WLGP-Part 7

495 26 14
                                        

<Thea's POV>

I remembered the first time Raphael and I had sex. It's sinfully pleasurable, wrong yet feels so right, really something. Something that I can't control that leads us to what we are right now.

After that, Raphael's parents suddenly appeared and announced that Raphael and I should get married.

They know what happened between me and their only son that night. The CCTV in Raphael's room is the reason. In the footage, it's obvious that it was me and Raffy even it's quite a bit blur.

Nagpapasalamat ako sa Diyos na low quality and camera, dahil kung hindi, buong buhay kong dadalhin ang kahihiyan.

Ayaw man ng kanilang anak, wala pa rin kaming nagawa. Gusto ko man na mapasaakin si Raffy, ayaw ko rin namang mapilitan siyang gawin ang bagay na hindi niya ikasasaya. Ngunit sa isang kisap-mata lang, I became Mrs. Pinafiel.

Sobrang bilis. Napaka bilis.

Kung gaano siya kabilis naging akin, doble nun ang bilis nang paghihiwalay namin.

Di ko man lang namalayan. Sinampal pa sa'kin ang katotohanan. Kasal man kami at ako ang asawa, hindi pa rin ako ang pipiliin niya sa huli.

Tahimik kong pinagmamasdan ang dalawang lalaking natutulog ng magkatabi sa kamang kulay puti. Parehong walang saplot at natatakpan lang ng kumot. Sa isa't isa'y mahigpit silang nakayakap habang ang aking mga luha sa mata'y patuloy na pumapatak.

Ang pinaka huling tagpo namin ni Raffy bago namin napagdesisyunan na mag-file ng annulment.

Hindi man lang niya hinintay na maghiwalay kami bago nila gawin ang bagay na yun. I felt disrespected.

Naramdaman ko na lang ang isang kamay na humaplos sa aking pisngi. "You're crying again."

Nilingon ko ang boses ng lalaking nagpunas ng aking luha. Owen Pinafiel. Raphael's third cousin. He was the guy na nagpa-massage sa spa ko at biglang nanghalik.

Ngumiti siya, "Crying is not good for your baby's health kaya tahan na." I let him embrace me. "Malapit ka ng manganak. Kabuwanan mo na ngayon, tama?" He asked why gently caressing my baby bump. I just nod.

Pitong buwan na nang maghiwalay kami ni Raphael at nang nalaman ko na dinadala ko na ang kanyang "mga" anak.

Flashback

Ang malas ko naman. Naghiwalay na nga kami ng asawa ko tapos ngayon umuulan pa ng malakas at wala akong payong.

Wala akong masisilungan kaya basang-basa na ang aking buong katawan. Nanginginig na ako sa lamig. Naghalo na rin ang luha, sipon, at tubig-ulan sa aking mukha.

Awang-awa ako sa sarili ko.

Naabutan ko ang tanawing magpapadurog sa'kin ng husto. Nang hindi nagpapaliwanag at humihingi ng paumanhin, pinapirma agad saakin ni Raffy ang annulment paper nang siya'y magising at nakita ako. Hindi na rin ako nagdalawang-isip pa. Inaasahan ko na ito noon pa at ano pa bang aasahan ko. Wala ng pag-asa. Hanggang dito na lang kami.

Nilisan ko ang bahay namin na ang tanging dala ay ang durog na puso at sama ng loob. Kaya ngayon naglalakad lamang ako sa kung saan man ako dalhin ng aking paa habang naghihinagpis.

GAYxGIRL storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon