AIS-Part 9

376 22 7
                                        

<Reign's POV>

"Drive safely, River. Thank you for the ride." I said. River drive me and Oceano home after our class.

"You're always welcome, my love." He gave me a peck on my lips before he get inside his car. "Goodbye!" I waved back.

Naka-ngiti kong sinundan ng tingin ang papalayong kotse ni River. Noong hindi ko na ito matanaw ay nauna na akong maglakad papasok sa loob ng bahay. Akala ko ay nakasunod lang saakin si Oceano kaya niyaya ko siyang sumunod. "Pumasok na tayo, Oceano."

Pero wala akong narinig na yapak kaya hinarap ko siya. Nagulat ako dahil wala na pala sa likuran ko si Oceano. Nauna na siguro siyang pumasok sa loob kanina pa. Hindi ko man lang napansin. Tsk!

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay dumiretso lang ako sa kwarto. Naabutan ko si Oceano na nagpapalit ng damit. Hindi niya napansin ang presensiya ko. Siguro dahil malalim ang iniisip niya. Nakakunot kasi ang kaniyang noo. Binalewala ko nalang siya at dumeretso sa banyo para doon magpalit ng damit pambahay.

When I'm done, my forehead creased after I get out the bathroom. Oceano is arranging his clothes. "What are you doing?"

"Inaayos ko lang ang aking mga damit." He said without glancing at me.

"Bakit?" I walk closer and sat on the bed. I guess his done, he sit beside me but not too close. He leave a one ruler space between us. Which is unusual, actually. But nevermind.

"Pwede ba akong lumipat diyan sa kabilang kwarto?" He asked. I'm surprised. Why his so sudden?

"Y-yes, pwede naman. Pero b-bakit ka lilipat?"

"Hmmm.....k-kasi.....wala lang hehehe. Mas gusto ko lang." Naiilang niyang sagot sabay kamot sa kanyang batok. Nagsalubong lalo ang mga kilay ko. Napakagat-labi naman siya at tumikhim. "S-sa tingin ko kasi kailangan mo na ng privacy. Parang ano kasi eh.....hmmm.....n-nawawalan kana non d-dahil s-sa'kin." Namula ang kanyang mga pisngi at tumitig siya sa sahig.

"Sanay na akong mag-isa, Oceano."

"Pero kailangan mo parin ng oras para mapag-isa. Nahihiya na kasi ako sayo. Puro nalang ako ang iniintindi mo sa mga nakaraang araw. Siguro oras na para humiwalay na ako sayo ng konti." Lumunok muna siya bago magpatuloy muli. "Si River nalang ang atupagin mo kaysa sa'kin. May relasyon na kayo kaya maaaring magselos pa siya sa'tin." Malumanay niyang sabi.

"Wala pa kaming relasyon, Oceano."

"Wala 'pa' pero 'malapit na'." Pagdi-diin niya. "Kailangan ko nang umiwas para hindi ako maging dahilan ng pagtatalo niyo." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "Naiintindihan ko si River. Kung mayroon rin akong babaeng iibigin at mayroong ibang lalakeng lalapit o umaaligid sakanya, syempre magseselos rin ako. Baka ilunod ko pa sa dagat ang lokong 'yon." Pabirong sabi niya kaya natawa ako ng bahagya.

"Sige. Diyan ka sa katabing kwarto para malapit kalang sa'kin." Tinuro ko ang direksyon ng kabilang kwarto. Tumango naman siya at sinimulang hakutin ang kanyang mga damit papunta sa kabilang kwarto.

Sumunod naman ako sa kanya upang mapag-buksan siya ng pinto dahil pareho niyang gamit ang mga kamay niya. Pagpasok namin sa loob ng kwarto ay maayos naman ito, walang alikabok o amag. Guest room lang ang kwartong ito kaya di hamak na mas maliit ito kaysa sa kwarto ko. Inilapag ni Oceano ang kanyang mga damit sa kama at sinimulang ipasok at ayusin ang mga ito sa cabinet at drawers. Habang tinititigan ko siya ay napa-ngiti ako.

GAYxGIRL storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon