MNGO-15.2
"Here..."
Nag-angat ako ng tingin mula sa aking pagbabasa ng may nagsalita sa aking harapan. I saw Yuo Cole standing in front of me with a wide smile. Napatingin ako sa kanyang kamay na inaabot ang notebook na hiniram niya sa akin noong isang araw. Hinablot ko iyon mula sa kanya na hindi siya tinapunan ng isang tingin at nagpatuloy sa pagbabasa. I didn't mind his existence in front of me. Aalis din naman siya. But I thought wrong. Nagulat na lang ako ng tumabi siya sa akin.
Maang akong lumingon sa kanya. Nanliliit ang aking mga mata sa likod ng aking malaking salamin sa mata at kunot ang noo. What was he doing? Why is he sitting beside me?
"What?", ngisi niya. Lumitaw ang kanyang pantay at puting ngipin. Tumagilid rin ang kanyang ulo kaya kumislap ang hikaw sa kanyang tenga. Napaiwas ako ng tingin at pumikit ng mariin sabay hinga ng malalim. Masakit sa mata ang taglay niyang kagandahan. Bwesit.
"Salamat nga pala.", biglang sabi niya kaya napatingin ulit ako sa kanya. I could feel this strange sensation inside me. It's making my stomach churn. What the hell?! Nagpasalamat lang siya. No big deal, right? No big deal
Suminghap ako at tumikhim. "You already said your thanks, right? It's already enough.", seryoso kong sabi sa kanya at nagpatuloy na ulit sa pagbabasa. And this time di ko na talaga siya pinansin pa. He keeps on sighing that irritates me but I endured it. Like I've said, hindi ko na talaga siya papansinin. Ang makipag-usap sa kanya ay walang magandang maidudulot sa akin kahit ramdam na ramdam ko ang nanunuot niyang mga titig sa akin.
Ilang minuto kaming ganon. Ako na engrossed na sa pagbabasa at siya nakaupo sa aking tabi at nagmamasid sa akin. My forehead knotted when I heard his deep chuckle. Mahina lang iyon pero buong-buo at malalim. Napalunok ako. Sobrang lalaking-lalaki ang tawa niya. Tumawa ulit siya. Pumikit ako ng mariin. Nakakairita na. Then he laughed again. And that's it. Malakas kong sinara ang librong binabasa at marahas ko siyang binalingan.
"What's funny?", iritado kong tanong sa kanya. Alam kong nakakatawa yung mukha ko pero naman! Huwag naman niyang ipalandakan sa akin. He doesn't need to rub it on my face that I'm ugly. If there's a person who actually really knows that... it's me.
Umiling siya. "You. You're so funny", nakangising turan niya.
Mas lalong lumalim ang gatla sa aking noo. The nerve of this guy! Talagang sinabi niya talaga sa akin na nakakatawa ako!
Suminghap ako at pumikit ng mariin. I counted one to ten, at least to ease my temper. Nang magmulat ako ay agad sumalubong sa akin ang mabigat niyang titig. Sa di malamang dahilan, biglang nawala lahat ng inis ko sa aking kaharap. The way stares at me...may iba. May laman. May bigat.
He bit his lower lip kaya napatingin ako doon. Parang nag-zoom yung mga mata ko sa kanyang labi. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. I gulped hard. My heart is beating fast. Humigpit ang pagkakahawak ko sa libro.
This is bad.
So bad!
Kaya tumayo ako at walang paalam at lingon-lingong umalis doon. Narinig ko pa siyang tinawag ako pero di ko siya nilingon. I need to get away from him as soon as possible. He's making me sick. His mere sigh is making my stomach churn. Nakaka-abnormal siya sa pakiramdam. I walked and walked and walked. Lutang na lutang ako habang naglalakad until I bumped into something—someone. My book fell on the ground.
"Sorry...", isang malalim ngunit banayad na boses ang aking narinig. Yumuko siya para pulutin ang aking libro at ibinigay sa akin. "Sorry, again.", mahina niyang ulit. Napatitig ako sa lalaking kaharap ko. Tulad ni Yuo, bago rin ang kanyang mukha sa university. At tulad ni Yuo, taglay rin niya ang magandang anyo. Mula sa makakapal na kilay, matangos na ilong, pulang labi at namumulang pisngi. Puti rin siya at matangkad. Pero may pagkaiba sila ni Yuo. Si Yuo, mukhang takaw-gulo at maangas. Itong kaharap ko naman, parang maamong tupa.
Suminghap ako at tinangunan ang lalaki bilang tugon bago nilampasan at nagpatuloy sa paglalakad.
**
It was Sunday morning when I decided to wake up early. Magsisimba ako. Naligo at nagbihis ng pormal. Isang puting sleeveless dress na hanggang tuhod ko na sinapawan ko ng cardigan na light yellow. Skin tone na ballet shoes naman ang sinuot ko sa aking paa. I let my tangled curly hair down para naman mabilis itong matuyo.
Lumabas ako ng aking boarding house na may ngiti sa aking labi. I wore my bright smile until I got outside from my boarding house. Hanggang doon lang ang ngiti ko dahil agad iyong nawala ng makita ko ang taong nakatayo sa labas ng gate at nakasandal sa isang mint green na Picanto. He smiled when he saw me just outside my boarding house. Umayos siya sa pag-tayo samantalang bahagya naman akong napaatras. Parang gusto ko na kasing pumasok na lang pabalik sa boarding house at magkulong sa aking kwarto.
Anong ginagawa ni Trivy rito?!
Huminga ako ng malalim. Wala sa loob kong kinagat ang aking dila sa loob ng aking bibig. I tried to move and took a step. My one step multiplied into many until I reached in front of him. We stared at each other until I decided to break the ice.
"A-Anong ginagawa mo rito?"
Nag-iwas siya ng tingin pero agad din namang nagbalik ng tingin sa akin. He gasped and run his long finger through his messy hair. And man...he looks so divine. Damn it!
"Sinusundo kita.", he said, as a matter of fact tone. Nakunot naman ang aking noo. Anong rason?
"Bakit?"
Siya naman ang nagkunot noo ngayon. "We have a d-date, remember?"
Nanalaki ang mga mata ko sa aking narinig. Agad din naman akong nag-iwas ng tingin. Right! He asked me to go on a date with him last week. At di ako pumayag dahil exam week namin. At hanggang ngayon ay wala parin akong sagot sa kanya. Actually...
"Wala naman akong sinabi na papayag ako, diba?"
He pouted pero agad din naman siyang ngumiti. "Yup! Pero wala ka rin namang sinabi na di ka papayag. So whether you like it or not...you'll go on a date with me...today.", aniya at ngumisi.
"Pero—"
"No buts. No ifs, Andrea. You are stuck with me for a day and you can't change that even if you beg.", malambot niyang ingles. Biglang niyang hinablot ang aking kamay at inalayan akong pumasok sa kanyang sasakyan. Sobrang bilis ng kanyang mga kilod. With just one blink I found myself riding in shotgun with him.
Suminghap ako at pumikit ng mariin.
What just happened?
**
#PrayForParis
![](https://img.wattpad.com/cover/34239850-288-k896111.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Nice Guy's Obsession
General FictionWhen the Mr. Nice Guy is obsessed. My first ever story on wattpad.