GIGD-Part 2

510 22 19
                                        

<Santina's POV>

Tahimik akong pumasok sa loob ng girls' dorm. Nakakabingi ang katahimikan noong tuluyan na akong naka-pasok sa loob. Maganda at malinis naman ang lugar ngunit parang may something akong nasi-sense dito na nagpapakabog sa aking dibdib. Ang creepy! May multo ata dito eh.

"Sino ka?"

Napasinghap ako dahil sa gulat. Hinawakan ko pa ang aking dibdib para pakalmahin ang sarili. Isang matandang babae ang biglang sumulpot ng hindi ko namamalayan.

"S-Santina Ybarra po ang pangalan ko." Kinakabahang sagot ko.

"Aaah! Ikaw yung scholar, tama?" Walang kaemosyon-emosyong sabi niya. Tumango ako agad. "Ako ang caretaker ng dorm. Tawagin mo nalang akong Madam para madali."

"Okay po, Madam."

"Nandito ka ba para makita ang magiging kwarto mo?" Tanong ni Madam. Tumango ako. "Kung ganon, halika. Ipapakita ko sayo kung saan."

Sobrang laki ng dorm. Hanggang 5th floor ito at sobrang daming kwarto. Ang haba-haba ng mga pasilyo kaya ang hirap tandaan kong saan ka ba dumaan. Natakot tuloy ako bigla dahil baka maligaw ako dito kapag iniwan ako ni Madam.

"Nasa 5th floor ang kwarto mo. Tandaan mo na F5RVIII ang nakasulat sa pinto non. Mayroon kang magiging dorm mate dahil hindi pwedeng isa-isa lang na estudyante kada isang kwarto. Nagkaroon na kasi ng iba't-ibang kaso dito sa university tungkol sa mga estudyanteng solo ang isang kwarto." Kwento ni Madam habang naglalakad kami.

"Ano-anong mga kaso po ba?" Curious na tanong ko.

"Kapag mag-isa ang estudyante sa kwarto niya at ayaw lumabas, kadalasan may emotional o mental problems sila at hindi ito nalalaman ng kahit sino dahil nga parati lang silang mag-isa at ayaw makisalamuha sa iba. Nauwi sa isang masamang pangyayari ang estudyanteng hindi na nakayanan ang problema. Suicide..."

Nagsitayuan ang aking mga balahibo. Kaya pala ang creepy dito. Diyos ko! Huwag naman sanang magparamdam saakin ang mga multo dahil baka mapatalon ako bigla dito sa building. Nakakatakot kaya ang mga multo huhuhuhu!!!

"N-Nakakatakot naman po." Pagbibigay ko ng reaksyon.

"May mas malala pa. Yung iba nalulong sa bisyo at sila ang nagdudulot ng karahasan dito mismo sa loob ng dorm. Gumagamit ng mga bawal na gamot mag-isa sa kwarto at kapag naging sabog ayon nagiging hayok."

Jusko lord! Ang incredible naman ng magiging dorm ko. May nagpakamatay na, may addict pa. Ano, back out na ba?

"At meron ring kaso ng rape dito."

Huh? Rape? Paano nagkaroon ng rape eh puro babae naman ang nakakapasok sa dorm na toh.

"Mayroong rapist na nakapasok dito at ayon nangbiktima ng estudyanteng mag-isang nakatira sa kwarto. Hindi narinig ang paghingi niya ng tulong at walang may alam na may masama na palang nagyayari sa likod ng mga pader."

Kumunot ang aking noo. "Paano po nakapasok ang rapist dito???"

Bumuntong-hininga si Madam. "Ang sabi ng mga imbestigador nagkunwareng babae ang rapist kaya daw nakapasok dito sa dorm."

Napanganga ako dahil sa gulat. "Grabe naman ang rapist na'yon. Dumiskarte pa po talaga para may mabiktima." Naiusal ko na lang dahil sa pagkadismaya.

"Hahahahahahahahaha!!!"

Laking gulat ko dahil biglang tumawa si Madam. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. "Bakit po kayo tumatawa?"

"Wala lang, Santina." Ngumiti si Madam. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa'kin. "Huwag kang mainis dahil ganyan talaga. Kapag gusto may paraan. Iba rin kasi ang nagagawa ng mga taong umiibig, lalo na ang mga binatang aggresibo." Pagpapaliwanag niya.

GAYxGIRL storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon