GIGD-Part 8

582 34 33
                                    

<Santina's POV>

"Goodbye, class!"

Nagpaalam na ang huling professor namin para ngayong araw. Sabay-sabay rin kaming nagpaalam sa kanya. Pagkatapos niyang lumabas ay nagsilabasan na rin ang aking mga kaklase. Nagpahuli na lang ako para iwas siksikan.

"Congrats! Pareho tayong may plus points sa project." Masiglang nagsalita si Bray na nandito pa pala. Akala ko kasi sinundan niya yung crush niyang si Veronica hahahahaha!

"Salamat," Nakangiti kong sagot pabalik. "Paano mo nga pala nakilala si Jer? Bakit siya ang napili mong interbyuhin?" Naitanong ko dahil hindi ko siya maka-usap kanina habang may klase. Hindi ko kasi inaasahan na ang sinasabing i-interbyuhin ni Bray ay si Jer pala. Pinabasa lang niya sa'kin yung project niya kaya ko nalaman.

"One day, nanonood ako ng laro nila, mahilig kasi ako sa basketball. Tapos nakipag-kaibigan sa'kin si Jer. And then, the rest is history." Maikling pagkwe-kwento niya.

Tumaas ang isa kung kilay. "Yun na yun? Wala man lang kachemistry-chemistry."

Nalukot ang mukha ni Bray. "Anong chemistry-chemistry ka dyan?! Ano kami.....nasa BL?!!!" Umarte pa siyang nasusuka at diring-diri. "FYI. Alam kong masherep na fafa si Jer pero tangina! Never akong papatol sa kapwa ko may talong!!!"

"HAHAHAHAHAHAHA!!!" Humagalpak ako ng tawa.

Sumimangot tuloy ang mukha niya. "Ano tinatawa-tawa mo dyan? Siguro iniisip mo na tatabingi agad ako dahil lang kay Jer? Never. Che!" Naglakad siya palabas ng room pagkatapos akong tarayan. Pffft!

"Gustong-gusto ko lang talagang asar-asarin si Bray. Parang babae kasi siyang umarte kapag inaasar hahahahahaha!!!"

Hinabol ko agad ang lalaki para hindi lumala ang tantrum niya. Ang bilis niyang maglakad pero nahabol ko naman dahil hindi masyadong matangkad 'tong si Bray kaya hindi rin masyadong mahaba ang biyas niya, mas lamang lang ng kaunti ang height niya sa'kin eh.

Inakbayan ko si Bray habang naglalakad kami. Halatang bad trip siya kaya di niya ako pinansin. Basta lang siyang naglalakad patungo sa hindi ko alam. Sinabayan ko na lang siya.

"Nagbibiro lang naman ako, Bray." Naka-nguso kong sabi. "Alam ko naman na di ka papatol kay Jer kahit na ang gwapo-gwapo ng lalaking yun."

Hindi ako sinagot ni Bray. Huminto lang siya sa paglalakad kaya kinuha ko itong pagkakataon para harapin siya.

"Alam mo ba.....may nagsabi sa'kin kung gaano kagago si Jer."

Kumunot ang noo ni Bray. Tila ba pinagdu-dudahan niya ang sinabi ko.

"Bad influence si Jer. Kung nakipag-kaibigan siya sayo, pakiusap huwag kang gagaya sa mga kalokohan niya. Ayaw kong madagdagan ang mga gago sa mundo at lalong ayaw ko na mabawasan ang mga mabuting lalaki na katulad mo." Nag-aalalang sabi ko. Wala naman akong balak pigilan si Bray na makipag-kaibigan kay Jer pero ayaw kung tumulad siya kay Jer. Nababahala ako!

Sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil don. Ang gwapo kasi! Parang anghel. "Naiintindihan ko kung anong ibig mong sabihin. Huwag kang mag-alala 'di ako magiging gago." Ginulo-gulo niya ang buhok ko at tinapik-tapik ang tuktok ng ulo ko pagkatapos. "Imposibleng maging gago ang isang lalaki kapag alam niyang may nagmamahal sa kanya at lalo na kung may babaeng katulad mo na nag-aalala. Yikes! Parang naiihi ako na ewan. Kinikilig siguro ako HAHAHAHAHAHA!!!" Tumawa ng malakas si Bray, parang tuwang-tuwa siya. Namula tuloy ako. Kung ano-ano lang kasi pinagsa-sasabi ng lalaki na toh.

GAYxGIRL storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon