<Thea's POV>
"Good morning, Raffy!" Masiglang pagbati ko sa aking asawa na bagong gising. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa at nagbabasa ng libro habang umiinom ng kape.
Nakabusangot ang mukha niya habang pababa ng hagdan. "Bakit hindi mo ako ginising ng maaga? Late na tuloy ako sa trabaho ngayong araw."
Lumapit ako sa kanya para gawaran siya ng halik sa labi.
Tumingkayad ako para maabot siya at akmang ilalapat ko na ang labi ko sa labi niya nang inilayo niya sa akin ang kanyang mukha.
"Have you cooked breakfast?" He deeply asked.
I pouted.
"Tapos na. Sabay na tayong kumain." Hinila ko siya patungo sa hapag-kainan at pinaupo sa paborito niyang pwesto. Umupo naman ako sa harap niya.
Tahimik kaming kumain. Paminsan-minsan akong sumusulyap kay Raffy. Pansin ko na bad mood talaga siya ngayong araw. Hay! Nasa silent treatment stage na naman ako.
Di bale na lang, madalas naman siyang ganito. Bakit hindi pa kasi ako nasasanay tsk tsk tsk...
***
"Hindi kita masusundo mamaya. Mag-o-overtime ako ngayong araw dahil tambak ang mga gawain ko. Kung maaga sana akong nakapasok ngayon, makakauwi sana ako ng mas maaga."
Sumimangot ako. "Sorry na nga diba!"
Nakita ko ang kanyang palihim na pag-irap. Napa-irap na rin tuloy ako ng wala sa oras.
Nagdadabog na bumababa ako sa kotse niya. Isinara ko nang malakas ang pinto at mabilis na naglakad papasok sa beauty salon & spa na pag-aari ko.
Agad na bumati ang mga staff ng salon nang makita nila akong pumasok. Ngumiti ako sa kanilang lahat at bumati pabalik sabay palihim na sumulyap sa labas. Umalis na agad ang sasakyan ni Raffy.
***
Kasalukuyan akong nagbabasa ng income report dito sa aking office nang marinig ko ang hiyawan galing sa labas.
Lumabas ako at nagmasid. "Ano ang nangyayari?" Nakakunot ang noo ko habang nagtatanong.
Lumapit sakin ang pinagkakatiwalaan kong kanang kamay. "Madam! May igop na utokong chuppopo na magpapa-spa raw ditey."
"Oh eh ano naman ngayon?"
"Ang mga vakla po ay nagaagawan kay kuyang utoko. Waley po kasi siyang piniling massage therapist at lahat ng mga vaklang ferson ay gusto mahaplos-haplos ang bato-bato and pandesal ng fafa. Sheyemperd, wititit aketch magpapahuli. Willing ako pati ang notabels ni oppa imamasahe ko for free ehe!" Malanding pahayag niya pa.
Natawa naman ako sa kaharutan ng aking mga staff.
Nakita ko pa ang iba na nagtutulakan, nagsasabunutan at nagba-bato-bato-pick.
"Calm down, everyone!" Saway ko sa kanilang lahat. Natigilan naman ang mga bakla. "Nasaan na ang pinagkakaguluhan niyong costumer?" Tinuro nilang lahat ang mga kwarto kung saan minamasahe ang mga costumer.
"I guess, his already waiting for the therapist to come. Huwag na kayong mag-away, mas matatagalan pa tayo. Ako na lang ang magmamasahe sa costumer." I volunteered. Then, my staffs automatically made face.

BINABASA MO ANG
GAYxGIRL stories
RandomIs it possible for a GAY to fell in love with a GIRL? Do you believe in the saying "LOVE has no GENDER."? If you didn't... I suggest you to read this GAYxGIRL stories.💕 1: Gay Pageant (Completed✔) 2: Ako'y Isang Sirena (Completed✔) 3: Gay's Worst N...