MNGO-1.2

18.4K 416 13
                                    

MNGO-1.2



"Class dismiss."


Nang sabihin iyon ni Mr. Debuya ay agad nagsitayuan ang mga kaklase ko at lumabas ng classroom. Ilang sandali akong nagpaiwan mag-isa. Ayoko kasing makipagsabayan sa kanila. May mga kaklase kasi akong sinasadya na banggain ako o kaya naman ay itulak. For their amusement purposes. Nang masigurado kong wala nang laman ang classroom maliban sa akin ay doon na ako lumabas. With books and my back pack I stormed out from the classroom only to find out na may naghihintay pala sa akin.


"Hi, A!", bati ni Tia sa akin. My classmates and I know her for being my opposite. Sa madaling salita, bobo siya.


"What?", I snapped. Alam kong wala akong karapatang magtaray pero dahil sa alam ko na kung ano ang pakay nya sa akin ay di ko napigilan ang sarili ko.


She didn't mind my rude remark at nginitian parin ako. "May favor sana akong hihingin sayo. Kung okay lang?", then she batted her eyelashes.


Sabi ko na nga ba!


"What?", I said, almost rolling my eyes at the back of my thick rimmed reading glasses.


May kinuha syang notebook sa bag nya at binigay nya iyon sa akin. Tinanggap ko iyon at binasa ang first page nito kung saan nakasulat ang subject. "Calculus?", kunot noo ko.


"Yup!", tango nya.


Matalino ako kaya alam ko na kung ano ang ibig sabihin kung bakit binigay nya sa akin ang Calculus notebook nya. May assignment kasing binilin si Sir Debuya sa amin. And being her—a dumb, it's impossible for her to answer the five problems—she needs my help, who happened to be smart.


"C-Can you answer my assignment...please?", I can almost taste her desperation. Pathetic. Para lang sa limang Calculus problem nagmamakaawa na sya sa akin. Who happened to be a nerd na kasalungat naman niya. Tia Lim by the way is a social butterfly. And maybe it's my privilege to answer her assignment. I mean, magkakaroon ng utang na loob sa akin ang isang sikat na tulad niya, diba? But knowing her, a vicious and a user that only thinks about herself. At wala sa bokubalaryo ang salitang 'utang na loob'. No. Hindi mangyayari iyon.


I won't answer her assignment for her own satisfaction.


Kaya walang kaabog-abog na tinapon ko sa sahig ang notebook nya. It made a loud noise kaya napatingin sa amin ang ilang naka-stand by na studyante—at isa na roon ang taong pinakaiinisan ko. Kunot ang noo nya habang nakatingin sa amin, sa akin. Pero wala akong pakielam.


"How dare y—"


"I am not you servant to follow your command.", putol ko kay Tia. Nakita ko ang pagtagis ng mga ngipin nya. She's mad but I am not afraid of her. Hindi ako natatakot sa mga taong alam kong mas angat ako. Maganda lang siya. Ako, matalino. Humakbang ako palapit sa kanya and I stopped in front of her. "Bakit hindi mo subukang mag-aral sa bahay niyo para naman magkalaman naman ang utak mo.", sabi ko sa kanya bago ko sya tinalikuran at naglakad palayo sa kanya. Narinig ko pa ang pagsigaw nya sa pangalan ko but I didn't waste any of my time to turn around. She's not worth it.


At bagay lang sa kanya ang ginawa ko. Actually, kulang pa. Kulang pa ang pagpapahiya ko sa kanya kumpara sa pang-aagaw niya.


Bigla akong napahinto sa paglalakad ng marinig ko ang pamilyar na boses sa likod ko.


"That was...rude.", he said.

I mentally rolled my eyes. Yeah, right! Para sa isang taong tulad nya na kilala sa pagiging 'nice', what I did awhile ago was rude. 

Again, I didn't turn around to face him. I just took a deep breath at kasabay ng pagbuga ko ng hangin ay nagsalita ako. "I don't care."


Then I walk again.



**




Mr. Nice Guy's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon