WLGP-Part 9

322 15 5
                                    

Raphael's POV

It was almost 4 pm when I arrived at the hospital. I was happy. So happy. That I rush towards the very first nurse I saw to ask where's the room of the patient named Theazalyn Almuena. It feels ages when they search for it.

Pakiramdam ko sobrang bilis ng oras at pilit ko itong hinahabol habang tinatakbo ko ang kinaroroonan ng silid ni Thea. Isang VIP room ito para sa mga na-confine na pasyente. Hindi ko alam kung nanganak na siya o hindi pa, pero gustong-gusto ko na siyang makita. Gusto ko siyang tanungin kung ilang buwan na siyang buntis, kung babae ba o lalaki ang anak namin o baka naman both, kung maselan ba siya, ano ang pinaglilihian niya, at marami pang iba.

I was so excited to know everything.

Naiiyak pa ako sa sobrang kaba nang matanaw ko na ang pinto. Mayroong lalaking nakasandal sa pader na malapit sa pintong iyon na aking namukhaan habang ako ay papalapit.

Ang isa sa mga pinaka-ayaw kong tao sa mundo. Ang pinsan kong si Owen.

"Anong ginagawa mo rit-..."

Hindi ko pa tapos ang pagtatanong sa kanya nang bigla na lamang niya akong sinuntok sa mukha. Dahil sa hindi ko inaasahan ang pagsugod niya, agad akong natumba sa lakas nito. Pinunasan ko ang gilid ng aking labi gamit ang likod ng aking kamay bago tumayo. Kaso hindi pa nga ako tuluyang nakatayo ng maayos nang sinuntok na naman ako ni Owen.

"Gago ka ba?!", galit kong sabi sa kanya habang iniinda ang pananakit ng aking panga. Pinilit kong tumayo muli at hinanda ang sarili kung may susunod pa siyang suntok na ibibigay.

"Ako, hindi. Pero ikaw, oo!", nagngi-ngitngit na sagot ni Owen.

Kumunot ang aking noo dahil sa pagtataka kung saan nanggagaling ang galit niya. Pero wala akong oras para makipag-away ngayon.

"Kung gago ako, ano ang tawag sayo? Ikaw nga 'tong mahilig magkama ng mga babae kahit hindi mo naman kilala," pabalang kong sagot.

Akmang papasok na ako sa loob nang hinila ni Owen ang aking kwelyo paharap muli sa kanya. Hindi ko na napigilan ang pagsipa sa aking pinsan dahil sa inis. Nadumihan ang kanyang puting polo dahil sa aking ginawa. Binalewala niya lamang ito at kwenelyohan muli ako.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mong tarantado ka, huh? Inaano ba kita?!", pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin pero mas hinigpitan niya pa ito.

"Ikaw? Ano sa tingin mo 'yang ginagawa mo? Napakawalang-hiya mo na masyado para pumunta pa rito," itinulak niya ako ng malakas sa pader.

Ramdam ko ang pagsakit ng aking likod dulot ang pagtama nito sa pader. Gustong-gusto ko na siyang patulan pero pinigilan ko ang sarili na gumanti pabalik.

"Katatapos lang manganak ni Thea, nagpapahinga na siya at hindi kita hahayaang pumasok sa silid na yan para lang guluhin siya. Sobra-sobra na ang naidulot mo sa kanya. Bakit kailangan mo pa siyang puntahan dito? Balak mo na naman bang saktan si Thea, paasahin, lokohin, huh? Hindi ka pa ba kontento? Maawa ka naman sa babaeng nagmamahal sayo! Kung wala kang nararamdaman para sa kanya, pakiusap naman, huwag mo na siyang paglaruan!"

Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot, "Bakit naman hindi ako pupunta rito? Ako ang ama ng anak namin. Huwag mo akong pagsasabihan ng ganyan kung wala ka namang alam sa kung anong relasyon ang meron kami ni Thea. Kahit kailan hindi ko siya pinaglaruan. Pinaliwanag ko lahat sa kanya ang gusto kong mangyari at lahat ng mga posibleng mangyari sa'min. Nagkasundo kami at kahit kailan hindi ko siya intensyong saktan!" Tinulak ko siya palayo. "Hindi ako katulad mong pinaglalaruan lang ang mga babae."

Tumindig ako at nilabanan ang kanyang galit na mga mata. "Umalis ka sa harap ko dahil alam kong hinahanap niya ako. Hinihintay niya ako. At mahal niya ako."

GAYxGIRL storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon