WLGP-Part 6

546 20 8
                                    

<Thea's POV>

I'm already in a relationship with Rafael. 3 months and counting. Going strong and steady.

That's what everyone knows now. Di sila makapaniwala na pumatol si Raffy sa isang tulad kong may kepay pero wala naman silang pagdududa dahil sa galing ni bakla umarte.

Simula ng pinagkalat naming dalawa na mayroon kaming relasyon ay naging sweet kunware siya sa'kin everytime na nasa public places kami. Syempre nakakakilig sa part ko pero nakakadiri sa part niya. May time pa nga na nasobrahan ako sa pagiging clingy at halos ipahawak ko na ang aking mga kaluluwa kaya pinagalitan niya tuloy ako noong kami na lang dalawa sa loob ng kotse niya. Aminado naman ako na nagte-take-advantage na ako sa setup namin kaya sorry na. Sino ba naman kasing hindi? Crush ko yun eh.

"Psst! Beh, lapit ka dito dali."

Narinig kong tinawag ako ni Raffy. Natigil tuloy ako sa pamimili ng mga skincare products ko. Nandito kasi kami ngayon sa Watsons.

One thing na masasabi kong nag-improved sa relasyon naming dalawa ay naging close kami sa isa't isa. Hindi na kami tulad dati na awkward. Lumapit ako kay Raffy na mukhang gigil na gigil sa kaharutan. Natawa naman ako, may nakita na naman siguro siyang gwapo kaya siya ganyan.

"Ano na namang nakita mo, bakla?" Sabi ko nang makalapit ako sa kanya.

Nakangisi siya at tinuro ang mga display sa kanyang harapan. "Ano sa tingin mo ang pinakabagay sa'kin?"

Lumingon ako sa mga tinuro niya.

Umawang ang aking bibig at nanlaki ang aking mga mata. Di ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Pero.....kalaunan ay hinarap ko siya at ngumisi na parang nang-aasar.

"Bibili ka ng condom para gamitin sa'kin? Preferred ko yung extra thin kasi parang wala lang pero depende pa rin yun sayo kasi ikaw yung magsusuot," panunukso ko.

Binatukan lamang niya ako sabay irap. "Assuming ka na naman," sabi niya sabay kuha sa isang box na extra thin, XL. Wow!

"Paano ka naging XL? Eh Filipino ka lang naman," nagtataka kong tanong.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Wala ka bang tiwala sa titi ko? FYI lang ha. Nasa lahi namin ang pagiging daks."

Ngumiwi lang ako. "Weh di nga? Impossible naman. Tanggap ko naman kahit hindi ka kalakihan basta magsabi ka lang ng totoo. Di naman kita pagtatawanan. Aware naman ako na maliliit talaga ang mga pinoy."

Hinarap niya ako nang may nakatutusok na tingin. "Gusto mo bang i-testing ko 'to sayo nang manahimik ka!" Dinuro niya ako gamit ang box ng condom.

Ayy! Sige ba.

Nanahimik na lang ako. Kahit na gusto ko mag-oo. Kaso di ko mapigilan ngumiti.

Kinagat ko na lang ang aking ibabang labi at iniba ang topic. "Kanino mo ba kasi gagamitin yan?"

Naglakad siya patungo sa cashier at nagbayad. Tinanong muna siya ng cashier kung ilang taon na siya bago ibigay ang product kaya sinagot na muna niya ang babae. Pinasabay ko na rin ang mga pinamili ko para isahan na lang ang pagbayad.

GAYxGIRL storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon