//The Beginning//
Mga ilang taon na ang nakakaraan na ang panahong hindi pa napunta si Aries sa ibang mundo. Ang mga dragon nama’y malaya pang nakakaatake sa mga tao na walang takot at walang pangamba. Nakakapatay sila ng mga tao at nakakasira sila ng mga bayan. Sa panahong iyon ay hindi pa aktibo ang pitong Holy Dragons na sina Ourovoros, Astaroth, Exitium, Cyaegha, Xodus, Ouverture at Tempest. Sa katunayan ay nagbabantay lang sila sa pugad ng Dragon God.
Dahil sa ritwal na ginawa ng mga taong relihiyoso sa bayan ng Ente na pinamumunuan ng mga pari ay agad naramdaman ng Dragon God ang isang masamang delubyo para sa kanila na kung saa’y sisira sa mundo nilang mga dragon.
“Isang hindi ordinaryong tao ang mabubuhay dito sa mundong ito”bigkas ng Dragon God.
Nakakapagsalita ang mga dragon na may mataas na antas lalo na ang Dragon God na isang immortal dragon.
“Ano po ang ibig niyong sabihin panginoon?”tanong ng Dragon King.
“May isang tao ang pipigil sa paghahari natin dito”tugon ng Dragon God.
“Kung yan po ang nararamdaman niyo po panginoon, dapat may gawin po tayo para mapigilan natin ang taong iyan”tugon ng Dragon Queen.
Kaya agad namang itinalaga ng Dragon God ang isa sa Holy Dragons na si Ourovoros na atakehin ang bayan ng Ente.
“Ourovoros, ikaw ang itatalaga ko sa misyong ito, dapat mapuntahan mo ngayon ang bayan nang pagriritwal (Ang bayan ng Ente) at sirain mo ang ritwal, gawin mo ang lahat para hindi matuloy ang ritwal, kung magtatagumpay man ang mga tao, patayin mo taong magiging tagapagligtas ng mga tao (Si Aries)”utos ng Dragon God kay Ourovoros.
Agad namang tumango ang dragong si Ourovoros na nagpapahiwatig na susundin niya ang misyon.
Subalit bigo mang mapatay ni Ourovoros si Aries kaya agad niya itong hinanap, nagkaharap ulit sila ni Ourovoros sapagkat binulagan siya ng mata ni Aries. Hindi naman sumuko ang dragong si Ourovoros kaya nagkaharap ulit sila ni Aries sa huling pagkakataon sa bayan ng Lyveli, sa kasawiang palad ay hindi napatay ni Ourovoros si Aries marahil siya pa ang napatay ni Aries.
Sa panahong iyon ay itinalaga na ng Dragon God na atakehin ang mga tao subalit isa-isa na silang pinapatay ni Aries na ngayon ay tatlong Holy Dragons nalang ang natitira na sina Xodus, Ouverture at Tempest.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
//Aries VS. Xodus, The Dark Dragon and Ouverture, The Nightmare Dragon//
Samantala, nang mailabas na ni Aries ang kanyang kapangyarihan ay laking gulat naman ng lahat ng dragon sa nakita nila lalo na ang parehong Holy Dragons na sina Xodus at Ouverture. Nagising na kasi ang totoong kapangyarihan ni Aries na walang iba kundi ang mahikang liwanag na kung saa’y masusunog agad ang mga dragon nang walang minuto.
Habang nagsisiliparan ang mga dragon sa himpapawid ay agad naman silang inutusan ng mga Holy Dragon na atakehin si Aries sapagkat nag-iisa lang naman ito. Agad namang sinunod ng mga dragon ang inutus sa kanila kaya sabay-sabay silang umaatake kay Aries subalit sabay-sabay naman silang sinusunog ni Aries gamit ang mga mahikang liwanag.
Nasusunog, naaabo at madaling nabubura ang mga lumalapit na dragon kay Aries. Unti-unti naring bumababa ang dami ng mga dragon. Nagagalit naman ang mga makakapangyarihang dragon sa tuwing napapatumba ni Aries ang mga ordinaryong dragon.
Dahil sa sobrang galit ni Xodus ay agad niyang pinadilim ang paligid subalit hindi na ito umubra kay Aries dahil sa kanyang mahikang liwanang na kayang pumatay ng mga mahikang dilim.
“Hindi ko hahayaang maghari kayo sa mundo!”sigaw ni Aries habang isa-isa niyang pinapatumba ang mga dragon.
Agad namang inihampas ni Aries ang kapangyarihan niya kaya nakapatay siya ng isandaang dragon.
Patuloy namang nagmamasid ang dragong si Xodus hanggang sa siya’y biglang tumakas dahil sa hindi niya makayanang kapangyarihan ni Aries. Nakita naman ni Aries ang ginawang pagtakas ng dragong si Xodus kaya agad niya itong pinuntirya at madaling sinunog ang mga pakpak nito.
Tutulong pa sana ang dragong si Ouverture kaso agad nang sinunog ni Aries si Xodus kaya naging abo na ito. Dahil sa napatay ni Aries si Xodus ay nagalit naman nang sobra si Ouverture kaya agad niyang inatake si Aries subalit hindi na nauubra kay Aries ang kapangyarihan niyang bangungut. Kung tutuusin ay siya pa ang namatay sa sarili niyang kapangyarihan.
Nabura ni Aries ang lahat ng mga dragon kaya nang tinapos niya ang laban ay agad naman siyang napahiga sa lupa dahil sa sobrang pagod ng katawan niya na ngayon palang niya naramdaman sa buong buhay niya.
“Salamat ang natapos narin”bigkas ni Aries habang siya’y humihingal nang mabilis.
Habang siya’y nakahiga ay agad niyang tiningnan ang kamay niya dahil hindi kasi siya makapaniwala na lumabas na sa wakas ang kapangyarihan niya na matagal na niyang inaantay.
“Isang kapangyarihan ng Diyos? Ako ba ang tinuturing nilang tagapagligtas?”tanong ni Aries sa sarili niya. “Kung ako ang magiging tagapaligtas ay tama ba ang ginagawa ko?”tanong ulit ni Aries sa sarili niya.
Matapos ang ilang oras na pagpapahinga ni Aries ay agad naman niyang inilibing isa-isa ang mga kasamahan niyang namatay dahil sa pakikipaglaban ng mga dragon. Kasama sa kanilang puntod ang mga sandata nila na siyang ginamit nila.
“Pasesnya na kayo kung nahuli man ako”pahingi ng tawad ni Aries sa kanila.
Nang maalay na ni Aries ang sandata nila sa kani-kanilang mga puntod ay nagpatuloy na si Aries sa huling paglalakbay niya patungo sa kalahating-mundo. Mga ilang araw ang nailaan ni Aries para lang makaabot sa hangganan sa pagitan ng mundo ng mga tao at kalahating-mundo na ang karagatan.
“Isang paraan lang para makatawid ako patungo sa kalahating-mundo”tugon ni Aries habang naghintay siya ng dragong masasakyan patungo sa kabilang parte ng lupa.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
//Tempest, The Storm Dragon//
BINABASA MO ANG
Myself in Another World 2: The Half World (Completed)
FantasyWar, pain, suffering and even death. Aries is giving his all to save the humanity from the dragons, even the world is against him. His journey is to travel the nest of the dragon which is called the remaining of the world "The Half-World" Will Arie...