<Santina's POV>
ANNOUNCEMENT
All classes are suspended due to the heavy rainfall. Students are preferred to stay inside their respective dorms. Wait for announcements about the return of classes. Be safe and take care, everyone.
Umalingaw-ngaw ang announcement sa bawat sulok ng dormitoryo, nagkalat kasi ang mga speaker rito. Maagang nag-paging ang isang official ng eskwelahan upang magbigay alam sa mga estudyante.
Napatingin tuloy ako sa bintana ng aking kwarto. Malakas nga talaga ang buhos ng ulan. Wala sa sariling napa-ngiti tuloy ako. I love rainy weather, it's soothing and I feel relax.
Kanina pa ako natapos maligo at mag-almusal kaya magpapalit na sana ako ng damit pero narinig ko ang announcement na walang pasok kaya hindi ko nalang itinuloy. Pabagsak akong humiga sa kama at nagpagulong-gulong. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag umuulan at nakahiga ka lang.
Habang naka-tingala ako sa itaas, naalala ko bigla ang project na ibinigay sa amin. Una kong naisip na interbyuhin sana ay si Jer kasi successful siya sa larangan ng basketball dito sa university eh kaso nga lang 'you know'. Nagka-issue na ang pangalan niya sa vocabulary ko. So, hanap nalang ako ng ibang much better for my project. Hay!
Bumangon ako sa aking pagkakahiga at lumabas na lang ng kwarto para gumawa ng hot chocolate na perfect ngayon kasi umuulan. Naabutan ko sa kusina ang bakla. Umiinom siya ng macchiato at kumakain ng toasted bread with cheesy spread. Ang susyal niya tingnan sa suot niyang off-shoulder na crop-top at high-waist na cotton shorts habang na ka dekwatrong pambabae. Samantalang nagmumukha akong losyang na ina sa suot kong oversized T-shirt at maluwag na pajama.
Dumapo ang kanyang tinggin sa akin kasabay ng pagtaas ng isa niyang kilay. "What are you looking at???" Mataray niyang sabi. Agad na lang akong umiling-iling para ipahiwatig na 'wala'. Inirapan niya muna ako bago niya ibaling sa iba ang kanyang atensyon.
Dumiretso ako sa loob ng kusina at gumawa ng hot chocolate para sa aking sarili. Pagkatapos, umupo ako sa harapan mismo ni Chelsey at doon ninamnam ang mainit na chocolate.
Dahan-dahan akong humigop sa tasa at napapikit noong matikman ko ang lasa ng chocolate. Parang dumadaloy sa buong katawan ko ang init na dulot nito. Bagay na bagay sa malamig na panahon.
"Ang sarap talaga!"
"Hoy! Wala ka sa TV advertisement. Umayos ka nga." Nahinto ang paglasap ko sa sarap ng chocolate dahil sa pagsaway sa'kin ni Chelsey. Naka-ngiwi ang kanyang mga labi at nakakunot ang kanyang mga kilay habang pinagmamasdan ako.
Dinilaan ko muna ang aking labi bago sumagot. "Sobrang sarap lang kasi nito kaya nilalasap ko ng mabuti. Hindi ko maiwasang mapapikit sa tuwing malalasahan ng dila ko ang tamis. Paminsan pa nga ay kusang gagalaw ang katawan ko para sumayaw dahil sa sarap. Wala namang masama don eh. Hindi naman lahat ng nasasarapan ay sa TV advertisement lang nakikita. Ikaw? Kapag nasasarapan ka, anong ginagawa mo?"
Nagulat ako bigla dahil naibuga ni Chelsey ang laman ng kanyang bibig. Mabuti na lang ay sa ibang direksyon siya nakaharap kaya hindi niya ako nabugahan. Pinunasan niya ang kanyang labi bago tumingin ng masama sa'kin.
"May mali ba sa sinabi ko?"
Kumunot ang aking noo dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang naging reaksyon niya. Pinukol ko rin siya ng isang nagtatakang tinggin.

BINABASA MO ANG
GAYxGIRL stories
De TodoIs it possible for a GAY to fell in love with a GIRL? Do you believe in the saying "LOVE has no GENDER."? If you didn't... I suggest you to read this GAYxGIRL stories.💕 1: Gay Pageant (Completed✔) 2: Ako'y Isang Sirena (Completed✔) 3: Gay's Worst N...