<Reigan's POV>
Ilang araw na ang lumipas, marami akong natuklasang pagbabago sa aking sarili. Katulad ng mga sinabi ni Heira, nakakagawa na ako ng mga bagay na hindi kayang gawin ng mga normal na tao.
But Heira is always beside me when I feel like panicking. She's guiding me how to control everything properly and I slowly learned through it. It's hard to believe that I quickly adjust all the changes happened, thanks to Heira.
"Are you still bothered by your nightmares?"
Huminto ako sa pagsubo ng kutsara at nilunok muna ang aking kinakain bago sagutin ang tanong ni Heira. "Wala naman na akong napapanaginipang hindi maganda." Tumango-tango siya bilang tugon. Nagpatuloy lang kaming kumain ng tahimik.
Sa katunayan, wala na talagang mga succubus na nangingialam saakin sa mga nagdaang araw. Siguro tama si Heira don sa sinabi niyang walang gagalaw saakin dahil sa marka ko kuno. Pero may mga napapanaginipan pa rin akong kakaiba. Hindi naman mga demonyo o ano-anong mga masasamang elemento. Hindi ko nga alam kung masama o mabuti ang mga panaginip na iyon. Wala rin akong balak sabihin sa kanya ang mga bagong panaginip ko ngayon dahil 'siya' kasi mismo ang laman ng mga panaginip ko. Tulad nalang kagabi.....
(Flashback)
"Heira! Saan ka pupunta?!!!" Sabi ko sa naglalakad papalayo na si Heira. Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa aking direksyon. Nagulat ako dahil sa magandang ngiti na ibinigay niya sa'kin. Kahit ang mga mata niya ay kumikislap at ngumingiti rin kasama ng labi niyang naka-kurba.
"Bakit parang naging anghel ka na ngayon? Anyare sayo?" Natatawang tanong ko habang lumalapit sa kanya. Umiling lang siya habang nakangiti parin ng matamis.
"Hoy! Magsalita ka nga." Sinundot-sundot ko ang kanyang pisngi.
Imbes na magsalita, isang mainit na yakap ang aking natanggap mula sakanya. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa aking dibdib at mahigpit na nakapulupot ang mga braso niya sa bewang ko.
Namalayan ko nalang na kusang gumalaw ang kanan kong braso palibot sa kanyang bewang para yakapin siya pabalik ng mahigpit. Ang kaliwa kong kamay ay marahang hinahaplos ang kanyang buhok.

BINABASA MO ANG
GAYxGIRL stories
De TodoIs it possible for a GAY to fell in love with a GIRL? Do you believe in the saying "LOVE has no GENDER."? If you didn't... I suggest you to read this GAYxGIRL stories.💕 1: Gay Pageant (Completed✔) 2: Ako'y Isang Sirena (Completed✔) 3: Gay's Worst N...