GIGD-Part 5

525 27 12
                                        

<Santina's POV>

"Class! Listen carefully. Okay?"

Nakatuon ang buong atensyon naming lahat sa aming Professor na kasalukuyang nagsasalita sa harapan. Tahimik ang buong classroom at diretso ang tingin namin kay Sir.

"I'm giving all of you a project that must be accomplished and submitted to me on next Monday. Everyone is required to pass. Projects that will exceed the deadline are not accepted, much better to pass in advance for additional points."

Agad na nabahala ang buong klase dahil sa sinabi ni Sir. Nagtaas ng kamay ang isa sa aking mga kaklase at nagtanong. "What's the project, Sir?"

"You need to perform an exclusive interview with someone you know that is successful with his/her career, path, business or etc. It's fine if they're older, younger or not, as long as they're pursuing their passion and showcasing their skills, abilities or talents. Be guided by the questions like 'Why are you pursuing your passion?', 'Do you have inspirations?', 'What are the struggles that you've faced?', 'How did you overcome those hardships?', 'What are the things that you've learned from your experiences?'. Other questions are all up on you, just ask as many as you desired and write down their answers. Compile the answers and rewrite into a paragraph form. Make sure to print at least 25,000 words in a long bond paper and please apply your designing skills to make your project more presentable."

Natatarantang sinulat namin lahat ng sinabi ni Sir tungkol sa project. Sa mukha pa lang ng mga kaklase ko ay halatang ayaw nila na gumawa ng mga project pero kailangan kaya napipilitan. Isa na namang kaklase ko ang nagtaas ng kamay para magtanong. "Is this by group or by partner, Sir?"

"No. This is individual. You're no longer in elementary or high school. Everyone should work hard and be self-reliant when it comes to schoolworks."

Agad na umangal ang iba kong mga kaklase, lalo na ang mga boys pero wala na silang nagawa dahil individual talaga ang gusto ni Sir.

"Psst!"

Naramdaman ko na may kumalabit saakin. Galing rin sa malapit ang naririnig kong sumisitsit. Tumingin ako kay Bray na katabi ko lang naman. Ang lalaking pinakamahilig sa pakikipagdaldalan.

"Sino i-interbyuhin mo?" Pabulong niyang tanong dahil baka marinig kami ng prof. "Wala akong kilalang successful eh. May recommendation ka ba dyan? Kahit sino pwede." Namomroblemang dugtong niya pa.

"Wala akong masyadong kakilala, Bray. Hindi nga ako sure kung sino ang i-interbyuhin ko. Pero susubukan kitang i-reto sa kanya." Naka-ngisi ako habang itinataas-baba ang aking kilay. Nakaturo ang hintuturo ko sa Muse ng classroom namin, si Veronica. Namula naman agad ang taenga ni Bray at nahihiyang yumuko.

Maganda si Veronica, sobra. Kaya nga siya ang Muse namin eh. Sexy rin siya at makinis ang maputing balat. At bukod doon ay mala-anghel siya sa pagiging mabait. Mayaman pero hindi mata-pobre. Mga katangian ng babae na alam kong gusto ni Bray. Sure na sure ako na crush niya si Veronica kaso in-denial stage pa HAHAHAHAHA!!!

"Hay! Kung nagkalat na ang mga manloloko sa mundo eh mas kalat naman ang mga torpe hahahahahaha!!!"

Sa ilang buwan na lumipas, naging matalik na magkaibigan kami ni Bray. Since seatmate ko siya at pareho kami ng estado dito sa university, halos hindi na kami mapaghiwalay na dalawa. Madalas na din kasi kaming magkasama sa cafeteria, library, study hall, at kahit saan. Masasabi ko na siya ang pinakauna-unahang boy bestfriend ko. Mas nakilala ko pa siya ng lubos kaya naging close talaga kami sa isa't isa.

GAYxGIRL storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon