Ano ang ibig mong sabihin?”pahinang tanong ni Hert habang pinipilit niyang magsalita.
“Lider, napatumba na po yong makapangyarihan na dragon-“paliwanag niya kay Hert.
“Oo alam ko na iyan, yong kasunod sa sinabi mong iyan”pahinang reklamo ni Hert.
“Sinakripisyo ni Sir Ox ang buhay niya”paliwanag niya kay Hert.
“Ang ibig mong sabihin namatay na si Ox”pagulat na sabi ni Hert.
“Opo Lider”pahinang sagot niya kay Hert.
Hindi naman agad makapaniawala si Hert kaya siya na mismo ang nagkumpirma kung tama ba ang sinasabi nilang namatay na si Ox. Kahit hindi pa gaanong naghihilom ang mga sugat niya ay pinilit parin niyang makatayo at pumunta siya sa lugar na tinutukoy nilang naging libingan ni Ox.
Wala naman siyang nasabi nang makumpirma talaga niyang hindi sila nagbibiro sa pagkamatay ni Ox.
“Ox, wag mong sabihing sinakripisyo mo ang sarili mo”pahinang bigkas niya habang dahan-dahan siyang lumalapit sa bangkay ni Ox.
Doon na siya umiyak nang mahawakan niya’t malaman na ito’y namatay na nga.
“Sinakripisyo mo talaga ang sarili mo Ox, ano ka ba namang klaseng lider? Ikaw pa nga ang nagsabi na paano na ang mahina ang matitira kapag laban na ang pinag-uusapan, Ox paano na ang pangkat natin, wala ka na, di ba ikaw lang naman ang ang pinakamalakas dito sa pangkat natin”paliwanag ni Hert habang patuloy niyang pinagsasabihan ang wala ng buhay na si Ox.
Kahit ang mga sugatan na kasamahan nila ay nabigla din sa pagkamatay ni Ox. Lumapit naman bigla si Shin kay Hert para pagsabihan ito na tanggapin na ang pagkawala ni Ox.
“Hert! Namatay nang may karangalan si Ox kaya alam kong masaya na siya ngayon”paliwanag ni Shin kay Hert.
“Hindi lang talaga ako makapaniwala Shin na namatay na si Ox, alam mo namang malakas siya at para na siyang halimaw doon sa kampo natin”tugon ni Hert.
“Ako rin Hert, hindi rin ako makapaniwala, ganoon lang naman talaga ang buhay natin, sa laban kasi ay parte na ng buhay natin ang kamatayan”paalala ni Shin.
Sa loob ng kweba na kung saa’y lagi nilang pinagtataguan ay doon nila inilibing ang labi ni Ox, ang espada naman nito’y nakatusok sa libingan niya. Ang lahat ng mga kasapi niya sa pangkat ay sumuludo sa kanyang libingan.
“Ox, di ka namin malilimutan”bigkas ng mga kasapi niya bago sila nag-alisan.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa madilim na kapaligiran na kung saa’y kaharap ni Aries ang umaapoy na dragon na si Astaroth. Habang abala si Aries sa pag-aatake sa dragon ay bigla namang lumapit sa kanya si Ox na may ngiti sa mukha nito.
“Aries, tapos na ang laban”bigkas ni Ox na ikinagulat ni Aries.
Nang tumingin si Aries sa likuran niya ay nakita na niyang naputulan na ng ulo ang dragong si Astaroth.
“Bakit siya naputulan ng ulo?”tanong ni Aries habang siya’y nagulat dahil hindi kasi ganoon ang pagkapatay niya kay Astaroth.
“Aries, wag mo nang pro-problemahin ang dragong iyan, tinapos ko na iyan”bigkas ni Ox kay Aries.
“Huh!? Ano ang ibig mong sabihin? Di ba ako pumatay sa dragon?”tanong ni Aries.
Hindi naman nagsalita si Ox sa kanya dahil dahan-dahan na itong lumalayo sa kanya. Kahit nga si Aries ay hindi rin alam kung bakit ganoon nalang ang kilos ni Ox na parang aalis na siya.
“Ox, saan ka ba pupunta?”tanong ni Aries.
“Aries, mauuna na ako”pangiting sagot ni Ox na ikinagulat ulit ni Aries.
“OX, SAAN KA BA PUPUNTA?”pasigaw na tanong ni Aries.
Nang maidilat ulit ni Aries ang mata niya ay nagulat siya nang tumambad sa kanya ang wala nang buhay na si Ox na habang nakaluhod ito sa lupa.
“Ox”bigkas ni Aries habang nilapitan niya ang nakaluhod na si Ox.
Tulala naman si Aries nang makita niya itong may malaking sugat sa dibdib, pumapatak ang mga dugo nito sa lupa at nakita pa niyang sunog na sunog ang katawan ni Ox. Hindi naman matanggap ni Aries ang nangyari kay Ox kaya ang bangungut na pumasok sa isip niya ay dahilan nang pagkagising niya sa hinihigaan niya.
“Panaginip lang pala iyon”bigkas ni Aries habang siya’y nagising sa malalim na panaginip.
Nakabalot na ng mga tela ang buong katawan ni Aries na may nakalagay na halaman na nagsisilbing gamot sa mga sugat at paso niya. Madilim din ang paligid nang magkamalay si Aries, tapos wala ring siyang mga taong nakasama sa kwarto at parang pamilyar din ang kwartong hinihigaan niya.
“Di ba ito yong pagamutan sa kampo?”palinaw ni Aries sa kanyang sarili habang hindi siya sigurado.
Makaraan ang ilang minuto ay dumating naman ang isang babae at nagulat nalang ito nang makita niyang nagising na si Aries.
“Aries, ayus na ba ang pakiramdam mo?”alala ni Yumi na ilang araw nang nag-aalala sa kanya simula nang makabalik sila sa kampo.
“Miss Yumi, ilang araw na akong natutulog rito sa pagamutan?”tanong ni Aries.
“Magtatatlong-araw na Aries, mag-iisang linggo narin kayong bumalik rito sa kampo, yong ibang mga kasamahan mong sugatan ay dahan-dahan nang gumagaling maliban lang sa iyo, kina Shin at Hert na grabe ang pagkatamo niyo”paliwanag ni Yumi.
“Sina Shin at Hert? Paano sila nagkatamo ng sugat eh! ako lang naman ang pumatay sa dragon?”pabiglang tanong ni Aries, hindi kasi alam ni Aries na nabuhay pa ulit si Astaroth.
“Ewan ko Aries, yan kasi ang sabi ng mga kasamahan mo”tugon ni Yumi. “Aries, puputulin mo muna yong pag-uusap natin, gutom ka na ba Aries? Nauuhaw? May sakit pa sa sugat mo? O kahit anong pinpoproblema mo ngayon Aries, tutulungan kita”alala ni Yumi.
“Nagugutom lang ako Miss Yumi, pero bukas nalang ako kakain, gabi na kasi”sabi ni Aries.
“Aries, kakain ka, wag kag mag-alala kung gabi man, sige maiiwan muna kita rito kukuha lang ako nang makakain mo”alala ni Yumi kay Aries.
Umalis naman si Yumi para kumuha ng makakain kay Aries nang siya’y bumalik sa pagamutan ay dala-dala na niya ang isang plato na puno ng kanin at ulam. Sa kondisyon ni Aries ay hirap niyang maigalaw ang mga kamay niya dahil nakabalot ito ng tela kaya hindi makakain si Aries ng siya lang.
Agad namang nakita ni Yumi na nahihirapan si Aries kaya siya nalang nagsubo kay Aries. Pilit namang tumatanggi si Aries dahil alam niyang matanda na siya para sa ganyang bagay tapos mahihiya siya kapag may nakitang sinusubuan siya.
“Miss Yumi, kaya ko na tong sarili ko! Kaya ako nalang ang susubo sa pagkain ko”tanggi ni Aries.
“Aries, sige nga, kahit maigalaw lang ang kamay mo ay mahihirapan ka na, paano na kaya kung susubo ka na sa pagkain mo”patawang sabi ni Yumi.
Agad namang napatingin si Aries kay Yumi na parang wala na siyang magagawa, kaya hinayaan nalang niya si Yumi sa gagawing pagsubo sa kanya.
Hindi naman mawala sa isip ni Aries ang ginawang pagtawa ng mahina ni Yumi nang masubuan na siya. Wala namang magawa si Aries dahil gutom na gutom na siya tapos nahihirapan pa niyang maigalaw ang kamay niya.
“Aries, para kang sanggol”patawang sabi ni Yumi sa tuwing sinusubuan niya si Aries.
“Miss Yumi, hindi na nakakatawa ang sinasabi mo ah”seryusong reaksyon ni Aries habang pinagsasabihan niya si Yumi.
“Pasensya ka na Aries, hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko sa pagtawa”bigkas ni Yumi habang patuloy siya sa pagtatawa.
Sa gabing iyon ay masaya namang sinasamahan ni Yumi si Aries, nag-uusap pa nga sila sa ginawang paglalakbay ni Aries sa silangan hanggang sa pareho na silang nakatulog. Nagulat naman si Aries kinaumagahan nang makita niyang nakatulog sa tabi niya si Yumi, nakatitig talaga si Aries sa mukha ni Yumi habang ang laway nito’y dahan-dahan nang tumutulo sa hinihigaan niya.
Ilang segundo nang nakatitig si Aries sa mukha ni Yumi pero hindi parin ito nagigising. Agad namang hinawakan nang malakas ni Aries ang ilong ni Yumi para hindi ito makahinga. Makaraan ang ilang segundo ay mabilis na nakagising si Yumi habang siya’y hingal na hingal.
“Hala, muntik na ako doon ah! Nalunod ako sa panaginip ko, kung hindi siguro ako nagising siguro mamamatay ako”pabiglang sabi ni Yumi sa kanyang sarili.
Nagulat naman si Yumi nang makita niya si Aries na nakatitig lang sa kanya kaya doon nalang niya nalaman na siya’y nakatulog pala sa hinihigaan ni Aries.
“Magandang araw Miss Yumi, mukhang napasarap yata ang tulog mo”bati ni Aries sa kanya.
“Kanina ka nang gising Aries?”tanong ni Yumi.
“Oo Miss Yumi, kanina ko pa tinititigan ang mukha mo, tapos anong pakiramdam kapag hindi ka makahinga?”paliwanag ni Aries na may patanong na biro kay Yumi.
“Aries, wag mong sabihing- hindi na nakakatawa ang biro na iyon Aries, kung hindi ako nakagising? Siguradong mamamatay ako dahil sa biro mo Aries!”paliwanag ni Yumi.
Habang sila’y nag-uusap ay nakikinig lang pala sa labas ng pagamutan ang mga kasamahan ni Yumi na babae na nagtratrabaho doon sa pagamutan. Ngiti nilang pinakikinggan ang pag-uusap nina Aries at Yumi sa loob ng pagamutan.
“Wag nga kayong sumingit! Baka marinig nila tayo dito”reklamo nila habang patuloy nilang pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa sa loob.
Naputol naman ang pag-uusap nina Aries at Yumi nang biglang pumasok si Shin na kakagising lang. Hindi alam ni Shin na nakikinig pala ang mga babae doon sa labas dahil nakatuon kasi ang isip niya sa sugat niya.
“Gising kana pala Aries, kamusta na ang pakiramdam mo?”tanong ni Shin habang siya’y nalilito kung bakit sina Aries at Yumi lang ang nasa loob ng pagamutan, sa oras na kasing iyon ay naroon na ang mga kababaihan para magtrabaho.
Agad namang pumasok ang mga babaeng nagtratrabaho sa pagamutan na parang wala lang nangyari pero sa kanilang isip ay malaki na ang galit nila kay Shin dahil pinutol nito ang magandang pag-uusap nina Aries at Yumi.
“Panira lang talaga tong si Shin”bulong ng mga babae habang nagagalit na sila kay Shin.
Matapos ginamot sina Aries at Shin doon sa loob ng pagamutan ay agad namang nakipag-usap si Aries tungkol sa mga sumunod na nangyari matapos siyang mawalan ng malay dahil sa pag-atake niya kay Astaroth.
“Shin, pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang sumunod na nangyari sa paglalakbay natin”pakiusap ni Aries. “May napanaginipan kasi ako na namatay daw si Ox, hindi ko alam kung paano ko napanaginipan ang bagay na iyon, nakakatawa isipin”tugon ni Aries.
Hindi naman nakapagsalita si Shin kay Aries kaya dahan-dahan nang nabibigla si Aries sa kilos ni Shin.
“Shin, may problema ba? Tapos Shin, hindi ko rin alam kung bakit rin kayo nagkatamo ng sugat ni Hert”tanong ni Aries habang siya’y nalilito na.
Hindi rin ulit nakapagsalita si Shin kaya nang pumasok ang heneral sa pagamutan ay siya nalang ang sumagot sa lahat ng mga katanungan ni Aries dahil narinig kasi niya ang pagtatanong ni Aries kay Shin.
“Aries, patay na si Ox, tapos namatayan rin kayo ng lima pang kasamahan sa paglalakbay niyo, maraming ding sugatan dalawa doon sina Shin at Hert”pabiglang paliwanag ng heneral na ikinagulat ni Aries.
“Ano po ang ibig niyong sabihin heneral?”tanong ni Aries habang siya’y nagulat na may pagkalito. “Di ba po, tinapos ko na po ang dragon? Shin, di ba tinapos ko na ang dragon?”palinaw ni Aries habang nakatitig siya kay Shin.
“Aries, muling nabuhay ang dragon, sa pagkawala ng malay mo ay inatake kami ng apat pang dragon, nagawa na sana naming mapatumba ang mga ordinaryong dragon, pero ang hindi namin inaakala na may isa pa palang dragon ang bumuhay sa makapangyarihang dragon kaya doon sinakripisyo ni Ox ang buhay niya para mapatumba niya ang dragon”kwento ni Shin.
Tulala naman si Aries sa ikinuwento ni Shin nang malaman niyang namatay na talaga si Ox.
“Aries, tatanungin kita, gusto mo pa bang ipagpatuloy ang pagiging tagapaglakbay mo?”tanong ng heneral kay Aries.
“Opo Heneral, ipagpatuloy ko pa po ang pagiging tagapaglakbay”lakas na loob na sinabi ni Aries.
“Kung ganoon Aries, dahil sa natamo mong pagkasunog sa balat ay magpahinga ka muna sa laban ng isang buwan, alam kong matatagalan pa bago ka makapaghanda kaya doon ka muna manatili sa bahay ni Yumi, doon sa bayan niya”paliwanag ng heneral kay Aries.
Agad namang din nagpakita si Yumi kay Aries nang matapos nagpaliwanag ang heneral, ngumingiti naman siya na may pakaway-kaway kay Aries na parang siya ang nagplano sa bagay na iyon.
“Aries, ako muna ang mag-aalaga sa iyo doon”pahinang bigkas ni Yumi.
“Sige Aries, mamaya aalis na kayo rito, paalala ko sa iyo Aries magbakasyon ka muna dahil alam kong ikaw ang kailangan namin para matalo natin ang mga dragon sa mundong ito”paliwanag ng heneral kay Aries.
Matapos nag-impake si Yumi sa mga gamit niya ay hinanda na niya ang isang karwahe na maghahatid sa kanila sa bayan niya. Dahan-dahang binuhat si Aries sa loob ng karwahe dahil hindi kasi maigalaw ni Aries ang katawan niya dahil sa nakabalot na tela.
“Aries, ako muna ang mag-alaga sa iyo”pangiting bigkas ni Yumi habang siya’y nakatitig kay Aries.
BINABASA MO ANG
Myself in Another World 2: The Half World (Completed)
FantasyWar, pain, suffering and even death. Aries is giving his all to save the humanity from the dragons, even the world is against him. His journey is to travel the nest of the dragon which is called the remaining of the world "The Half-World" Will Arie...