<Thea's POV>
"Bhieee!!!," malakas na tili ni Trish habang tumatakbo papalapit sa'kin. Mabilis akong napalingon sa kanya.
"Oh, bakit?," nagtatakang tanong ko.
Nasa garden ako ng University namin, nagbabasa ng pocket book. Wala sana akong pakialam kung ano ang dahilan ng pagtawag ni Trish sa'kin dahil exciting part na ang binabasa ko. Kaso, ikinabigla ko ang sunod niyang sinabi.
"Pumunta sa room natin kanina si Raphael, hinahanap ka!!!"
"Ano sinabi?"
Lumapit siya sa tainga ko at bumulong. "Magkita raw kayo mamayang uwian. Hihintayin ka niya sa gate 3."
●●●
Alas-5 na ng hapon, kabado ako habang palabas ng Gate 3. Palingon-lingon ako kung saan-saan. Sinusubukan kong hanapin si Raphael kung talaga bang nandito siya.
"Ehem!"
Nilingon ko ang tumikhim sa aking likuran.
"Follow me." Boses ni Raphael.
Sumunod na lang ako agad sa kanya. Pumunta kami sa parking lot at huminto sa tapat ng kotse niya.
Binuksan niya ang pinto ng passenger seat sa harap ko. "Get in."
Lumunok muna ako bago sumakay sa loob ng kotse. Agad naman niyang isinara ang pinto at nagtungo sa kabilang pinto upang sumakay sa driver's seat.
"Saan tayo pupunta?" Kinakabahang tanong ko.
Inirapan niya lang ako sabay sabing, "Huwag ka ng magtanong. 'Di naman kita rirape-in, umasa ka na lang."
"Nagtatanong lang naman," nakasimangot kong sabi sabay paglipat ng atensyon sa labas ng bintana.
Sinimulan niya ang pagmamaneho at wala kaming imik pareho habang nasa byahe.
Saan naman kaya ako dadalhin ni Raffy?
Huminto kami sa harap ng isang higanteng bahay.
"Your going to meet my parents."
Mabilis pa sa kidlat ang pagharap ko kay Raphael. "Anong sinabi mo? Pakiulit nga. Parang mali ata ang narinig ko."
"Nevermind." Tumikhim siya bago nagsalita muli. "Malalaman mo mamaya kung bakit kita dinala rito. But for now, just pretend that you are my girlfriend."
Ano raw?
"Don't look at me like that. I know that you like me. You're the one who keeps on putting love letters in my locker, am I right?" He accusingly said.
"Y-Yes, you're right. But...,"
Hinawakan niya ang kamay ko. "Please. I just need help."
Naging maamo ang kanyang mga mata, sanhi ito para matunaw ang pag-aalinlangan ko.
"Okay, I'll help you."

BINABASA MO ANG
GAYxGIRL stories
CasualeIs it possible for a GAY to fell in love with a GIRL? Do you believe in the saying "LOVE has no GENDER."? If you didn't... I suggest you to read this GAYxGIRL stories.💕 1: Gay Pageant (Completed✔) 2: Ako'y Isang Sirena (Completed✔) 3: Gay's Worst N...