dragon Princess kay Aries.
 
“Di ba, hindi pa sapat ang kapangyarihan mo para gumawa ng sarili niyong mundo, tapos pigilan niyo rin ang pag-atake ng mga kalahi niyong dragon”paliwanag ni Aries habang nakatitig sa Dragon God.
 
“Hindi ko gagawin iyan, ikaw ang Diyos ng mga tao kaya dapat ikaw yong mamumuno sa kanila”tugon ng Dragon God.
 
“Oo nga dapat mabuhay ka pa!”dagdag naman ng Dragon Princess.
 
“Sa totoo lang, hindi talaga ako taga-rito sa mundong ito, isa lang talaga akong ordinaryong taong naninirahan sa ibang mundo”paliwanag ni Aries.
 
“Sa ibang mundo?”palinaw nila.
 
“Oo, hindi ko maipaliwanag pero hindi talaga ako taga-rito sa mundong ito”paliwanag ulit ni Aries. “Diyos ng mga dragon, kunin mo na ang kapangyarihan ko at gumawa ka na ng sarili niyong mundo, at isa pa, tanggalin niyo na din ang mga mahika ng mga tao, alam kong maging hadlang iyon para sa pagbabago ng mundo nila”pakiusap ni Aries.
 
“Sigurado ka ba?”palinaw nila kay Aries.
 
“Siguradong-sigurado ako, madiliin niyo na! alam ko ring marami nang namamatay na tao dahil sa inyo”sabi ni Aries.
 
Wala namang nagawa ang Dragon God kaya agad niyang hinigop ang natitirang kapangyarihan ni Aries. Napaluha nalang ang Dragon Princess habang pinagmamasdan niya si Aries.
 
“Diyos ng mga tao, salamat at binago mo rin ang lahat”pahinang sabi ng Dragon Princess.
 
“Diyos ng mga tao, bago ka mawala sa mundong ito.. nais muna naming malaman ang pangalan mo para ipagsabi sa lahat ng mga tao ang kabayanihang ginawa mo”tugon ng Dragon.
 
Agad naman nitong ipinagsabi ang pangalan niya....
 
“Salamat...”pangiting bigkas ni Aries bago siya nawala sa mundo.
 
Matapos nahigop nang Dragon God ang kapangyarihan ni Aries ay agad niyang ginamit ang lakas niya para kausapin ang lahat ng mga Dragon.
 
“Simula ngayon, kaibigan niyo na ang mga tao! wag niyo na silang atakehin!”sabi sa isip ng Dragon God sa mga alalay niyang dragon.
 
Nasira na sana ang mga barrier habang ang mga tao’y nag-iiyakan subalit nagulat nalang sila nang makita ang pagbaba ng dragon na hindi sila inatake.
 
“Mauubos na tayo!”sigaw nila.
 
Bumaba nga ang dragon kaso hindi naman sila inatake kaya nagtaka ang lahat ng mga tao kung bakit ganoon nalang ang kilos ng mga dragon.
 
“Ano bang nangyari sa mga dragon?”tanong nila.
 
“Wag mong sabihing napapagod na sila?”palinaw nila.
 
Hindi naman kumikilos ang mga dragon kahit nakikita pa nilang buhay pa ito.
 
Habang hindi pa sila lumalapit ay natigil naman sa pag-iyak ang isang batang babae nang makita niya ang isang dragon na parang hinihila siya nito palapit. Dahan-dahan namang lumalapit ang batang babae kaso pinipigilan siya ng mga tao.
 
“Huwag kang lumapit! Baka bigla kang patayin ng dragong iyan!”paalala nila.
 
Pero kahit ilang ulit na nilang pinagsabihan ang bata ay kailanma’y hindi ito natigil sa paglalakad hanggang sa nahawakan niya ang dragon. Napaamo ng batang babae ang dragon kaya laking gulat ng mga tao sa nakita nila.
 
“Napaamo ng bata ang dragon”sabi nila habang dahan-dahan nilang nilapitan ang mga dragon.
 
Napaluha nalang ang lahat nang makita nilang naging mabait na ang mga dragon sa kanila.
 
“Natapos narin ang digmaan!”sigaw nila.
 
Samatala, sumuko na sana ang mga Royal Knights sa pakikipaglaban para depensahan ang bayan ng Ylgad subalit nang bumaba na ang mga dragon sa kaharian ay nakita nila itong hindi na umaatake sa kanila.
 
“Tapos na ang digmaan”bigkas ni Reyna Tiara habang hinawakan niya ang dragon.
 
Lahat ng mga dragon sa buong mundo ay tumigil na sa pag-aatake kaya nag-iiyakan nalang ang lahat ng tao dahil sa saya.
 
“Kung sino ka mang nagpatigil sa pag-atake ng dragon! sana mabuhay ka!”bigkas ni Reyna Fiana.
 
Matapos ang pagyayaring iyon ay bumisita naman ang Dragon God sa kaharian ng Ylgad. Laking gulat naman nang makita nang dalawang hari na sina Reinhard at Miyano ang malaki at kakaibang dragon na nagpakilalang panginoon ng mga dragon.
 
“Ako ang panginoon ng mga dragon, nandito ako para humingi ng patawad sa lahat nang nagawa namin sa mundo niyo, sa mga pakikipaglaban, paglusob at pagsakop namin”pahingi ng tawad ng Dragon God. “Kapag nakagawa na kami nang sarili naming mundo ay aalis na kaming mga dragon dito”dagdag niya.
 
“Hindi ko maipaliwanag, ano ba ang nangyayari? Di ba ikaw ang panginoon ng mga dragon? bakit nandito ka at humingi ng tawad sa amin, bakit naging mabait ang mga dragon? pwede mo bang ipaliwanag sa amin ang mga nangyari?”tanong ni Haring Reinhard.
 
“Ang Diyos niyo ang nag-utos sa amin na gumawa kami ng sariling mundo, tapos ang kalahating mundo na kinuha namin ay sa inyo na”paliwanag ng Dragon God.
 
“Kalahating-mundo? Diba mundo niyo iyon?”tanong ni Haring Miyano.
 
“Kailanma’y wala kaming lugar dito sa mundong ito, ang kalahating-mundong tinutukoy niyo ay mundo niyong mga tao, ninakaw lang namin para may lugar kaming matitirhan, salamat sa Diyos niyo na nagsakripisyo para sa doon”paliwanag ng Dragon God.
 
“Nagkita ba kayo ng Diyos namin?”tanong nila.
 
“Oo, nagkita kami, alam kong mabait at maalalahanin siyang tao”sagot ng Dragon God na ikinagulat nila.
 
“Tao? isang tao ang Diyos namin?”palinaw nila.
 
“Oo, isang tao ang Diyos niyo na naninirahan dito at alam ko rin na matagal mo siyang kilala”sabi ng Dragon God habang bigla siyang lumipad sa himpapawid.
 
“Sino bang tao ang tinutukoy mo? Ano ang pangalan niya?”sigaw ni Haring Reinhard.
 
“Nogard!”
 
Nagulat naman silang lahat nang nakarinig dahil walang miisang nakakakilala kay Nogard.
 
Pagakatapos, unti-unti naman nilikha ng Dragon God ang mundo nila na kahit matatagalan pa ay naninirahan pa noon sila sa mundo ng mga tao.
 
Sa mga panahong lumipas ay marami nang nangyari...
 
Sina Haring Reinhard at Reyna Fiana ay nagkaroon na ng anak at naninirahan na sila ng payapa sa bayan ng Ylgad.
 
Sina Haring Miyano at Reyana Tiara ay nagkaasawa at nagkaroon sila ng tatlong anak. Ngayon ay naninirahan sila sa isang siyudad sa kalahating-mundo.
 
Sina Jushua at Lila ay nagkaroon narin nang magandang buhay.
 
Nagkaroon narin ng sariling pamilya sina Rena at Gina.
 
Pinalaki naman ni Yumi si Aria at siya na ang tumayong ina nito.
 
Marami na ang nagbago simula nang matapos ang digmaan sa pagitan ng mga tao at dragon. Unti-unti namang bumabalik sa dati ang lahat na kung saa’y wala nang mga kapangyarihan ang mga tao, wala naring mga barrier at parang masasabi mong nasa moderno na ang pamumuhay ng mga tao. Tanging nasa aklat o nobela nalang mababasa ang mga nangyari noong kapanahunan nang pagsakop ng mga dragon.
 
Bago nagsi-alisan ang mga dragon ay nakilala muna ng Dragon Princess ang batang si Aria.
 
“Ang ganda pala ni Aria”bigkas ng Dragon Princess.
 
“Dragon Princess, pwede mo bang sabihin sa akin kung sino si Nogard ang isang Diyos na nagsakripisyo para mabago ang lahat”pakiusap ni Yumi, ang tumayong ina kay Aria.
 
“Basta ang masasabi ko lang sa iyo ay mabait siyang tao at inuuna niya pa ang sangkatauhan bago ang sarili niya at palaban”bigkas ng Dragon Princess.
 
“Parang si Aries”pahinang bigkas ni Yumi.
 
“Si Aries??”tanong ng Dragon Princess.
 
“Ay! Wala iyon! Muni-muni ko lang iyon”sabi ni Yumi.
 
“Ganoon ba! Magpapaalam na ako sa iyo Yumi, salamat!”paalam ng Dragon Princess habang siya’y lumipad na patungo sa mundo niya.
 
Hindi naman inaakala ng mga tao na magbabago ang buhay nila kaya para sa kanila ay para lang silang nananaginip.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Labing-limang taon ang nakakalipas...
 
Nagmamadali namang lumabas si Aria sa kwarto niya dahil nahuli kasi niya ng gising. Unang araw pa naman ng klase nila sa high school tapos nahuli pa siya.
 
“Si inay naman oh! Hindi ako ginising!! alam mo namang unang araw ng pasukan ngayon”reklamo ni Aria habang mabilis na sinusuot ang uniporme niya tapos kalat-kalat pa ang buhok.
 
“Ang tagal mo kasing natulog kagabi, yan tuloy ang tagal mong nagising, wag ka laging aatupag sa mobile na phone, laro ka lang nang laro tapos abala karin sa kacha-chat sa iba”paliwanag ni Yumi.
 
“Grabe naman kayo inay! Minsan lang naman yon eh!”sabi ni Yumi habang nagmamadaling kumain. “Aalis na ako! Mapapagalitan na ako ng guro namin”paalam ni Aria habang nagamamadali siyang sumakay sa isang pampaseherong bus.
 
“Dalagang-dalaga nasi Aria”bigkas ni Yumi habang pinagmasdan niya si Aria. “Siguro kung buhay palang si Aries ngayon, siguro mapapahanga talaga siya sa anak niya”pangiting sabi ni Yumi.
 
Nang lumabas si Yumi ay nakita niya ang bagong mundo at ang panibagong simula nilang mga tao.
 
“Ang layo na ng narating namin! Salamat!”pahinang sabi ni Yumi habang tinutukoy niya ang dalawang pangalan na sina Aries at Nogard sapagkat hindi niya alam na iisang tao lang pala iyan.
 
---------------
“Si Nogard!? Mukhang kilala ko iyan?”tugon nina Rena at Gina habang sinusubukan nilang inalala kung sino siya sapagkat hindi na talaga nila iyon maalala ng tuluyan.
--------------------------------------THE END------------------------------------------------

Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon