You can follow me on twitter:
https://twitter.com/dvn_gnzg
Follow niyo ko parang awa nyo na. hahahahaha
MNGO-21
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Walang sino man sa aming dalawa ang nagtangkang gumalaw o magsalita ulit. Ramdam ko na rin ang pagnunuot ng lamig sa aking kalamnan and I think it's the best time to move.
"Trivy...", mahina kong tawag sa kanyang pangalan. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. I met his pale face and his blue lips. His eyes were close. I stared at him. Para siyang may iniinda. Hinawakan ko ang kanyang mga braso.
"Oh my God!", I uttered when I felt him shivering. Nanginginig nap ala siya at ngayong ko lang napansin!
Hinawakan ko ang kanyang mukha. "Trivy, hey!", I shook his head a little bit para magising siya. I gasped when his head fell down on my shoulder. "Trivy!", I uttered his name in panic.
"I—I'm c-cold...", nanginginig ang kanyang boses na sabi niya.
Napalunok ako. Huminga ako ng malalim at inipon lahat ng aking lakas para i-ikot siya. When I've got the best position ay agad kong isinabit ang kanyang braso sa aking leeg at inilibot ko ang aking braso sa kanyang baywang.
"I—I'm c-cold, A-Andrea...", he whispered.
Napatingin ako sa kanya. I saw how his blue lips quivered and how his face paled more. Ramdam ko ang pagkataranta ng aking buong systema but I tried to be calm. Panicking is not the best way at this moment.
"Hang in there, Tri. Hang in there.", sabi ko habang buong lakas ko siyang binubuhat habang naglalakad. He can walk, okay but he needs my assistance. Ayokong bitawan siya. Ayoko. Ayokong mahulog siyang mag-isa na wala ako. If that happens, he'll get hurt.
"Oh my God! Anong nangyari sa kanya?!"
Nakahinga ako maluwag nang makita ko si Tarra na tumatakbo palapit sa amin. Tulad naming dalawa ni Trivy ay basang-basa na rin siya. Dumikit na ang kanyang maikling buhok sa kanyang noo.
"Nilalagnat siya.", sabi ko.
Nang makalapit sa amin si Tarra ay agad niyang isinampay ang kanang braso ni Trivy sa kanyang leeg. "Oh my ,God! He's shaking!", rinig kong sigaw niya.
Tarra helped me to bring Trivy inside her car. Inilagay namin si Trivy sa backseat. Tumabi na rin ako. Agad namang umikot si Tarra at umupo sa driver seat. She ignited the engine at agad pinaharurot ang sasakyan.
Marahas akong bumuntong-hininga dahil na rin sa lamig at sa pagod na rin.
I rested my head on the head rest. Ramdam ko parin ang lamig pero di gaano nanunuot. Nilingon ko ang aking katabi na ngayon ay nakapikit parin at nanginginig. Parang may humaplos na mainit na palad sa aking puso. He's like this right now because of me. I don't really know kung dahil ba talaga sa akin pero I have a feeling that it's happening because of me.
Tahimik kami buong biyahe. Walang nagsalita sa pagitan namin ni Tarra. Maybe because we are so tired and cold. Huminto ang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay. Medyo mahina na ang ulan na ipinagpasalamat ko.
Tinulungan ko si Tarra na ilabas si Trivy sa sasakyan. Nakaakbay si Trivy sa aming dalawa habang pinapasok namin siya sa bahay at inakyat sa kanyang kwarto. When we entered Trivy's room we didn't bother to open the lights. May ilaw na rin naman kasi na nanggagaling sa labas ng kwarto. Sapat na iyon para makita namin kung nasaan ang kama.

BINABASA MO ANG
Mr. Nice Guy's Obsession
Ficción GeneralWhen the Mr. Nice Guy is obsessed. My first ever story on wattpad.