MNGO-3

13.9K 353 12
                                    

MNGO-3

Mag-iisang linggo na mula ng paagkaisahan ako ng grupo ni Tia. At mag-iisang linggo ko na rin dinadala at tinitiis ang mga sugat at pasa na natamo ko mula sa kanila. Isang linggo na rin akong hindi pumapasok. At hindi man lang ako nag-aalala na mahuli ako sa klase. Why worry? I'm smart. Kayang-kaya kong humabol sa mga lessons na behind ako.

Nong araw na iyon nagdesisyon akong gumising ng umaga para pumasok na sa skwela. Naghihilom na rin kasi ang mga sugat at pasa ko. Hindi na iyon nahahalata. Together with my manang clothes and my thick rimmed glasses I entered the school gate. Nakakatatlong-hakbang palang ako ng may humarang na sa akin.

"What?", nakataas ang isang kilay na sabi ko sa kanya.

Tintigan nya muna ako ng ilang segundo na para bang sinusuri nya ko kung may kulang ba sa parte ng katawan ko. Huminto ang mga mata nya sa braso ko. May maliit na pasa pa doon at alam kong nakikita nya iyon. Naniningkit ang mga mata nyang tumingin sa mukha ko. "Si Tia ba ang may gawa nyan sayo?", he asked furiously.

I rolled my eyes. Wala talagang bagay na hindi nya malalaman. He knows everything as if he has ears and eyes everywhere. Mas akong nagtaas ng kilay. "So what? Ano naman sayo?", I crossed my arms asking him.

Tinitigan nya ako ng ilang sandali. Nanlaki ang mga mata ko ng kinain ng malaki nyang hakbang ang distansya naming dalawa. Hinawakan nya ang braso ko ng... marahan. "Does it still hurt?", tanong niya. Napalunok pa ako ng nahimigan ko ang pag-aalala niya. Tsk!

Marahas kong binawi ang braso ko mula sa kanya at umatras. "Why do you care?!",singhal ko sa kanya. Wala, e. I didn't find any reason kung bakit mag-aalala sya sa akin. He's my rival. I am his rival. And rival aren't supposed to care for his rival. Mas matutuwa pa nga ako ngayon kung pagtatawanan nya ako. Hindi ganito. Hindi.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nya. He stepped back. Akala ko ay tatalikod na sya pero hindi pa pala. Tumingin muna sya deritso sa mga mata ko at nagsalita. "I-I'm sorry. I was worried.", nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What?

"Isang linggo kang hindi pumasok. A-akala ko nga huminto ka na. Thank God you didn't. ", then he bowed his head. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa amin bago sya nag-angat ulit ng tingin sa akin. He smiled at me making my heart jumped. "Glad to know you're back, Andrea.", he said.

Tumalikod sya at nagsimulang maglakad palayo sa akin.

I was left dumbfounded.

What's with you, Trivy?

And most of all, what's with me?

Why am I feeling this way?

**

©TheEngineerWriter

Mr. Nice Guy's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon