(Vol. 1) Chapter 2: Aries vs Ox

92 26 8
                                    

Dalawang-araw nang nanatili si Aries sa kampo ng Slayer Faction, kaya habang wala pa ang kanyang pangkat doon ay nagsasanay naman siya sa gusaling tinutuluyan niya. Hindi naman maiiwasan na mayroong maghahamon kay Aries kahit nasa loob pa siya ng gusaling tinutuluyan niya. Kilalang-kilala na kasi ang pangalan niya sa buong kampo sa pagiging tagapaglakbay.
 
Isang pangkat ng tagabantay ang pumasok sa gusaling tinutuluyan ni Aries, kaya agad nalang nilang nakita si Aries doon na naka-upo habang kumakain ito ng payapa. Sampung katao sila na pumasok sa gusali kasali na doon ang kanilang lider. Sa tuwing may maririnig kasi sila na may baguhang pumili ng tagapaglakbay ay agad nila itong hinahamon kung ang pagiging tagapaglakbay ba’y karapat-dapat sa kanila.
 
“Aries? mukhang tama ba ang narinig kong pangalan?”palinaw ng lider ng pangkat habang hindi siya sigurado sa pangalan.
 
“Lider, siya na po ang Aries na tinutukoy nila, ang tagapaglakbay”tugon ng mga kasamahan niya sa kanya.
 
“Ah! Siya ba!? Yong bulag ang isang mata”patawa ng lider.
 
Dahan-dahan naman niyang nilapitan si Aries na kumakain. Ayaw naman niyang maging bastos dahil kumakain naman si Aries kaya tinabihan niya lang ito para kausapin ng masinsinan. Panay naman ang titig niya kay Aries na para bang may atraso ito sa kanya.
 
“Aries, hindi ko alam kung ano ang nasa utak mo pero nakakabilid yong ginawa mo, akalain mo isang tagapaglakbay, hindi madali ang pagiging tagapaglakbay pwera lang kung malakas ang pangkat niyo tapos pareho kayong beterano o may karanasan sa pakikipaglaban tulad ng mga kabalyero, Aries kung gustuhin mo mang sumikat ang pangalan mo na kapangalan ng kriminal, wag mong gagawin rito”paliwanag ni lider kay Aries.
 
“Mawalang galang na po, hindi po pagiging sikat ang pinunta ko rito kundi responsibilidad po”magalang na tugon ni Aries sa lider ng pangkat.
 
Natuwa naman ang lider kay Aries na may halong pambabastos, para kasing sinasabi ni Aries sa kanya na mali ang pagkakaintindi tapos binalewala lang ang sinabi niya.
 
“Aries, hindi mo ba ako kilala? Ako lang naman si Ox, yong kinatatakutan ng lahat dito kahit na ang heneral ay takot akong harapin, kaya Aries habang maaga pa wag kang magpapasikat dito”paalala ni Ox, ang lider ng pangkat.
 
“Ang ibig mong sabihin? Palalayasin mo ako rito sa kampo? Yon ba?”palinaw ni Aries.
 
“Hindi naman sa ganoon Aries, kung magsalita ka parang pinapaalis na kita rito sa kampong ito, hindi ko naman intensyon yan Aries, ang sa akin lang ay labanan mo ako sa isang duwelo at doon titigilan na kita, di ba simple lang”pangiting paliwanag ni Ox kay Aries.
 
“Kung sinabi mo lang yan sa simula Ox, malalaman ko agad kung anong ipinapahiwatig mo”sabi ni Aries habang siya’y patuloy na kumakain.
 
Nagalit naman si Ox kay Aries dahil wala kasing galang si Aries sa kanya, kadalasan may Sir kasi kapag binibigkas ang pangalan niya.
 
“Aries, wala ka talagang galang! Kapag nagsasalita ka sa matatanda dapat marunong kang rumespeto, wag mo akong matawag-tawag na Ox dahil hindi naman tayo magkaedad, kaya Sir Ox ang itawag mo sa akin”paliwanag ni Ox kay Aries habang siya’y nagagalit na.
 
“Sir Ox, dapat marunong ka ding rumespeto sa ibang tao, pumasok ka dito ng walang pahintulot tapos nagsasalita ka pa sa harap ko habang ako’y kumakain”paliwanag ni Aries.
 
Napangitin naman ng hilaw si Ox kay Aries mukhang nainsulto kasi siya sa sinabi nito.
 
“Aries, magkikita tayo bukas ng tanghali sa training ground, kapag hindi ka pumunta, duwag ka”tugon ni Ox habang sila’y nagsisi-alisan ng pangkat niya.
 
Ang paghamon ni Ox kay Aries ay umabot na sa buong kampo, kaya ang pangalan ni Aries ay lalo pang naging tanyag. Umabot pa nga ang balita kay Yumi tungkol sa paghamon ni Ox kay Aries.
 
“Hinamon ni Sir Ox si Aries? Patay! delikado na ang lagay ni Aries, alam naman niyang malakas si Sir Ox sa labanan, walang halos nakakapigil sa kanya”sabi ni Yumi sa kanyang sarili.
 
Nagdesisyon naman siyang bisitahin si Aries sa kwarto niya para malaman niya ang kalagayan nito. Mag-isa siyang naglakad palabas sa malaking gusali kaya lalo pa siyang nag-aalala kay Aries nang makita niya sa labas ng training ground si Ox na abala sa pag-eensayo, malalaki ang kalamnan nito sa braso at matitigas din ang buto sa buong katawan.
 
“Kung pisikalan ang laban nina Aries at Sir Ox siguradong mapapatay talaga si Aries”bulong ni Yumi habang siya’y nag-aalala kay Aries.
 
Nang pumasok siya sa kwarto ni Aries ay agad niyang nakitang nakahiga lang si Aries sa kama na walang ginagawa, walang pinoproblema kahit nasa alanganin na ang buhay niya.
 
“Aries, wag kang pumunta sa laban niyo ni Sir Ox, mapapatay ka lang, hindi mo ba alam na malakas na malakas si Sir Ox, kahit pagtulungan pa ng ibang dragon slayer si Sir Ox ay hindi parin siya natatalo, sa kondisyon mong iyan Aries tapos bulag pa ang isang mata mo, hindi mo siya kayang talunin sa isang labanan”paliwanag ni Yumi habang siya’y nag-aalala kay Aries.
 
“Miss Yumi, salamat sa pamamalasakit, pero ang problemang ito ay para lang sa akin, kaya ako lang ang po-problema nito, wag ka ng mag-aalala”tugon ni Aries kay Yumi.
 
“Anong hindi ako mag-aalala sa iyo Aries, hindi pa nga nagsisimula ang laban Aries, talo ka na agad, wala ka ng kalaban-laban sa kanya Aries, kaya kung sinabihan ka man na duwag ka ay ayus lang, may pagkakataon na kailangan mong isakripisyo ang pagkatao mo para hindi ka mapahamak”paalala ni Yumi kay Aries.
 
“Miss Yumi, bakit ka ba mag-aalala sa akin? hindi naman kita ka ano-ano ah! At tsaka, kahapon mo lang ako nakilala, Miss Yumi aalahanin mo lang ang sarili mo”sabi ni Aries kay Yumi.
 
“Mabuti ka pa nga Aries na may mag-aalala sa iyo! Kaysa hahayaan lang kita na parang hayop na gala, Aries iniisip ko lang ang hinaharap mo, ang bata-bata mo pa, dalawangpu’t-dalawang taong gulang, sa katunayan Aries sa edad na iyan ay sinasamsam mo pa ang sarap ng buhay, nag-aaral, nakikihalobilo sa mga kaibigan mo o sa kasintahan mo, wag mong sirain ang buhay mo Aries”paalala ni Yumi kay Aries.
 
“Miss Yumi, matagal nang sira-sira ang buhay ko, kaya pakiusap lang wag mo na akong aalahanin”tugon ni Aries na ikinabigla ni Yumi.
 
Hindi naman agad nakapagsalita si Yumi pero kahit hindi niya nagawang paaalahanan si Aries ay ginawa naman niya ang lahat ng makakaya niya para pakiusapan nang pakiusapan si Aries.
 
“Hindi ko man alam ang nangyari sa buhay mo Aries, kung sinabi mo mang nasira na ang buhay mo, wag mong sirain ulit Aries pakiusap lang”pakiusap ni Yumi kay Aries.
 
“Miss Yumi natatakot ka ba na mabubugbug ako ni Ox?”tanong ni Aries.
 
“Aries, baka yan ang ikakapahamak mo kapag lalaban mo si  Sir Ox”pahinang sagot ni Yumi.
 
“Wag kang mag-aalala Miss Yumi, mananalo ako sa laban”bigkas ni Aries habang siya’y humarap kay Yumi.
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkagabi, bandang alas otso ay nakikituwaan si Yumi sa mga kasama niyang babae doon sa kwarto niya na matatagpuan sa itaas gusali. Hindi lang kasi mga lalaki ang nandoon sa kampo mayroon ding mga babae kaso nakatalaga sila halos sa gamutan.
 
Nagkakatuwaan naman sila habang nag-uusap tungkol sa mga lalaki kung sino ang napupusuan nila. Hindi naman sila nahihiya kung sinong lalaki ang kanilang napipili dahil sanay naman sila.
 
“Yumi, alam kong wala ka pang naging nobyo ngayon, dapat sa edad na iyan Yumi ay mayroon ka ng dalawa o isa, tapos maganda kapa, ikaw nga ang hinahangaan dito sa buong kampo”paliwanag ng babaeng kasama ni Yumi.
 
“Yumi, may napupusuan ka na bang lalaki?”tanong nila kay Yumi habang pinipilit nila ito.
 
“May paghahanga lang”pahinang bigkas ni Yumi habang namumula ang kanyang pisngi.
 
“Sino ba yong tinutukoy mo Yumi”sabi ng mga kasamahan niya sa kanya habang sila’y sabik na sabik na.
 
“Si Aries, pero paghahanga lang naman”pangiting sagot ni Yumi sa mga kasamahan niya.
 
Napanganga nalang ang mga kasamahan niyang babae nang marinig nilang humahanga siya kay Aries, hindi naman sa hindi nila kilala si Aries, pero si Aries kasi ay parang hindi gaanong hinahangaan para sa kanila. Wala kasing espesyal kay Aries at tanging pagiging palasikat lang nito sa kampo naging tanyag ang pangalan niya.
 
“Si Aries yon ba yong baguhan dito? Tapos may deperensya sa isang mata?”palinaw ng kasamahan ni Yumi.
 
“Oo, yan na nga ang tinutukoy ko”sagot ni Yumi.
 
“Yumi, sigurado ka ba? Sa dinadami-daming lalaki dito sa kampo natin siya pa pinaghahangaan mo, marami namang matitipuno dito, mga matatapang, mga gwapo, mga magaganda ang pangangatawan”paliwanag nila kay Yumi habang napapangiti sila ng hilaw.
 
“Wala namang masama sa paghahanga kay Aries, hindi pa kasi niyo kilalang-kilala si Aries kaya ganoon ang tingin niyo sa kanya”sabi ni Yumi sa mga kasamahan niya.
 
“Yumi, balita ko nagpapasikat lang daw rito si Aries, pero kung yan ang iniisip mo Yumi hindi ka namin pipigilan”tugon ng mga kasamahan niya habang sila’y hindi nasiyahan kay Yumi.
 
Sa gabing iyon ay sinasanay ni Aries ang katawan niya sa sakit sa pamamagitan nang pagsuntok sa sariling katawan, wala naman siyang naging reaksyon kahit puno na ng pasa ang katawan niya na nagkakaksugat na nga dahil sa ginagawa niya.
 
“Kung kamay sa kamay lang ang duwelo namin bukas ay siguradong mahihirapan ako pero hindi naman ako matatalo”pahinang sabi ni Aries sa kanyang sarili habang pinapabigat pa niya ang pagsasanay niya.
 
Kalaunan, nang magtanghali sa Training Ground ay pinaguguluhan na ito ng mga Dragon Slayer o kahit na ang mga baguhan ay pumunta narin doon para gusto nilang makita ang laban sa pagitan nina Ox at Aries.
 
Marami pa ngang nagpupustuhan kaso ang halos sa kanila ay pabor kay Ox, alam na kasi nilang panalo na si Ox sa laban kahit hindi pa nagsisimula ang laban. Wala namang halos pumabor kay Aries dahil alam nilang matatalo lang sila at masasayang lang ang perang pinusta nila.
 
“Kay Sir Ox ako, isanglibong pilak para sa akin!”sugal ng isang lalaki.
 
“Kahit isang pilak lang ang isusugal ko, hindi parin ako mananalo, alam niyo namang panalo na si Sir Ox, kaya kailanma’y hindi ko kayo lalabanan sa sugalan”tugon ng isang lalaki.
 
May naglakas-loob namang sumugal kay Aries pero paminsan-minsan lang, isa na sa sumugal sa kanya ay si Shin. Kahit hindi sigurado si Shin sa kalalabasan ng duwelo ay pabor naman siya kay Aries.
 
“Aries, kahit hindi ka man manalo sa duwelo, ipakita mo lang sa lahat ang potensyal mo bilang isang tagapaglakbay”bulong ni Shin.
 
Nagsisigawan naman ang lahat nang biglang dumating si Ox kasama ang pangkat niya.
 
“Sir Ox! Sir Ox!”sigaw nila habang patuloy nilang sinusupurtahan si Ox.
 
“Sir Ox, wag mong lalampastangin ang kalaban mo, kawawa naman!”sigaw nila kay Ox.
 
Patuloy namang nagsisigawan ang lahat kaso nang dumating si Aries sa training ground ay dahan-dahan namang napatahimik ang paligid. May kakaunti naman ding sumuporta kay Aries.
 
“Iho galingan mo, mapatumba mo lang si Sir Ox ay ayus lang, humanda ka lang sa mga suntok niya baka yan lang ang ikakakamatay mo, malakas sumuntok si Sir Ox”paalala ng isang lalaki kay Aries.
 
Nagharapan naman ang dalawa, si Aries na hindi gaanong malaki ang katawan laban kay Ox na may matibay ang malaking katawan at kalamnan sa braso. Ipinaliwanag naman kay Aries ang magiging takbo ng laban, hindi sila pwedeng gumamit ng mahika at sandata, tapos ang pagtumba lang sa kalaban ang magtatanghal sa kanilang pagkapanalo.
 
Lalo pang nagsigawan ang lahat ng mga manonood nang biglang hinubad ni Ox ang kanyang pang-itaas na damit, simbolo kasi iyon ng pagseryuso ni Ox sa laban.
 
“Ang agang hinubad ni Sir Ox ang damit niya, siguradong mananalo na talaga siya sa laban!”sigaw nila.
 
May pinaalala naman si Ox kay Aries bago sila maglaban.
 
“Aries, kung manalo ka sa laban natin, sa iyo na ang respeto ko”paalala ni Ox kay Aries.
 
Nang magsimula ang kanilang laban ay doon na nagsisigawan ang lahat. Ang pisikalang laban nina Ox at Aries ay hindi nagtagal subalit hindi gaanong nakakatama si Aries sa kalaban niya pero may pagkakataon pa ngang nakakatama siya kaso hindi iyon umuubra kay Ox.
 
Kinakabahan naman si Yumi kay Aries habang tumatagal ang laban dahil nakikita kasi niyang nahihirapan na si Aries sa duwelo. Hindi pa naman natatalo si Aries dahil hindi pa naman siya natutumba pero imposible niyang talunin ang dambulang si Ox.
 
“Aries, akala ko mananalo ka sa laban, di ba yan ang sinabi mo, tama nga ang hinala ko na nagbibiro ka lang, wala ka naman talagang kalaban-laban sa Ox na yan, mas mabuting itigil na natin ang laban”sabi ni Yumi sa kanyang sarili kaso narinig ng heneral ang sinabi niya.
 
“Yumi, wag mong gawin ang iniisip mo, alam na ni Aries ang ginagawa niya kaya kung may mangyari mang masama sa kanya ay kasalanan na niya iyan”paalala ng heneral sa kanya.
 
“Pero heneral, hindi po tao ang kalaban natin dito kundi mga dragon po, kaya wala pong kabuluhan ang ginagawa nilang duwelo”reklamo ni Yumi.
 
“Yumi, makinig ka sa sinasabi ko, alam na ng Aries na iyan ang ginagawa niya, kaya wag mo na siyang po-problemahin”paalala ulit ng heneral sa kanya.
 
Samantala, nang magtagal ang laban ay lagi nang natatamaan si Aries sa lahat ng mga suntok ni  Ox pero kailanma’y hindi siya natumba, bumilid pa nga ang ibang nanonood dahil sa tibay ni Aries na hindi madaling mapatumba.
 
“Ang tibay mo Aries!”sigaw ni Ox habang sinuntok niya nang malakas si Aries sa mukha na dahilan ng pagka-atras nito.
 
Akala nila’y matutumba na si Aries pero nakatayo parin ito na parang wala lang nangyari.
 
“Baguhan, sumuko ka na, wala paring mapapala ang tibay mo!”paalala nila kay Aries.
 
Nagulat nalang sila nang makita nilang may tumutulong dugo sa mukha ni Aries, akala nila’y sa ilong lang ito ni Aries dahil malakas kasi ang pagkatama sa kanyang mukha kaso sa kanang mata pala iyon ni Aries na dating sugat niya.
 
“Hoy baguhan, sumuko ka na! baka yan lang ang ikakamatay mo, wala ka ng lakas pa para labanan si Sir Ox”paalala nila kay Aries.
 
“Baguhan, hindi mo talaga kayang talunin si Sir Ox!”sigaw nila kay Aries.
 
Hindi naman nakinig si Aries kaya nagpatuloy parin siya sa laban. Habang dumudugo ang kanyang kanang mata ay gumawa naman siya ng paraan para mapahinto ang pagtulo ng dugo kaya agad niyang hinubad ang pang-itaas na damit niya tapos itinali niya ito sa kanang mata niya.
 
Nagulat nalang ang lahat pati na nga sina Shin, Ox, Yumi at ang heneral nang makita nila ang katawan ni Aries na puno ng mga sugat. Doon nalang nila nalaman na hindi pala ordinaryong tao si Aries kundi isang totoong mandirigma.
 
“Ang sugat na iyan! Wag mong sabihing galing yan sa isang dragon?”palinaw ng isang lalaki habang tinutukoy nila ang malaking sugat ni Aries sa likuran.
 
“Yan ang bakas ng kuko ng dragon! ang taong iyan ay hindi pala ordinaryong tao lang, madami na pala siyang pinagdaan”tugon nila habang di sila makapaniwala.
 
Kahit na nga si Ox ay nagulat din kaya nang makita niya ang mga sugat ni Aries tapos doon na siya nakaramdam ng takot.
 
“Kaya pala ang tibay mo Aries, sanay ka na pala sa sakit”tugon ni Ox habang siya’y nagagalit na kay Aries.
 
“Madami na akong pinagdaanan, muntikan pa nga akong mamatay, nagawa pa akong maipako sa krus, ilang sugat na ang natamo ko sa mukha, braso, tiyan at likuran ko, tapos itong kanang mata ko, ako mismo ang nagtanggal nito”paliwanag ni Aries na ikinabigla ulit ni Ox.
 
“Pero kahit marami ka mang pinagdaanan Aries, hindi mo parin ako mapapatumba”sabi ni Ox habang inatake niya ulit si Aries.
 
Kaya sa pagsuntok niya nang malakas ay nagawa na itong mapigilan ni Aries gamit lang ang isang kamay niya. Nagulat nalang ang lahat nang makita nilang napigilan ni Aries ang malakas na suntok ni Ox.
 
“Ito na talaga ang kinatatakutan ko, ang magseryuso si Aries sa laban”tugon nila.
 
Nagpatuloy pa ang duwelo nang dalawa pero sa pagkakataon ito ay nahihirapan na si Ox na tamaan si Aries dahil sa bilis nito at agresibo nito sa laban kaya tinapos na ni Aries ang laban sa pamamagitan ng panghuling pagsuntok niya kay Ox na ikinatumba nito sa lupa sabay pagkawalan ng malay.
 
Ang pagkatumba ni Ox ay ang pagkatulala rin ng lahat ng mga manonood sa duwelo ng dalawa. Kahit na nga si Yumi ay hindi makapaniwala na nanalo si Aries sa laban.
 
“Hindi pala nagkakamali si Aries sa sinabi niya”tugon ni Yumi habang siya’y nasiyahan kay Aries.
 
Sa tanghaling iyon ay maraming nagkapera dahil sa pagkapanalo ni Aries. Nirerespeto narin ng buong kampo si Aries hindi lang sina Ox at ang pangkat niya.

Myself in Another World 2: The Half World (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon