(Vol. 1) Chapter 4: Departure

87 23 6
                                    

“Hert, may bago kang miyembro”bigkas ng heneral na ikinagulat ni Hert.
 
“May bago akong miyembro? Ilan sila?”tanong ni Hert habang siya’y nabuhayan ng loob.
 
“Wag ka munang mapakasaya Hert, tanging isang baguhan lang ang sumali sa tagapaglakbay”tugon ng henral sa kanya.
 
“Isang baguhan lang? Heneral, pwede ka naman yata ng magtalaga ng ibang tagapaglakbay diyan kahit pansamantala lang, importante kasing misyon ang gagawin namin”pakiusap ni Hert sa heneral.
 
“Misyon o paghihiganti? Alam ko na ang ugali mo Hert kaya hindi mo na ako malilinlang pa, Hert masanay kana kapag namatayan ka ng mga kasamahan, labanan kasi ang pinunta rito hindi paghihiganti”paliwanag sa kanya ng heneral.
 
“Ang paghihiganti kasi heneral ay parte na ng labanan, di ba? ano ang dahilan kung bakit ka lumabalan para maghihiganti”paliwanag ni Hert sa heneral.
 
“Hert, wag mong babaliktarin ang sinabi ko, dapat marunong kang sumunod at gumalang sa akin dahil ako ang kataas-taasan rito at sa akin din nanggagaling ang mga kautusan, naiintindihan ba Hert”tugon ng heneral sa kanya.
 
“Kailanma’y hindi ko magugustuhan ang ugali mo Vert, naging heneral ka nga lang dahil sa mga gobyerno ganyan na ang ugali mo sa akin”tugon ni Hert, bunsong kapatid ni Vert na ang heneral sa buong Slayer Faction.
 
“Hert, wag mo akong tawagin sa ganyang pangalan rito sa kampo, ibang tao ako rito tapos ibang tao rin ako sa labas ng Slayer Faction, naiintindihan ba?”palinaw ni Vert kay Hert.
 
“Naiintindihan heneral”bigkas ni Hert bago siya umalis ng opisina.
 
Agad namang pumunta si Hert sa gusali ng pangkat niya para kilalanin ang isang baguhan na bagong miyembro sa pangkat niya. Hindi naman gaano kasaya si Hert dahil alam niyang masasawi rin ito kapag naglakbay sila sa labas ng pook.
 
Nang makapasok siya sa kanyang gusali ay doon niya nakita ang isang batang lalaki na tanging isang mata lang ang nakabuka.
 
“Ikaw yong baguhan ng tagapaglakbay?”tanong niya kay Aries na siyang nakita ni Hert.
 
“Opo Sir!”sagot ni Aries.
 
“Ako nga pala si Hert, ayokong maging pormal kaya pwede mo nalang akong tawaging Hert”pakilala niya kay Aries. “Ano ang pangalan mo?”tanong niya.
 
“Aries po”sagot ni Aries.
 
“Aries ah! Mukhang narinig ko na ang pangalang iyan, nakalimutan ko lang kung saan”tugon ni Hert. “Sige Aries, hanggang hindi pa nagsisimula yong misyon natin magsanay ka muna ng mabuti, sige bibisitahin ko muna yong mga kasamahan natin sa pagamutan”sabi ni Hert kay Aries.
 
Pagkatapos kinilala ni Hert si Aries ay pumunta siya sa pagamutan upang kumustahin ang lagay ng mga kasamahan nilang sugatan. Hindi naman napigilan ni Hert ang maluha nang makita niyang umiiyak ang mga kasamahan niya habang sila’y ginagamot.
 
“Aray!”sigaw nila habang tinitiis ang sakit na nararamdaman nila.
 
May mga kaunti namang galos ang ibang kasamahan ni Hert na sa kasalukuya’y nagpapahinga din sa pagamutan. Agad namang napaupo si Hert sa isang upuan habang iniisip niya ang huling nangyari sa kanila.
 
Nagawa nilang makapatay ng mahinang dragon sa silangan kaso dahilan naman iyon nang pagkadisgrasya ng ibang kasamahan niya. Ang mas inaalala niya ng todo ay ang nasawi niyang kasamahan dahil natamaan sila sa pagbuga ng dragon. Kung tutuusin ay pwede pa sana niyang tulungan ang mga iyon kaso natatakot siya sa posibilidad na baka maubos sila kapag babalik sila kaya iniwanan nalang nila ang mga kasamahan niya.
 
“Mukhang babalik talaga ang mga kaluluwa nila para gagambalain ako”’bulong ni Hert sa kanyang sarili.
 
Nagpatuloy pa sa pagsisisi si Hert sa kanyang sarili hanggang sa nilapitan siya ni Aries.
 
“Hert, kung may nangyari mang bangungut sa inyo, kalimutan mo na lang iyan”paalala ni Aries sa kanya.
 
Agad naman niyang tiningnan si Aries dahil nakayuko kasi siya.
 
“Aries, hindi mo kasi naiintindihan ang nararamdaman ko, nawalan na ako ng kasamahan Aries, hindi lang mga kasamahan ang turing ko sa kanila kundi mga matatalik na kaibigan na, kaya wag kang magpapaalala sa akin Aries na parang naiintindihan mo ang nararamdaman ko”tugon ni Hert kay Aries.
 
Tahimik lang si Aries habang nagsasalita si Hert sa kanya. Ang hindi alam ni Hert ay mas masakit pa pala ang pinagdaanan ni Aries kaysa sa pinagdaanan niya. Kung nawalan lang ng kaibigan si Hert, samantalang nawalan naman ng mahal sa buhay si Aries, si Lolo Andres na siyang nag-alaga sa kanya, sina Nina at Tina na parehong tinuruan siya ng pagmamahal at ang asawa niyang si Mellia na siyang nagbigay sa kanya ng pangalawang pagkakataon para sumaya muli, lahat sila nawala pareho sa buhay ni Aries. Pero ang mga bagay na iyon ay hindi naging hadlang kay Aries para ipagpatuloy ang kanyang buhay.
 
Makaraan ang isang araw, bumalik naman sa dati si Hert, hindi na siya umiiyak, hindi nalulungkot at inalis narin niya ang pagsisisi sa sarili niya. Ang ugaling estrikto at mahigpit sa mga kasamahan niya ay bumalik na din.
 
Sa kasalukuyan, siya ay mag-isang nagsasanay sa dati niyang sinasanayan. Sa pagamit ng espada, pana at pagpapalakas ng kanyang mahika. Ginagawa niya ang lahat para lumakas lang, umaga hanggang sa maabutan siya ng gabi, kahit napapagod na ang kanyang katawan ay hindi parin niya itinitigil ang pagsasanay.
 
May oras naman na nakikita siya ni Ox, ang lider ng isang pangkat sa tagapagbantay. Sa tuwing nagkikita kasi sila sa kampo ay lagi siyang hinahamon nito. Alam niyang malakas siya kaso hindi pa siya gaano kalakas para ito’y patumbahin. Kaya ang ginagawa niya ay lagi niyang ipinapakita kay Ox na siya’y malakas para hindi siya hahamunin nito.
 
Kinakabahan na siya ngayon dahil biglang lumapit si Ox sa kanya, ang pangunahing kalaban niya sa kampo.
 
“Sir Ox, may kailangan ka ba sa akin?”tanong ni Hert habang siya’y kinakabahan na.
 
“Di ba nangangailangan ka ng bagong miyembro sa pangkat mo, baka pwede niyo kaming idagdag, nagdesisyon na kami ng pangkat ko na sumali sa grupo mo para ipagpatuloy ang paglalakbay niyo sa silangan”paliwanag ni Ox na ikinagulat ni Hert.
 
“Oo, nangangailangan kami ng bagong miyembro, pero hindi ko inaasahang sasali kayo”sabi ni Hert habang siya’y nabigla kay Ox. “Bakit gusto niyong sumali sa pangkat ko, diba tagabantay na kayo?”tanong niya kay Ox.
 
“Wala lang Sir Hert”pangiting sagot ni Ox.
 
“Hert lang, ayaw ko ng pormal Sir Ox”tugon ni Hert.
 
“Ox lang, ayaw ko rin ng pormal Hert”tugon ni Ox.
 
Nang dumating si Aries ay agad namang bumati si Ox nang may galang at respeto kay Aries.
 
“Magandang tanghali Aries, magkasama na rin tayo sa pangkat Aries”pangiting bati ni Ox kay Aries.
 
“Sumali ka sa pangkat namin?”tanong ni Aries habang siya’y nabigla.
 
“Syempre Aries, gusto ko rin maging tagapaglakbay tulad mo”sai ni Ox.
 
“Kung ganoon ay mabuti naman”reaksyon ni Aries.
 
Nabigla naman si Hert nang makita niyang nirerespeto ni Ox si Aries. “Ano bang mayroon kay Aries, bakit ganyan makipag-usap si Ox sa kanya, wala naman akong nakiktiang espesyal kay Aries maliban lang sa pagiging bulag na isang mata niya”bulong ni Hert sa kanyang sarili.
 
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Si Shin, ang nagpasama kay Aries patungo sa kampo ay alam rin ang kahinatnan ngayon ng pangkat ni Hert. Pinag-uusapan nila ngayon ng kasamahan niya ang pagsali sa pangkat ni Hert para sa gagawing paglalakbay sa labas ng pook.
 
“Mga kasama, alam niyo na ba ang sitwasyon ngayon ni Hert at ang pangkat niya?”tanong ni Shin sa mga kasamahan niya.
 
“Opo Lider, kulang na po sila ng mga tao, tapos po sugatan pa po ang mga kasamahan niya”sagot niya kay Shin.
 
“Hindi lang iyon, idadagdag ko pa ang impormasyong nakuha ng pangkat ni Hert, may malakas at makapangyarihang dragon na nananatili sa silangang bahagi, tandaan niyo malakas at makapangyarihan na dragon, ibig sabihin hindi ordinaryong dragon lang na nakikita natin sa himapapawid, alam kong marami sa inyo ang natatakot sa mga dragong iyon pero kailangan talaga niyong harapin iyon dahil darating ang panahon na makakaharap niyo ang ganoong klase ng mga dragon, hindi ko gustong maghihintay pa tayo sa dragong iyon kung kailan at saan man aatake, ang tanong ko sa inyo, payag ba kayong maging tagapaglakbay?”paliwanag ni Shin sa pangkat niya na may kasamang tanong sa huli.
 
Marami namang nag-aalinlangan dahil sa paliwanag ni Shin, ayaw kasi nilang mapahamak pero kung para sa kapakanan man ng sanlibutan ay gagawin talaga nila.
 
“Lider, handa kong isakripisyo ang buhay ko para sa mundo”tugon ng isang kasamahan ni Shin.
 
“Ako rin po Lider, ayaw ko pong maghari-harian ang dragon sa mundo”tugon din ng iba pang kasamahan ni Shin.
 
Ang ibang takot naman ay napilitan nalang dahil pareho kasing sumang-ayon ang iba kay Shin. Hanggang sa silang lahat ay nagsang-ayunan na.
 
“Lider, kami pong lahat ay sasama po sa inyo sa tagapaglakbay”tugon nilang lahat kay Shin.
 
“Mabuti naman kung ganoon”tugon ni Shin habang masaya siya sa mga kasamahan niya.
 
Nang mabalitaan ni Hert ang pagsali ni Shin sa pangkat nila ay hindi niya napigilan ang sarili na magtanong kung ano na ang nangyayari. Unang beses pa kasi siya nakitang nagkaganito, kung tutuusin ay wala talagang kumakampi sa kanila o pumipili sa pagiging tagapaglakbay dahil sa delikado nito pero ngayon ay parang handa na nilang itaboy ang buhay nila para sa sanlibutan.
 
“Nawala lang kami ng ilang araw rito tapos pagbalik namin dito ay ganito na ang mangyayari”tugon ni Hert sa kanyang sarili.
 
Kahit na ang heneral ay nagulat din sa pabiglang desisyon nina Ox at Shin na parehong pinuno ng mga pangkat. Hindi kasi niya inaakala na iibahin ng dalawa ang pagiging tagabantay ng dalawa. Wala naman siyang magagawa, o kahit pigilan niya ay hindi rin niya iyon magagawa dahil pareho naman kasi iyong tungkulin bilang miyembro ng Slayer Faction o bilang isang dragon slayer.
 
“Sana, naging tama kayo sa desisyon niyo”bulong ng heneral habang tinutukoy niya ang desisyon nina Ox at Shin.
 
Tatlong-araw na ang lumipas nang maagang gumising si Aries para mag-ensayo, ang hindi pala alam ni Aries ay tinitingnan na pala siya ni Yumi na mas maagang nagising pa kaysa sa kanya. Bawat pagpahahampas ng espada ni Aries ay tinitingnan niya, kahit sa hubad-hubad din na katawan ni Aries ay hindi niya mapigilang ang laway niya sa pagtulo.
 
“Aries, Aries, nakakamangha ka talaga, sa tuwing hinahampas mo yong espada mo ay parang ako yong nasusugatan, ang sakit na may halong sarap”bulong ni Yumi habang  pina-fantaserye niya si Aries.
 
Naputol naman ang pagfafantaserye niya nang biglang dumating ang mga kaibigan niyang mga babae.
 
“Yumi, ang aga mong nagising ah, sino bang tinitingnan mo diyan?”tanong nila kay Yumi.
 
Agad namang nagbulag-bulagan si Yumi.
 
“Sino bang nagsabing may tinitingan ako dito?”palinaw ni Yumi habang namumula na ang kanyang pisngi.
 
“Para kasing nakatuon ang mukha mo diyan sa direksyong iyan”tugon niya kay Yumi habang tumingin din siya sa direksyong tinitingnan ni Yumi pero agad naman siyang pinigilan nito.
 
“Opss! Umalis ka na diba may gagawin ka pa”tugon ni Yumi.
 
“Oo nga pala, manghihilamos pa pala ako”sabi ng kaibigan ni Yumi habang ito’y umalis.
 
Magpapatuloy na sana sa pagfafantaserye si Yumi kaso nilapitan na siya ni Aries. Nabigla naman siya nang makita niyang lumapit si Aries sa kanya.
 
“Magandang umaga Aries”bati ni Yumi habang pinipilit niyang hindi ngumiti sa harap ni Aries.
 
“Kanina lang kayo dito Miss Yumi?”tanong ni Aries.
 
“Kakarating ko lang dito Aries, nabigla nga ako nang makita kitang nagsasanay dito”sabi ni Yumi.
 
“Ganoon ba, kanina may nararamdaman kasi ako na parang may nagmamasid sa akin, akala ko ikaw”sabi ni Aries na ikinagulat ni Yumi.
 
“Aries, baka dragon lang ang nagmamasid sa iyo”sabi ni Yumi habang dahan-dahan siyang umaalis.
 
“Huh!?”reaksyon ni Aries kay Yumi.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Makaraan ang ilang araw ay dahan-dahan nang gumagaling ang mga kasamahan ni Hert. Unti-unti naring rumarami ang miyembro niya dahil dumagdag doon ang pangkat nina Ox at Shin na parehong tagabantay. Hinihintay nalang ni Hert ang tamang pagkakataon para sila’y makapaglakbay ulit.
 
Nag-aalala naman ang kapatid niyang si Vert sa kanya na isang heneral sa kampo.
 
“Hert, mag-ingat kayo sa paglalakbay kapag aalis na kayo”paalala ng kapatid niyang si Vert.
 
“Heneral, di ko na kailangan ng alala mo, alam kong wala ka ng pakialam sa akin”sabi ni Hert.
 
“Hert, hindi totoo yan, itinuring parin kitang isang kapatid, nagawa ko namang maging mahigpit sa iyo para aalis ka bilang isang tagapaglakbay, Hert ayokong mapahamak ka sa paglalakbay mo”paliwanag ni Vert habang siya’y nag-aalala kay Hert.
 
“Heneral, gusto kong mabigyan ng kapayapaan ang mga tao kaya lalaban ako, hindi tulad sa iyo na uupo nalang, uutos ng kahit sino-sino at maghihintay ng salapi mula sa mga gobyerno at hari”paliwanag ni Hert habang naiinis na siya sa kanyang kapatid.
 
Hindi naman nakapagsalita si Vert dahil lahat ng mga sinabi sa kanya ni Hert ay tama. Totoong naka-upo lang siya sa opisina niya na walang ginagawa, ang tanging trabaho lang niya sa kampo ay nag-uutos ng mga tao at totoo ring naghihintay lang siya ng salapi na ibibigay sa kanila mula sa gobyerno at hari.
 
Agad namang lumayo si Hert sa kanya at bumalik ito sa gusali para ihanda ang mga kasamahan niya para sa malapit na paglalakbay nila. Dumagdag naman ng dalawangpu’t dalawang tao ang pangkat niya kasama na doon ang parehong pinuno ng pangkat na sina Shin at Ox. May kasalukuyan naman siyang labing-dalawang kasamahan na makakasama niya at idadagadag pa si Aries. Tatlungpu’t-anim silang lahat kasama na ang kanyang sarili.
 
Ipinaliwanag niya sa mga kasamahan niya ang magiging takbo ng kanilang paglalakbay, ang kanilang plano at maging istratehiya nila sa laban.
 
“Hindi ordinaryong dragon ang makakalaban natin sa silangan, kaya kailangan nating ng mga plano para alam natin ang gagawin natin”tugon ni Hert sa mga miyembro niya.
 
Isa-isa namang nagpaliwanag ang mga kasamahan niya para sa magiging plano nila.
 
Samantala, hinanda naman ng heneral ang pitong karwahe para sa paglalakbay ni Hert, mga sandatang pana at espada at mga pagkain at tubig na importante sa paglalakbay. Ipinagdasal naman niya ang kanyang kapatid pati na ang mga kasapi nito sa grupo.
 
“Sana po mabigtyan niyo po sila ng lakas at ilayo niyo po siya sa kapahamakan”dasal ni Vert.
 
Sa araw ng pag-aalis ng grupo ni Hert ay hindi naman makapaniwala si Yumi na aalis din si Aries sa kampo. Hindi naman nakapagpapaalam si Aries dahil naka-upo na siya sa loob ng karwahe.
 
Nabigla naman si Aries nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan na nangagaling sa labas ng kanyang karwahe.
 
“Aries, magbabalik kayo ah!”sabi ni Yumi sa kanya.
 
“Hindi ko alam Miss Yumi, hindi ordinaryong dragon ang makakalaban namin sa misyon namin kaya hindi ko isisigurado ang pagbabalik ko rito”paliwanag ni Aries na ikinabigla ni Yumi. “Pero, gagawin ko ang lahat para makabalik kaming lahat rito sa kampo”tugon ni Aries na ikinasaya ni Yumi.
 
“Aries, pangako iyan ha”pangiting bigkas ni Yumi kay Aries.
 
Hindi naman sumagot si Aries pero alam ni Yumi na ipingako ni Aries na siya’y babalik sa kampo ng ligtas.
 
“Aries, hihintayin ko ang pagbabalik mo rito”bulong ni Yumi habang dahan-dahan nang umaalis ang karwahe na sinasakyan ni Aries.
 
Patungo sa silangan ang paglalabay nila na kung saa’y naghihintay doon ang makapangyarihan na dragon sa kanila. Ang dragong iyon ay nakita na ni Aries sapagkat ang dragong iyon lang naman ang sumira sa siyudad ng Rellic.
 

Ang dragong si Astaroth ay isa sa miyembro ng 7 Holy Dragons, ang isa sa mga pinakadelikadong dragon sa mundo dahil sa kapangyarihang apoy nito na magmistula nang impiyerno kapag aatake ito.

Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon