WLGP-Part 2

413 16 1
                                    

<Thea's POV>

"Bhie! Wala ng tao." Binasa ko ang galaw ng labi ni Trish, ang tandem in crime ko. Mahina lang kasi ang pagsasalita niya para walang makarinig.

Nakatago lang ako dito sa likod ng pader habang sinisilip niya ang aisle ng locker room.

Sinenyasan niya na ako ng "GO" kaya mabilis ngunit maingat akong tumakbo patungo sa direksyon ng isang napaka-pamilyar na locker.

Mabilis pa sa takbo ng cheetah nang ihulog ko sa maliit na butas ng locker ang isang liham para sa taong kinababaliwan ko.

Luminga-linga ako sa paligid. Kailangan ko ng lumabas ng locker room na walang nakakapansin sa'kin. Nauna ng umalis si Trish pagkatapos niyang maging lookout dahil yun lang daw ang gusto niyang ambag. Nakakahiya raw kasing mahuli na palihim kaming pumapasok sa locker room ng mga lalaki.

Akmang tatakbo na ako palabas nang magkataong may narinig akong mga hakbang na papasok sa kinaroroonan kong kwarto at tinig ng mga lalaki na papalapit ng papalapit.

Nataranta ako at di magkamayaw sa paghahanap ng pwedeng pagtaguan. Dahil sa aking pagkilos ay aksidente kong nabangga ang isang locker. Bumukas ito, tanda na hindi ito nilock ng may-ari.

Isang ideya lang ang pumasok sa utak ko.

"Ano ba yung gusto mong sabihin sa'kin, Raffy?"

Mas bumilis ang pagtibok ng aking puso nang marinig ko ang pagbanggit sa pangalan ng lalaking may-ari ng locker na nilagyan ko ng love letter.

"Why you need to bring me here just to say something? Is it too important? I felt like you're going to tell me something confidential." The talking guy chuckled. He stopped walking when his already in front of his locker. The other one who's with him stopped too then take a deep breath before he speaks.

Pinilit kong makita ang magkasamang lalaki ngunit di ko magawa. Makakalikha lamang ako ng ingay kung sakali mang gumalaw ako dito sa aking pinagtataguan. Pakiramdam ko nga ay nasa tapat ko lang sila.

"Lhanz..."

Dumaloy ang kakaibang kiliti sa aking sistema ng marinig ko ang boses ni Raffy. Hinding-hindi talaga ako magsasawang marinig ang malumanay at malambing niyang boses. Lalaki man siya ngunit hindi malalim tulad ng iba ang kanyang tinig. Ang boses niya'y parang nagpapatulog at nagpapakalma.

"You know me since kindergarten, right?" Tanong ni Raffy kay Lhanz. Nagtatakang tumango naman ang huli. "Alam mo kung ano talaga ako but I've been concealing what I truly feel towards you." Nagpatuloy si Raffy. Mas lalong naguluhan si Lhanz.

Mas pinag-igihan ko pa ang pakikinig sa dalawa. I know I'm invading their privacy but I just can't help it. Curious rin ako sa kung ano ang sasabihin ni Raffy kay Lhanz.

May kutob na ako kung saan patungo ang sasabihin ni Raffy...but I just want to make sure. Sana mali ako.

Rafael James Pinafiel is a famous gay in our campus. Everyone know that his into boys not girls. So, I wouldn't be surprised if he will confess to Lhanz. After all, Lhanz is an ideal guy.

"M-Mahal kita, Lhanz. Matagal na pero di ko lang maamin sayo."

A sad smile show off from my face. Just like what I'm expecting. He really had feelings for his longtime bestfriend. But even I'm not shocked, the pang inside my chest is undeniable.

Gusto ko ng umalis dito.

Gusto kong umiyak. Ang sikip-sikip ng pakiramdam ko na parang hindi na ako makahinga. Kailangan ko ng hangin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas sa locker na aking pinagtataguan.

Dahil sa biglaan kong paglabas, parehong nagulat ang dalawa at mabilis na lumayo sa isa't isa.

Hindi ko man masyadong nakita ngunit sigurado ako na akmang hahalikan na ni Raffy si Lhanz. Baka nga tuluyan ng naghalikan ang dalawa kung hindi lang ako umeksena.

Kumuyom ang aking mga kamao kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. Kinagat ko ang aking pangibabang labi para pigilang kumawala ang aking hikbi at sama ng loob.

Nagtitigan lamang kaming tatlo.

"S-Sino ka? Kanina ka pa ba nakikinig sa'min?" Kinakabahang naiusal ni Raffy habang nakatingin sa'kin.

He don't know me. That added the pain I'm feeling. 'Well, I'm merely nothing but just a girl who's secretly admiring you.' Gusto ko sanang isagot pero huwag na lang.

Imbis na magsalita ay humakbang ako ng mabilis papalayo sa dalawa.

Narinig ko ang nagmamadaling paghabol niya kaya mas binilisan ko pa ang pagalis. Dadagdagan ko lang ang aking mga kahihiyan kung haharapin ko pa sila ulit. Sobra-sobra na ang nangyari sa araw na ito, baka di na kayanin ng puso ko.

Palabas na ako ng pinto nang may marahas na humila sa aking braso. Lumingon ako sa taong may gawa at natagpuan ng aking mga mata si Raffy na hawak hawak pa ang aking braso.

"Tell me, did you hear everything I said?" He seriously asked while looking directly at my eyes.

I gulped.

"Huwag kang tumunganga lang. Tinatanong kita kaya sumagot ka." Madiing sabi pa niya.

Natakot ako kaya pinilit kong tumango sa kabila ng panginginig ko.

Napaatras ako ng wala sa oras dahil sa kanyang paglapit. Pinigilan ko ang aking paghinga nang ilapit niya ang kanyang mukha at bumulong.

"What you saw and heard must stay here. Don't you dare spread sh*ts or I'll cut your tongue and pull off your eyes from your eye socket." Raffy warned.

Pumaypay sa aking mukha ang kanyang mabangong hininga. Nagbabanta man siya sa'kin ngayon ngunit di ko maiwasang namnamin ang kauna-unahang pagkakataon na mapagmasdan ng ganito kalapit si Raffy.

His feminine features makes him more seductive in my eyes. From those well-shaved eyebrows, fierce black cat eyes with long flickering eyelashes and attractive double eyelids, high bridge nose, thin kissable pinkish lips. Plus his silky smooth black hair that's slightly covering his eyes was in wolf cut.

What a gorgeous human!

His beauty seems inviting me. I'm so head over heels in love to Raffy that I didn't even think before I press my lips to his.

God!

At the very moment I tasted his lips, I swear to every Saint that I will make everything just to make him mine. By hook or by crook.

Wala na akong pakialam kung may mahal siyang iba.

Author's Note:

Please be aware na some chapters are past ang timeline, just like this one. Don't be confuse. Love you all🥰

P.S
Sorry dahil sa matagal kong mga ud.✌️

GAYxGIRL storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon