MNGO-2

17.7K 370 17
                                    

MNGO-2

 

 

Uuwi ka ba, bunso?

 

 

Iyon ang text ni Mama ng sa akin ng tanghaling iyon. Nasa canteen ako kumakain ng pananghalian ng matanggap ko ang text niya. Gamit ang aking 1200 na cellphone ay natipa ako para replyan siya.

"Hindi po, ma. May make-up class po kami sa Calculus. Sa susunod na linggo siguro."

 

 

Then I hit the send. Nagbo-boarding lang kasi ako dahil medyo may kalayuan ang lungar namin sa university. It will take 40 minutes for me before I reach my school. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng canteen. Di ko maiwasang malungkot. Sa bawat tao kasi na nasa loob ng canteen ay may mga kasama. May magbarakada, magkasintahan...o may nakiki-share lng ng table. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa harap ko. Bakit sa akin walang nakiki-share? Agad kong sinampal ang aking sarili sa aking isipan ng maisip ko iyon. Bakit ko ba naisip ang kagagahang iyon? Who am I kidding? Who wants to seat with a nerd like me? Ilag nga sa akin ang lahat, diba? I shook my head.  Just one word. One word. Nerd. Can make someone an outcast.

"Hey!"

Napatalon ako sa sobrang gulat ng bigla na lang may umupo sa harap ko. Agad kong tiningnan ng masama ang taong nanggulat sa akin. At mas lalo pang sumama ang tingin ko ng makilala ko kung sino ang pangahas na tao na nanggulat sa akin.

"Why are you here?", mariin kong tanong sa kanya. Just a sight of him can make my blood boil to the highest temperature.

He smiled at me, showing his perfect set of teeth. Lumitaw rin ang nag-iisang biloy nya sa kanyang kanang pisngi. Di ko maiwasang mapatitig sa abnormal na laman sa  kanyang mukha. Bwesit! Nakadagdag pa ata sa hitsura nya ang biloy nya. Ako nga, dalawa ang biloy pero ang pangit ko pa rin. Unfair!

"Kumakain?", he said with a as-a-matter-of-fact tone. Umirap ako sa kanya at tinawanan lang nya ako. "Nakita kasi kitang mag-isa rito kaya lumipat na lang ako para tabihan ka.", salita niya pa.

Agad kong hinanap ang mesa ng barkada nya. Nasa may gitna sila ng canteen. At lahat sila ay nakatingin sa mesa ko—namin. They gave me a disgust and disapproving look. Nagtama rin ang mga mata namin ni Tia na inirapan kaagad ako. Umangat ng bahagya ang labi ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ba sya nakaka-get over sa ginawa ko sa kanya? It's been what? Three days? Huh.

"Hindi ka pa ba kakain?", agad akong napatingin sa kaharap ko ng muli syang magsalita. He's eyeing me habang nakataas ang isa nyang kilay.

I rolled my eyes on him. "I lost my appetite when I saw your face.", sabi ko at itinabi ang plato. Pero nagulat ako ng muli nyang ibinalik iyon sa harap ko.

"Eat.", it's an order from him. Naamoy ko ang pang-uutos nya sa akin.

Itinabi ko ulit ang plato. "A-yo-ko!"

Sino ba siya para utusan ako?

Again, ibinalik na naman niya. "I said, eat. Eat, Andrea.", matigas nyang sabi habang nakatitig sa akin. Tumititig rin ako sa kanya. Gusto nyang makipagsukatan? Pwes, lalabanan ko siya. Sino sya para utusan ako. As far as I remember, he's an enemy. My enemy.

"A-yo-ko!", I said while gritting my teeth. Annoyance risen up inside of me. Naiinis ako sa kanya. Sa pangingielam niya. He shouldn't be doing this. He's my enemy. I am his enemy.

Ewan ko kung ilang sandali kaming nagtitigan. Walang kumukurap. And I'm aware to those students who are looking at us. We're drawing some attention and I can't stand it. Lalong-lalo na ng marinig ko ang bulong na iyon na umabot naman sa pandinig ako.

"Nag-aaway na naman ang magkakumpetensiya. And I'm rooting for Trivy. He's smart and...nice."

And that's it.

Padabog na tumayo ako at inipon lahat ng gamit saka nagmartsa palabas ng canteen. I heard him calling my name pero hindi ko sya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. I walk and walk until I reach the end of the campus. Sa likod ng lumang building. Sumalpak kaagad ako sa damuhan at niyakap ang sarili.

I feel so cold. Lost. Alone. And defeated even though there's no competition happened. Suddenly, I miss my family. My family. Ang mga taong tanging sila lang ang nakaka-appreciate sa akin. Ang nakakaintindi at nagmamahal. Sila lang ang tinanggap ako ng buong-buo.

A sob escaped from my throat. "I hate you, Trivy Fuentes. I hate you."

**

Trivy Fuentes.

(Tri-V)

©TheEngineerWriter

Mr. Nice Guy's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon