MNGO-5.2
Hindi si Trivy Fuentes ang nakausap ko nong maulan na hapon na iyon. Hindi siya. Iyon ang palagi kong sinasabi sa aking sarili sa loob ng dalawang araw mula nang huli kaming magkita. Hindi kasi ganon kung umakto ang kilala kong Trivy. The Trivy Fuentes I know wasn't like that. He's not...
Arggh! Ewan. I can't put up any words sa inakto ng hayup na iyon.
I sighed. Marahas akong umiling dahilan kaya napakislot ako. Dalawang araw na kasi akong may lagnat. Ito ang nakuha ko nang tumakbo ako palayo sa lalaking iyon kahit malakas na ulan. Pero ayos na rin na nilagnat ako para magkaroon ako ng valid reason na um-absent upang hindi siya makita. Hindi ko parin kasi kayang makita ang gago na iyon pagkatapos ng nangyari.
Sino ba naman kasi ang nasa matinong pag-iisip na gustuhing makita ang mukha ng lalaking kinasusuklaman mo na siyang humalik sayo at nagsabi ng mga ganong salita?
He was my rival for heaven's sake! And you shouldn't kiss your rival! Or even hug her... At higit sa lahat hindi mo pu-puedeng sabihin ang mga salita na iyon sa karibal mo.
"I'm going to make you mine. You will be mine, Andrea. I swear, you will be mine."
Sinapo ko ang aking noo. Mainit parin ito at medyo masakit. Napapikit ako at bumuntong-hininga. Ano ba ang ibig sabihin non? Bumaling ako patagilid at kinuha ang kalapit na unan at niyakap iyon. Nakadama ako ng ginhawa ng tumama ang malambot kong unan sa aking katawan.
"Damn. You feel so good on my body. It makes me want to cuddle you."
Napabangon ako at napasigaw ng maalala ko yun. "Aahh! Bwesit! Bwesit!", inis na sigaw ko. Bakit niya ba yun sinabi? Saan ba niya iyon napulot? Is he losing his sanity? Pabagsak ulit akong humiga at huminga ng malalim. Mahina kong iniling ang aking ulo. Mali. Mali na iniisip ko yun, na iniisip ko siya. I shouldn't be thinking about that guy. He's my rival, an enemy. I can't think about him. He's not worth to be my distraction.
Distraction.
Biglang umusok ang ilong ko dahil sa isang bagay na napagtanto ko. Did he just say those words to distract me? Alam niyang inis na inis ako sa kanya at hindi ko kayang manatili sa isang lugar na kasama siya kaya niyakap niya ako at sinabi ang mga salitang iyon upang mainis ako sa kanya...at iwan siya. Para tumakbo ako sa gitna ng malakas na ulan para magkasakit.
At maka-absent.
"Shit.", I mumbled under my breath upon the realization. That bastard. He played dirty tricks on me. To lure me. To distract me.
And he succeeded.
I gritted my teeth. "Walang hiya ka talaga, Fuentes. Ang babaw-babaw mo."
**
Nakahinga ako ng maluwag nang walang asungot na nag-aabang sa akin sa gilid ng gate. Hindi sa umaasa ako na makikita ko siya. Ang saya ko nga, e. Dahil wala akong iiwasan.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungong classroom. Nagdesisyon akong pumasok na lang kahit may sinat pa ako at nahihilo. I can't afford to miss another day of class. Luging-lugi na ako sa mga lessons at quizzes. Lamang na lamang na ang gagong iyon sa akin.
Pagdating ko sa loob ng classroom namin tumambad sa akin ang aking desk na punong-puno ng vandalism. May nag-drawing pa ng mukha doon at may nagsulat pang 'You will die a virgin' sa ilalim nito. Napaingos ako. Ramdam ko ang mga mata ng mga kaklase ko sa akin at ang kani-kanilang mga pigil na tawa. Hindi ko na lang sila pinansin at umupo na lang. Tahimik lang ako sa loob ng kalahating oras hanggang sa dumating ang taong pinakahuli na gusto kong makita ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Mr. Nice Guy's Obsession
General FictionWhen the Mr. Nice Guy is obsessed. My first ever story on wattpad.