Gay in Girls' Dormitory (Start)

815 24 6
                                    

"OHMYGOD!!! JEREMIAH!!! ANG GWAPO MO!!!"

"WOAH!!! ANG GALING GALING MO TALAGA!!!"

"ILOVEYOU!!! AAHHHHHH!!!"

Nakakabingi ang ingay na galing sa gymnasium ng Maharlika University. Ang ingay ay hindi galing sa lahat ng mga manonood ng nagaganap na basketball kundi sa isang baklang ubod ng lakas kung tumili at mag-cheer. Wala nang balak pang makipag-sabayan ang ibang manonood sa kanya dahil lahat sila halos basag na ang eardrums. Baka mawasak na ang tainga nila kung sasabayan pa nila ang bakla sa pagsigaw.

Paano ba naman kasi eh, ang tunay na boses ng bakla ay kasinglalim ng karagatan pero pilit niyang iniipit para magtunog babae kunware.

Dahil parating uma-attend ng basketball competition ang bakla, kilalang-kilala na siya ng karamihan at bukod dito, hinahangaan rin kasi siya sa taglay niyang kagwapuhan. Kahit na maliwanag pa sa sikat ng araw ang kabaklaan niya, hindi pa rin mapigilan ng mga babae na hangaan si Charley Keen Guerrero. Kaso nga lang, likas na maldita ang baklang ito kaya luhaan silang lahat.

Wala naman kasing ibang gusto si Charley kundi ang pinakagwapong basketball player ng university nila, si Jeremiah Raves aka 'Jer'. Baliw na baliw ang baklang si Charley kay Jer since elementary.

Matangkad naman si Charley ngunit mas matangkad si Jer. Kumikislap ang mga pawis sa kanyang morenong balat sa tuwing maglalaro siya ng basketball kaya nadadagdagan ang charisma niya. Saksakan rin sa pagiging macho si Jer, may siksik na 6 pack abs, malapad at matigas na dibdib, nakamamatay na biceps, at maugat na braso na talagang pinaglalawayan ng baklang si Charley. Idagdag pa ang nakaka-akit na Western features ng kanyang mukha at pagiging likas na maginoo sa mga kababaihan. Sino ba naman ang hindi mababaliw dyan???

Si Jer ang pinaka-pinapangarap ni Charley. Obvious na diba? Pero.....ang ating baklang bida ay walang pag-asa.

Hindi pumapatol sa kapwa may lawit si Jer at tanging sa mga babae lamang nagkakagusto. In short, straight ang lalaking gusto ni Charley. Pero sabi nga ng iba “Kapag gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan.”

Desperada na si bakla. Naisip niyang mag-kunwareng babae para mapansin siya ni Jer. Naka-plano na siya at gagawin niya ito ngayong taon dahil magpapasukan na ulit sila. Disididong-disidido na si bakla sa pagkukunware niyang maging babae ngayong school year at siguradong-sigurado siyang mapapansin siya agad ni Jer. Siya daw kasi ang pinaka-magandang diyosa sa balat ng lupa. Hehehe.

***

"TARANTADO KA!!! NAMBABAE KA NA NAMAN!!!"

"PURO KA NA LANG BISYO BISYO BISYO!!!"

"HINDI KA NA NGA NAKAKATULONG DITO SA BAHAY, NAGDADALA KA PA NG SAKIT NG ULO!!! TANGINA!!!"

Umaalingawngaw ang malakas at galit na sigaw ng ina ni Darling Santina Ybarra sa munting bahay nila. Inaaway na naman nito ang kanyang ama na kakauwi palang at lasing na naman ngayong umaga, hindi kasi ito umuwi kagabi. Hindi naman sumisigaw pabalik ang kanyang ama ngunit pasuray-suray itong lalakad patungo ng kwarto at pabagsak na hihiga sa kama para matulog habang malakas na humihilik. Mas lalo lang puputok sa galit ang kanyang ina dahil sa parang wala lang sa kanyang ama ang mga sinasabi nito.

Naaawa si Santina sa kanyang dalawang nakababatang kapatid. Musmos pa lamang ang mga ito at walang ka alam-alam sa mga nangyayari. Nakikita niyang natatakot ang mga ito at parang naiiyak na habang tinitingnan ang kanilang galit na galit na ina.

Kinausap niya ang kanyang mga kapatid at sinabihang maglaro muna sa labas ng bahay kasama ng kanilang mga kaibigan. Natuwa naman agad ang mga bata at masayang lumabas ng bahay para maglaro.

Nilapitan niya ang kanyang ina na umiiyak na habang nakatingin sa asawang mahimbing nang natutulog. Binigyan niya ito ng tubig at pinakalma.

Mabigat ang pasanin ni Santina sa kaniyang pamilya. Marami siyang nais abutin para sa kanila. Nangangarap siyang makapagtapos ng kolehiyo sa isang magandang unibersidad. At pagkatapos ay tutuparin niya ang pangarap na magtrabaho bilang teacher sa high school.

Malapit na ang gaganaping entrance exam sa Maharlika University, isa sa mga unibersidad na pangarap niyang pasukan. Gusto niyang mag-take ng exam doon para subukan kung makakapasok ba siya sa unibersidad. Nag-take na siya ng exam sa ibang college at naghihintay ng resulta. Nagbabakasakali siya sa lahat ng paaralang pangarap niya para naman kung hindi siya papalaring maka-pasa sa isa ay may iba pa siyang pagpipilian at kung papalaring maka-pasa siya sa lahat, pipili nalang siya kung saang university siya maga-apply ng scholarship at mag-aaral doon.

Walang siyang ibang nais kundi tuparin ang kanyang mga pangarap. Hindi niya hahayaan ang kahit na anong hadlang na mapigilan siya sa pag-abot ng kanyang pangarap. Kung ano man ang mangyari sa hinaharap, mabuti man o masama, handa siyang harapin ang mga ito. Dahil naniniwala siya sa kasabihang “Kapag may tiyaga, may nilaga.”

GAYxGIRL storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon