GP-Part 2

835 27 4
                                    

<Danniela's POV>

Ngayon na ang araw ng pageant. Mamayang gabi pa daw gaganapin dahil sa umaga mag-aayos. Nagtataka ba kayo kung bakit chill lang ako? Hehe. Sakatunayan, kinakabahan talaga ako. Hindi dahil sa pageant. Kinakabahan ako dahil sa mga susuotin ko. Especially the swimsuit.

Sa 22 na taon kung paninirahan dito sa Earth. NEVER PA AKONG NAKASUOT NG SWIMSUIT. Ikaw? Relate ka din ba? Huhuhu! Yawa!

Noong naligo ako kaninang umaga, kinuskus ko talaga ng maigi itong katawan ko. Tiningnan ko kung may mga libag pa. Mabuti nalang isa ako sa mga taong biniyayaan ng maputing kili-kili at singit kasi siguro hindi ako biniyayaan ng maputing kutis eh. Quits lang!

Alas-5 ng umaga ako pumunta ng Salon kanina para sukatin yung mga damit kung okay na. Tapos naka-uwi ako ng alas-10 ng umaga na. Alam niyo kung bakit? Malamang hindi. Dahil lang naman sa mga baklang candidates na nagaagawan kay Red. Hindi lang pala si Rosa ang maharot na bakla, ang kailangan kung pakisamahan.

Mabuti nalang mayroon rin akong baklang naging kaibigan. Si Jan pero Jane sa gabi. Maharot rin siya at clingy pero di katulad ng iba, mabait siya sa akin. And..............POGI. HEHEHE!

Oo, na! OO NA. Babae lang ako guys. Kinikilig/humahanga rin. HAHAHAHAHA! Crush ko na ata siya eh. Crush lang naman.

By the way. Kailangan ko ng bumalik sa Salon para makapag-handa na at maayusan.

"Dann! Ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo. Kailangan ko ng umalis." Pagtawag ko kay Dann.

"Opo, Ate. Galingan niyo po." Sagot ni Dan.

Lumapit naman saakin si Dona at nagbigay ng papel. "Sabi po ni Ate Dayanna, mga introduction at kasabihan daw po yan." Sabi niya.

"Ate! Lampasuhin mo yung mga bakla. Alam kong matatalo mo sila." Bulong naman ng bunso.

"Di sure si Ate kung mananalo siya. Pero! Pag-uwi ni Ate sure na may pasalubong siya! Mukhang mahihirapan kasi akong manalo kasi magaganda yung mga kalaban." Sagot ko sa kanilang lahat.

"Yehey!"
"Fighting"
"Mas maganda ka sa kanilang lahat, Ate!"
"Kaya mo yan, Ate"

Nakangiti akong lumabas ng bahay. Alam ng mga kapatid ko na Gay pageant ang sinalihan ko at naiintindihan nila. Natatawa nga sila kasi napagkamalan akong bakla.

***

Tapos na akong ayusan. Nakasuot lang muna kami ng mga casual outfits kasi opening palang. Magpapakilala palang kaya simple na muna.

Nakasuot ako ng plain white fitted off-shoulder and skinny black jeans na talagang pinakita kung gaano ako ka long-legged at maroon stiletto. Nire-bond din nila ang maikli kong buhok. Dark make-up ang nilagay saakin. Dark red lipstick, dark black mascara, eyeliner, eyebrow pencil, and etc.

GAYxGIRL storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon