<Santina's POV>
Tok... Tok... Tok...
Naantala ang aking pagkain ng agahan dahil sa katok na narinig. Tumayo ako at umalis sa kusina para buksan ang pinto. Masyado pang maaga ngunit mayroon na agad kaming bisita ni Chelsey. Wala naman akong ideya kung ano ang dahilan.
"Pasensya na kung naabala kita, hija." Bumungad saakin ang caretaker ng girl's dorm.
Ngumiti ako. "Magandang umaga po, Madam."
Kapansin-pansin ang seryosong aura na nakapalibot kay Madam. Hindi rin niya sinuklian ang ngiting aking ibinigay bagkus ay isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. "Nandito ba ang dormmate mong si Chelsey?"
Tumango ako. "Opo. Nasa kanyang kwarto pa po siya. Gusto niyo bang tawagin ko?"
Tumango lang si Madam.
"Pasok po muna kayo dito sa loob. Tatawagin ko lang po saglit si Bakl--...este Chelsey." Gusto kong tampalin ang aking sarili dahil sa muntikan kong mabunyag ang lihim. Tumaas naman ang isang kilay ni Madam sapagkat mukhang nahalata niya ang aking sinabi.
Dali-dali akong nagtungo sa pinto ng kwarto ni Chelsey at kumatok ng paulit-ulit. Mabuti na lang bumukas ito agad at lumabas ang naiinis na mukha ni Chelsey.
Nakahinga ako ng maluwag dahil naka-ayos na si Bakla. Nag-back to normal ang pananamit ni Chelsey ngayong araw, bihis pambabae.
"Hinahanap ka ni Madam caretaker. Hinihintay ka niya sa living room." Pabulong kong sabi.
Kumunot ang kanyang noo. "Anong kailangan niya?"
Nagkibit-balikat lang ako.
"Good morning, Madam. Darling told me na your finding me daw po." Chelsey greeted. Maarte ang kanyang pananalita at galaw sa harap ng ginang.
Ngumiti ng tipid si Madam. "Chelsey, Santina.....pinapatawag kayo sa Dean's office."
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Sumulyap ako sa direksyon ni Chelsey. Nakita ko ang pagkawala ng kulay sa kanyang mukha, namutla siya.
***
Mas naging malala ang kabang nararamdaman namin ni Chelsey ngayong nasa harapan na namin ang Dean at seryosong-seryoso ang tingin sa aming dalawa.
He sighed. "My dear students, I don't mean harm. So please, don't be too nervous." Chelsey and I nodded. "You already knew about our university's rules and regulations. Am I right?" He firmly said.
"Y-Yes, dean."
"Opo, dean."Dean intertwined his hands on the table while looking intently at us. "I received a report this morning. Tungkol 'yon sa isang babaeng estudyante ng unibersidad na ito na nakatira sa girl's dormitory at nagpapasok ng lalaki roon. Hindi pa doon nagtatapos ang aking natuklasan. Sa dorm nong babae rin natulog ang lalaki at hanggang ngayon ay hindi pa nakitang lumabas." Dean stared at Chelsey. "That information frustrates me."
Nakita ko ang paglunok ni Chelsey. Namumuo na rin ang mga pawis sa kanyang noo.
"Santina..." Pagbigkas ni Dean sa pangalan ko. "Ikaw ang tinutukoy kong babaeng estudyante."
Napayuko ako at kinagat ang aking labi.
"At Chelsey..." Isang mapanuring titig ang ibinigay ni Dean kay Chelsey. "Pinaghihinalaan kita. Ikaw ba ay tunay na babae o hindi?"

BINABASA MO ANG
GAYxGIRL stories
RandomIs it possible for a GAY to fell in love with a GIRL? Do you believe in the saying "LOVE has no GENDER."? If you didn't... I suggest you to read this GAYxGIRL stories.💕 1: Gay Pageant (Completed✔) 2: Ako'y Isang Sirena (Completed✔) 3: Gay's Worst N...