<Danniela's POV>
*Six years later*
"Ma! Gumising kana." Nararamdaman ko na may bulilit na yumuyogyog ng aking katawan.
Idinilat ko ang aking mga mata. Isang gwapitong anghel ang una kong nasilayan. Agad akong napangiti. Kailangan ko ng bumangon dahil ginigising na ako ng anak ko.
Time check: 6:30am"Ma, diba sabi ko na gumisang tayo ng maaga kasi first day of school namin ngayon as a Grade 1 student pero tapos na po akong maligo at kumain at magbihis pero po kayo humihilik pa." Mahabang sermon sa aking ng aking dalaga 'kuno'. Kakalabas ko palang ng kwarto sermon agad ang napala ko. Hay!
"Ma! Kumain na po kayo at mag-ayos. Malapit na po kasi kaming ma-late ni Rossela sa klase." Mabuti pa itong aking binata 'kuno' ay mabait akong tinulungan sa pag-upo dito sa hapag-kainan. "Tapos na po kaming kumain. Kayo nalang po ang hinihintay namin." Dugtong pa niya. Napangiti nalang ako bago magsimulang kumain.
Turning 6 years-old na ang mga anak ko ngayong taon. Kambal sila, lalake at babae. Naunang lumabas si Ronnel bago si Rossela. Na cesarean ako at nag-iwan ito ng peklat sa ibabang parte ng aking tiyan. Sobrang sakit pero sulit. Dalawang anghel ang binigay saakin ng diyos.
Noong nag-apat na taong gulang na ang mga anak ko ay lumipat na ako ng tirahan, humiwalay na ako sa mga kapatid ko. Nangako naman ako na bibisitahin ko parin sila kapag may oras ako at nangako rin sina Dann at Dayanna na hindi nila papabayaan ang mga nakababata naming kapatid.
Pinalaki at inalagaan ko ang aking mga anak ng mag-isa. Laking pasalamat ko na mababait sila at masunurin kahit na maldita, masungit at pasaway sila hahahahaha!
Kung nagtataka kayo kung nasaan na si Rosa/Roso......... Well, narinig ko noon na siya pala ang bagong CEO nong malaking kumpanya daw na cenelebrate don sa five-star restaurant na pinagtra-trabahohan ko dati at sabi daw na doon siya sa USA magtratrabaho dahil nandoon ang main branch ng kanilang kumpanya. Ibig sabihin wala na siya dito sa Pilipinas at bukod doon, wala na akong naging balita sakanya. Hindi na rin kami nagkita ulit simula nong sinabi ko na buntis ako at hindi siya ang ama pero ang totoo ay siya talaga.
Pabor din naman saakin na huwag na kaming magkita ulit dahil maayos na ang buhay ko ngayon at ayaw ko nang magulo pa ang lahat. Naiintindihan rin ng mga anak ko na wala silang ama dahil ang sinabi ko sakanila "Me and your father are not in good terms." Noong nagtanong sila kung sino ang ama nila, syempre sinabi ko na si Roso at noong naghanap sila ng picture ay ipinakita ko sakanila yung litrato ni Rosa noong nasa gay pageant. Yung reaction nila syempre gulat na gulat "Mama, bakla po si Papa?" Tanong nila at sinabi kong "Oo." Sinabihan ko sila na huwag magalit o mandiri kay Roso dahil siya parin ang ama nila at kahit na ayaw ko kay Roso kailangan ko paring palakihin ang mga anak namin na walang sama ng loob sakanya.
***
Time check: 7:50am
Pagkatapos kong maihatid ang mga anak ko sa school nila, dumiretso agad ako sa aking trabaho. Umalis na ako doon sa five-star restaurant at agad na lumipat sa isang five-star hotel bilang isang janitress pero dahil sa kasipagan ko, napromote ako nang napromote hanggang sa ako ay naging manager na. Halos 24/7 ako sa trabaho dahil magsisimula ako ng 8:00am tapos uuwi ako ng 12:00pm. Madali nalang ang trabaho ko as a manager dahil ako ang naatasang panatilihin ang magandang serbisyo at mag-gabay sa mga staff dito sa hotel. Maganda ang sahod dahil umaabot ito ng ₱15,000-₱18,000 every month, malaki diba. Pero.....may tinatago ang hotel na pinagtratrabahoan ko. Tuwing umaga isang ordinaryong five-star hotel lang ito pero tuwing gabi nagkakaroon na rito ng prostitution. Magpapa-booked ng working girl ang customers papuntang hotel rooms nila at doon na sila gagawa ng 'alam mo na'. Noong una nandidiri talaga ako at parang gusto ko nalang na mag-resign as a manager kasi parang ako yung nagma-manage ng immoral na gawain dito.
BINABASA MO ANG
GAYxGIRL stories
RandomIs it possible for a GAY to fell in love with a GIRL? Do you believe in the saying "LOVE has no GENDER."? If you didn't... I suggest you to read this GAYxGIRL stories.💕 1: Gay Pageant (Completed✔) 2: Ako'y Isang Sirena (Completed✔) 3: Gay's Worst N...