MNGO-6.2

14.3K 442 30
                                    

MNGO-6.2

Tulala ako habang nasa loob ng library. May hawak akong isang hard-bound na libro pero di ko man lang iyon pinansin at nanatili sa kawalan ang aking paningin. Hanggang ngayon kasi ay presko parin sa isipan ko ang mga nangyari. Tatlong araw na ang nakalipas ng mangyari iyon pero hanggang ngayon ay nakatatak parin sa utak ko ang bawat salita ni binitiwan ni Trivy at ang kanyang mga labi na humaplos sa aking labi.

Hindi ko akalain na hinayaan ko siyang halikan ako.

Yes. I was weak that time but I know I can shove him away from me that time...maybe? Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa inis at galit. I was so furious about what happened. At higit sa lahat inis na inis ako sa sarili ko at lalong-lalo na kay Trivy.

He took advantage of my weakness. Alam niyang mahina ako ng mga sandaling iyon kaya sinamantala niya ang pagkakataong iyon na...na... Argghh! I can't even say that word!

Naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Gusto kong maiyak sa galit at inis. Gusto kong amok. Gusto kong manigaw. Gusto kong manakit. Pero alam kong hindi ako ganon kababaw kaya pinigilan ko ang sarili ko.

I sighed. Maybe the best thing to do right now is to avoid him and never ever let that thing happen again.

**

"Andrea..."

Pakiramdam ko ay humiwalay ang aking kaluluwa mula sa aking katawan ng marinig ko ang kanyang boses sa aking likod. I squeezed my eyes shut as I felt my heart starting to beat wild. Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko siya hinarap. "What?!", I snapped.

Nakasandal siya sa pader at nasa loob ng bulsa ng kanyang pantaloon ang dalawa niyang kamay. Nakatitig siya sa unahan at mukhang malalim ang iniisip. Napamura ako sa aking isipan. Ba't hindi ko siya napansin ng dumaan ako?

Alas nueve na ng umaga kaya wala nang studyante ang nas labas. Kanina pa kasi nagsimula ang klase. Lumabas lang ako para mag-banyo at hindi ko akalain na pati rin pala siya ay lumabas din.

Dahan-dahan siyang gumalaw. Lumingon siya sa akin at agad nagtama ang aming mga mata. Nahagip ko ang aking hininga ng makita ko kung ano ang nasa mga mata niya. His eyes were gloomy...and sad. Nawala ng siglang palagi kong nakikita sa tuwing may kausap siya. Wala rin natural na pagka-unat ng labi niya. Napalunok ako. What happened to him? Ba't mukha siyang namatayan?

He took a step forward and I did the opposite. Napahinto siya sa ginawa ko at umuwang ang labi niya."Andrea...", he whispered my name. Yumuko siya at bumagsak ang balikat niya. Napalunok ulit ako. He looks like he was defeated about something. Bigla siyang nag-angat ng tingin at ganon na lang ang pagkawindang ko ng makita ko kung gaano ang kapula ang kanyan mga mata.

Shit.

"Andrea...a-are you avoiding me?", he asked. Paos ang kanyang boses at mahina pero sapat na iyon para marinig ko.

Napabuntong-hininga ako sabay irap. "Oo.", deretsahang sagot ko. Talagang iniiwasan ko siya. Isang linggo ko na siyang iniiwasan. Ni tumingin sa deriksyon niya ay di ko ginawa. Sa tuwing nandyan siya ay ginagawa ko ang lahat na ituring siyang parang hangin. Kahit minsan ay nararamdaman ko ang mga mata niya sa akin ay di ko siya nililingon. Napairap ako sa hangin. Sino ba naman kasi ang nasa matinong pag-iisip na hindi iiwasan ang taong humalik sayo? Ang taong pinaka-iinisan mo na humalik sayo sa gitna ng kahinaan mo. At isa pa, wala akong dahilan para makipaglapit sa kanya. Ni isang rason, wala.

Bumaba ang mga mata ko sa mga kamay niya. Namumuti iyon dahil mahigpit ang pagkakamao ng mga ito. Umangat ang tingin ko sa mukha niya. Agad akong napalunok ng makita ko ang galit sa kanyang mukha, sa kanyang mga mata. Kanina lang para siyang batang ninakawan ng candy. Pero ngayon kulang na lang may lumabas na usok sa ilong at tenga niya sa galit. Naningkit ang mga mata ko. Ba't ang dali magbago ng mood niya?

Humakbang ulit siya palapit sa akin at tulad ng ginawa ko kanina ay humakbang rin ako paatras. Mas lalong nagdilim ang expression ng mukha niya. Nakita ko ang paggalaw ng bagang niya at ang pagpula ng tenga niya. Aaminin ko...natatakot ako. Natatakot ako sa Trivy na kaharap ko ngayon.

Inipon ko lahat ng lakas ko para bumitaw ng salita. Lumunok muna ako ng isang beses bago pinakawalan ang aking boses. "Ano ba ang gusto mo?", pilit kong binahiran ng galit ang boses ko sa kabila ng takot na nararamdaman ko. I will never give him the satisfaction of the idea that I'm afraid of him.

Gumalaw ang kanyang Adam's apple dahil sa kanyang paglunok. "You...You let me kissed you that time.", he said making me to bit my lower lip. Ito ang isa sa mga rason kaya iniiwasan ko siya. Confrontation. I really hate confrontation.

I held my head high and I stifle a laugh pero agad din naman akong huminto. I cleared my throat and stared at him intently. So ito ang rason? Suddenly, rage rushing through my veins as the images popped in my mind. "I was weak that time. I was weak and you took advantage of it.", I hissed.

Umiling siya. "No. I didn't, Andrea. You know that.", matigas niyang sabi.

Ako naman ang napailing. "No. Sinamantala mo ang kahinaan ko, Fuentes. And that made me hate you more!", turo ko sa kanya gamit ang nanginginig kong kamay. "I really hate you.", I said, gritting my teeth.

Nagkagat siya ng labi at dinilaan ang ibabaw na parti nito. Marahas siyang umiling bago siya nagsalita. "Hindi kita sinamantala, Andrea. Kung hindi mo gustong halikan kita non sana umiyak ka. You could have shouted at me at the top of your lungs and told me not to kiss you eventhough you were weak that time. You hate me so much, right? You hate me so you will do everything for me not kiss you. But...you just closed your eyes that time and let me.", mahabang litanya niya na nagpatigil sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin. I wanted to run then but my foot, as if they were nailed on the ground. Hindi ako makagalaw. Hindi ko maibuka ang aking bibig para ipagtanggol ang side ko. I can't even breathe right. Sikip na sikip ang dibidb ko dahil sa malakas na pagtibok ng puso nito. Pati ulo ko ay sumasakit rin dahil sa kaisipan na marahil...marahil ay tama siya.

At hindi ko iyon matanggap.

Dahil walang rason para hinayaan ko siyang halikan ako.

Nagulat ako ng mapansin ko na lang na nasa harap ko na pala siya. He's towering me and he's looking at me with those eyes. Namumungay iyon pero nandon parin ang presensya ng galit. Napalunok ako dahil sa malapit naming distansya. Naamoy ko ang kanyang nakakahalinang pabango at ang kanyang mainit at mabangong hininga na tumatama sa mukha ko. Napasinghap ako ng hinawakan niya ang aking baba at inagat iyon para magtama ang aming mga mata.

A devious grin formed on his lips. "Now tell me...did I take advantage of you? Huh, Andrea?", mapanuya

niyang tanong dahil sa katahimikan na nagawa ko. Magsasalita na sanan ako ng bigla siyang magsalita ulit. "And you're avoiding me? Really? Like I will let that happen.", then he chuckled. "You don't get to avoid me, Andrea. Now that I have tasted your lips...and making me want more. ", then he give me a peck on the lips. He sighed.

"Run if you want. Because I will keep on chasing you until you get tired and have no choice but to stop and be with me.", the kissed me again. "Dahil tulad ng sinabi ko...magiging aking ka rin."

And his words made my toes curl inside my shoes.

**

Sabaaaaaw. Huhuhu.

Sorry for that. This is a forced update. Kaya panget. </3

Mr. Nice Guy's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon