<Santina's POV>
"We're here."
After hours of travelling, Chelsey finally stopped. Bumusina siya ng dalawang beses sa harap ng isang higanteng gate. Narinig ko naman ang mga yapak na nagmamadaling pumunta sa gate at dali-daling binuksan ito.
Lumikha ng ingay ang pag-bukas ng dalawang katulong sa gate habang dahan-dahan kong natatanaw ang loob. Nang tuluyan ng mabuksan ang gate ay saka ko lang din nasilayan ang isang nakakamanghang mansyon.
Umawang ang aking bibig. "Ang ganda!!!" Bulalas ko.
Hindi ko man lang namalayang nakapasok na pala sa loob ang aming sinasakyan at tapos ng mag-park. Unang bumaba si Chelsey at agad na binuksan ang pinto ng kotse na nasa aking tabi.
"Let's go inside." Inilahad ni Chelsey ang kanyang kamay kaya malugod ko rin itong tinanggap.
Naglakad kami patungo sa magarbong main door ng mansyon. Nalulula ako sa laki at lawak ng lugar, sa labas o loob man. Moderno ang pagkakagawa sa bawat sulok at nagsusumigaw ang lahat ng kagamitan sa karangyaan.
"Magandang umaga! Maligayang pagbabalik, Binibining Guerrero." Isang babaeng may katandaan ang bumati kay Chelsey pagkapasok namin sa loob ng mansion.
"Binibini? Feel na feel pala talaga ni Chelsey ang pagiging gerlalu kuno dito."
Yumakap si Chelsey sa matandang babae. "Nice to see you again, Manang Dona. May kasama po ako." Chelsey greeted her back. Humiwalay siya sa yakapan nila at inilahad ako. "This is Santina." He introduced me. "Santina, this is Manang Dona, our mayor doma. She's the head of all maids here." Chelsey introduced the aged woman.
Manang Dona politely bowed her head. "Magandang umaga, Magandang binibini." She said in a soft voice. "Salamat saiyong pagpunta rito at pagsama sa aking alagang si Charley."
Nahiya ako dahil sa pagtawag saakin ni Manang Dona ng 'Magandang binibini'. Hindi naman bagay. Malabo na siguro mata ni Manang.
"Magandang umaga rin po sainyo, Manang Dona." Nagmano ako sa matanda. "Maliit na bagay lang naman po ang ginawa ko. Hindi niyo na po kailangang magpasalamat." Naiilang ko pang sabi. Nanatiling nakangiti lamang ang matandang babae habang pinagmamasdan kami ni Chelsey.
"Please, excuse us, Manang Dona. Me and Santina have to do some things." Nagpaalam si Chelsey bago niya ako hinila patungo sa kung saan.
Nahihiyang ngumiti na lang ako sa matandang naiwan. Sinuklian naman ako ni Manang Dona ng isang makahulugang nguniti at bahagyang tumango.
***
"Sigurado kang magluluto ka para sa'kin??? Ano naman ang lulutuin mo??? Siguraduhing mo lang na edible yan at walang gayuma dahil kung hindi.....kakapunin kita."
Hindi ako mapakali habang nakatingin kay Chelsey na naghahanda ng kanyang mga ingredients. Nandito kami ngayon sa kusina dahil magluluto daw siya para sa'kin. Since, hindi pa ako naka-kain ng breakfast.
"Don't worry. Marunong ako magluto pero hindi nga lang magaling." Natatawang sabi niya. "But what's the meaning of 'kakapunin'??? I never heard about that before kahit na nagta-Tagalog naman ako."
"Tatanggalan kita ng itlog." Diretsahang sagot ko.
"WHAT?!!!" He exaggeratedly said. "Do you mean my testicles??? How am I suppose to live without it???" He curiously asked.
BINABASA MO ANG
GAYxGIRL stories
RandomIs it possible for a GAY to fell in love with a GIRL? Do you believe in the saying "LOVE has no GENDER."? If you didn't... I suggest you to read this GAYxGIRL stories.💕 1: Gay Pageant (Completed✔) 2: Ako'y Isang Sirena (Completed✔) 3: Gay's Worst N...