GIGD-Part 9 (1)

625 26 13
                                    

<Santina's POV>

"W*** **, Santina..."

May narinig akong tumatawag sa'king pangalan at parang may sinasabi ngunit hindi ko maintindihan. Kinamot ko ang aking ulo at binalot ng kumot ang sarili habang nananatiling nakapikit.

"Nakakainis! Inaantok pa ako eh."

Hindi pa ako tuluyang nakakabalik sa mahimbing kong pagtulog nang may nagtanggal ng kumot na nakabalot sa aking katawan.

"I said wake up, Santina!"

Malinaw kong narinig ang nagsalita. Napakunot ang aking noo dahil sa inis. "Gusto ko pang matulog..." Inaantok kong sabi habang nakapikit pa rin.

"Seriously???" Parang hindi makapaniwalang sabi niya. Hindi ko man idilat ang aking mga mata, alam kung nakapamewang na ang taong gumigising sa'kin ngayon.

"Hmmm..." Sagot ko na lang dahil inaantok pa talaga ako. Napuyat ako kagabi dahil sa kakaisip sa nangyari kahapon. Lalo na si Chelsey na ayaw umalis sa isipan ko.

"The sun is already up, Darling." Isang mabangong hininga ang pumaypay sa aking mukha. Palatandaan na ang nagsalita ay sobrang lapit sa'kin. "Babangon ka o tatabihan kita?" Nanindig ang aking mga balahibo dahil sa pagbulong niya sa aking tainga.

Mabilis kong iminulat ang aking mga mata. Ang mukha ni Chelsey ang aking pinaka-unang nakita. Kaya agad akong napabangon mula sa aking pagkakahiga at lumayo sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?!!!"

Umupo siya sa gilid ng kama at nagdekwatro pa. "Sasamahan sana kitang matulog. Obvious ba?" Sarkastikong sabi niya. Napa-irap na lang ako. Nagtatanong ako ng maayos tapos sasagutin ng paganyan.

"Wala namang pasok ngayon dahil holiday kaya pwede akong matulog hangga't kailan ko gusto. Wala kang karapatang disturbohin ang pamamahinga ko. Labas!" Singhal ko sa kanya. Ang aga-aga pinapa-init niya ulo ko.

Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay na parang sumusuko sa mga pulis. "Sorna. Gusto lang naman kitang yayain."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Yayain saan???" Masungit kong pagsabi.

"Date," Walang paga-alinlangang sagot niya. "Nakalimutan mo na ba ang usapan natin kahapon? I'm not joking dun sa part na sinabi kong i-try natin."

Napakamot ako sa aking ulo. "Oo, naaalala ko lahat. At sa pagkakaalala ko rin ay wala naman akong sinabi na pumapayag ako."

Tinaasan ako ni Chelsey ng kilay. "Date lang naman ang gagawin natin. Wala ng iba pa."

"Sigurado ka?" Pinag-ekis ko ang aking mga braso sa tapat ng aking dibdib.

Umirap muna siya. "Iniisip mo ba na may sex pa, huh?" Isang nakakakilabot na ngiti ng sumilay sa kanyang mga labi. "Kung may balak nga ako, bakit pa kita ya-yayaing lumabas? Pwede naman kitang warakin dito mismo sa kwarto mo. Right now, right here." Tinapik-tapik niya pa ang kama ko.

"Kadiri ka! Bastos!" Nandidiring napatayo ako at umalis sa kama. Mabilis akong naglakad patungo sa banyo para maligo at iniwan siya sa kwarto ko.

***

"Tatawagin ko si Chelsey para humingi ng towel o maglalakad ako nang naka-hubo't hubad patungo sa kwarto ko???"

GAYxGIRL storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon