GIGD-Part 3

593 24 10
                                        

Few weeks later...

<Santina's POV>

"Nak, tawagan mo agad ako kung may problema. Sabihin mo sa'kin kung inaapi ka lang ng mga mayayaman doon." Paalala saakin ni mama. Niyakap niya pa ako ng mahigpit bago niya ako hinayaang umalis.

Papunta na ako ngayon sa dorm, dala-dala ang aking mga damit. Simula ngayon ay doon na ako titira hanggang sa matapos ako sa kolehiyo. Ilang araw na lang kasi ay magsisimula na ang klase kaya ngayon na ako lilipat para hindi makipagsabayan sa iba. Hassle na kasi masyado lalo na kung sabay kami nong dorm mate ko. Mas maganda nang maaga ako lilipat para mauna ako don sa kwartong gusto ko.

***

"Santina! Tulungan na kita diyan." Patakbong lumapit sa'kin si Jer. Nasa gate kasi siya ng University at parang may hinihintay.

Kinuha niya saakin ang maleta at backpack ko, siya na ang nagbitbit. Hindi na ako umangal dahil nabibigatan na rin ako sa pagdadala ng mga yon.

Inaasahan ko na makikita ko ngayon si Jer dahil nag-chat na kami tungkol sa araw ng paglipat ko. Nahanap kasi niya ang Facebook account ko kaya nagkaroon kami ng communication sa isa't isa sa nakalipas na mga araw. Nagdo-dorm din pala itong si Jer kaya parating nandito lang siya sa university. Nag-volunteer siya na tulungan ako sa paglipat kahit na kayang-kaya ko naman.

"Salamat, Jer. Ako na magdadala ng mga gamit ko pataas ng dorm. Bawal na pumasok ang lalaki dito sa loob diba."

Nasa tapat na kami ng girls' dorm. Babawiin ko na sana ang mga gamit ko sakanya pero ayaw niyang ibigay. Nagdire-diretso lang siya papasok sa dorm na para bang hindi bawal ang ginagawa niya.

"Hoy! Baka mahuli tayo. Bawal ka pumasok dito. Gago!" Patakbong paghabol ko kay Jer na kampanteng naglalakad paakyat ng hagdan. Pero kumindat lang siya at patuloy parin sa pag-akyat. Nong naabutan ko siya sa paglalakad, hinampas ko ang balikat niya at piningot ko ang kanyang taenga. Napa-aray naman siya agad. "Malalagot ako dito! Baka isipin nila na hinayaan ko lang na may lalakeng pumasok sa dorm namin. O 'di kaya ay isipin nila na kumikerengkeng ako!!!"

Narinig kong bahagya siyang tumawa. "Hayaan mo nalang sila mag-isip ng kung ano-ano." Sabi niya kaya hinampas ko ulit ang braso niya. Take note ah, yung hampas ko sakanya ay malakas at hindi hampas na parang lumalandi lang. "Aray! Ang bigat ng kamay mo, Santina. Parang mapuputol na braso ko." Pagrereklamo ni Jer.

"Lumabas kana kasi!!!"

"Easy easy! Your things are quite heavy. Mahihirapan kang umakyat kung dadalhin mo ang mga toh mag-isa." Pagpapaliwanag niya saakin. Kaya ko naman buhatin ang mga gamit ko pero talagang mabigat ang mga yun. Kaya may punto rin siya. Pero kahit na! Bawal parin siya dito.

Nakasimangot nalang akong sumusunod sakanya habang bitbit niya ang mga gamit ko. Wala na akong pag-asang mapalayas siya. Malapit na kami sa dorm ko eh.

"Ito ba ang kwarto mo? F5RVIII, tama?" Tanong niya sabay hinto sa tapat ng kwarto ko. Tumango nalang ako.

Gagamitin ko na sana ang susi ko para buksan ang pinto ngunit hindi naman pala ito naka-lock. Kumunot ang aking noo. Hindi ba ito ni-lock nong magandang babae nung nahuli siyang umalis? O nandito ngayon yung magandang babae at naunahan ako?

"Look who's here? Bilib ako sa tapang mo ah! I thought na you're not coming ulit here kasi scared ka na."

Nasagot ang mga tanong ko noong bumungad sa pinto ang magandang babae na mayroong nakakainis na tingin. Nakakabwiset yung bagong language niya ngayon, much better pa yung noon na puro English. Payag pa akong magsunggo araw-araw kaysa marinig yang mixed language niya.

GAYxGIRL storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon