AIS-Part 8

387 23 13
                                        

<Oceano's POV>

"We're here!"

Huminto ang kotse ni River sa parking space ng University at nag-park ng maayos. Lumabas siya ng sasakyan pagkatapos mag-park at agad pinagbuksan ng pinto si Reign. Inilahad niya ang kanyang kamay at naka-ngiti naman itong tinanggap ni Reign.

"Salamat sa paghatid, River." Wika ni Reign habang inaalalayan siya pababa ni River.

"No. I'm actually more thankful." Hinalikan ni River ang likurang bahagi ng kamay ni Reign noong tuluyan na itong nakababa ng sasakyan. "Pwede ba kitang ihatid sa room mo?" Malapad ang ngiti ni River at kumikinang pa ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Reign.

"Ang sabi niya may gusto siya kay Reign. Pero sa mukhang 'yan.....gusto lang? Tsk! Huwag ako. Alam ko ang kaibahan ng gusto at mahal."

"Oo naman." Naka-ngiting sagot ni Reign. Hindi na nga mabura ang ngiti sa mukha niya eh.

"Hay! Hindi ba marunong magpakipot ang babaeng toh?! Puro lang 'oo'."

Naglakad na sila papasok ng University habang magkahawak-kamay. Pareho pa silang naka-ngiti at sabay maglakad. Pero teka lang!!!

"Paano ako lalabas dito?!" Nilibot ko ang aking tingin. Lahat ng pinto ay naka-sara, wala silang iniwang bukas. Hindi ko alam kung paano buksan ang pinto ng kotse.

Tinulak, hinila, kinalampag, binunggo, sinipa, sinuntok, sinigawan, kinausap, hinaplos, hinalikan. Ayaw talaga!!!

"Diyos ko! Paano na toh?! Masyado kasi silang abala sa landian nila kaya nakalimutan na ako. Letse!"

"Kahabag-habag ang sinapit ng isang pusong nananahimik. Naiwan ng dalawang pusong sabik sa pagibig na mapanakit. Huwag kang mangamba dahil sa huli ang tunay na pagibig ay walang kasing saya." Bigla na lamang sumulpot ang pinsan ni Reign sa labas ng kotse.

"Anong pinagsa-sasabi nito???"

Nakasandal ang likod niya sa pintuan ng kotse kung saan ako malapit. Nakatingala siya sa langit at naka-ngiti ng parang baliw. Di ako sigurado kung ako ba ang kinaka-usap niya o may kausap nga ba talaga siya???

Noon ko pa napansin na kakaiba kung kumilos ang isang toh. Parang may sariling iniisip na kung ano-ano. Paminsan ko rin siyang makitang sumisilip sa kwarto namin ni Reign tuwing gabi at pagkatapos hahagikhik na parang kinikilig. Pero madalas.....naririnig ko siyang nagi-ingay sa kwarto niya. Masyadong sensitibo ang pandinig ko kaya maging mga mabibigat niyang paghinga at halinghing ay naririnig ko. Alam kong gabi-gabi siyang dinadalaw ng bangungot. At higit sa lahat, ramdam ko na pareho kami. Hindi rin siya straight. You know😉🙊.

"Oceano!"

Nabalik ako sa'king ulirat dahil sa sigaw niya. Binuksan na pala niya ang pinto ng kotse ni River. Nakapamewang siya sa harap ng pinto habang nakataas ang isang kilay.

"Ano?! Diyan kana lang maghapon?! Huwag ka ngang babagal-bagal! Hoy, naunahan kana! Pakigalaw naman ng baso! Pasalamat ka boto ako sayo."

"Ano raw???"

GAYxGIRL storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon