MNGO-1
Inis na inis ako. Inis na inis ako ngayon sa mga kaklase ko na puro pagpapaganda lang pinag-uusapan. Kung nandito lang sila para pag-usapan ang magpaganda pwes ako, nandito ako para mag-aral para sa kinabukasan ko. Hindi ako tulad nila na walang ibang pinoproblema kung alin ba ang mas magandang ipahid sa kanilang mukha. Kung alin ba ang mas magandang kulay para sa labi. Kung ano ang mas magandang brand. Kasi ang pinoproblema ko ngayon kung papaano pananatilihin ang grades ko at hindi bumaba sa dos.
Yes. I'm a GC student and a certified nerd. Nerd na kinaiinisan ng lahat dahil sa angking kasipagan sa pag-aaral to the point na ikinaiirita na nila. Nerd na pinandidirihan dahil sa suot kong pang-manang. Nerd na my malaking salamin sa mata. Nerd na hindi marunong mag-ayos. Nerd.
Bakit? Kasalanan ko bang maging masipag mag-aral? Kasalanan ko bang maging matalino? Kasalanan ko bang malabo ang mga mata ko at can't afford bumili ng contact lense? Kasalanan ko bang mas inuuna ko ang pagbili ng pagkain kaysa bumili ng in na mga damit? Kasalanan ko bang tamad akong mag-ayos at magpaganda? Kasalanan ko ba kung ganito ako. Kung ano man ang sagot niyo, wala akong paki. All I want is to be alone and to study...and study.
Laking pasalamat ko ng dumating ang instructor namin sa Calculus na halos kasabayan lang nya ang iba ko pang mga kaklase sa pagpasok ng classroom Agad nag-lecture ang instructor namin tungkol sa Curvature of Curves. Sa bawat problem na sinusulat nya sa white board ay alam ko na agad ang sagot. Ikaw ba naman ang pinag-aralan na iyon isang linggo palang bago i-tackle? Yep. Ganon ako ka-advance. Studying is my hubby and books are my sons. Matagal na akong ikinasal sa pag-aaral ko.
"Anyone from this class? Answer problem number two.", ani Sir Debuya na inilalahad sa ere ang marker. Ilang sandaling katahimikan—sign na walang gustong sumagot. At alam ko na kung saan patungo ito ng dumapo ang kanyang mga mata sa akin. "Ms. Aviles, can you answer problem number two?", then he smiled at me, forcedly.
Napipilitan, tumayo ako sa aking upuan at naglakad papunta sa harap. Walang kagana-ganang kinuha ko sa kamay nya ang marker at walang kukurap-kurap na sinagot ang problem. Habang kaharap ko ang white board rinig na rinig ko ang mga bulong-bulongan ng mga kaklase ko. Kesyo nerd ako kaya dapat lang ako ang sumagot. May isa pa, matalino nga ako pero pangit naman. Psh! I can't help but to roll my eyes. Really?
Pagkatapos kong sagutan ang problem tahimik akong naglakad pabalik sa upuan ko. Nakunot ang noo ko ng makita ko ang pamilyar na mukha na ngumingiti sa akin. Nakaupo siya sa ikatlong upuan mula sa unahan . Kumislap ang mga mata nya habang nakatingin sa akin. Ang mga labi nya ay nakainat dahil sa isang milyong halaga nyan ngiti. Agad umahon ang inis sa loob ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin at hindi tinangkilik ang nararamdaman ko at nagpatuloy na lang sa paglalakad. At nang makarating ako sa tabi nya ay mas lalo akong nainis ng magsalita siya.
"Ang galing mo talaga, Andrea."
Napairap ako.
Plastic!
**
![](https://img.wattpad.com/cover/34239850-288-k896111.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Nice Guy's Obsession
BeletrieWhen the Mr. Nice Guy is obsessed. My first ever story on wattpad.