AIS-Part 4

411 26 2
                                        

<Oceano's POV>

*/Kringgggg Kringgggg Kringgggg/*

"Ano ba 'yong maingay?!"

Napilitan akong bumangon sa pagkakahiga at idinilat ang aking mga mata. Natanaw ko sa bintana na hindi pa maliwanag ang kalangitan kaya ibig sabihin ay hindi pa sumisikat ang araw.

"Ang aga-aga pa pero may nagi-ingay na?!"

Hinanap ko agad ang maingay na tunog na iyon. Ngunit nakuha ni Reign ang atensyon ko. Mahimbing siyang natutulog sa kabilang bahagi ng kama, magkatabi kasi kaming natulog. Sabi niya kasi ay mas mababantayan niya ako kapag dito nalang ako sa kwarto niya kaysa sa ibang silid dito sa bahay nila. Pero kita mo nga naman siya ngayon.....hihilik-hilik pa at tumutulo ang laway habang natutulog.

"Nagbabantay ba siya sa lagay na yan???"

*/Kringgggg Kringgggg Kringgggg/*

Agad nalipat ang atensyon ko sa bagay na nakapatong malapit sa kama. Pabilog ito at mayroong mga numero, may tatlong linyang nakaturo sa mga numero pero ang isa lang ang gumagalaw.

*/Kringgggg Kringgggg Kringgggg/*

"Paano ba patahimikin ang bagay na ito?"

"Pindutin mo lang ito."

May kamay na biglang sumingit at pinindot ang isang bahagi ng maingay na bagay na ito. Agad naman itong tumigil sa pagi-ingay.

"It's called alarm clock." Boses ni Reign na mukhang inaantok pa. Tumango-tango naman ako.

"Its 4:30 am. We must prepare now. Our first class will start at 7:30 am." Sabi niya habang nililigpit ang hinigaan namin. "Here's your towel. You should take a bath before going to school." Hinagis niya sa akin ang isang malaking bimpo. Taka naman akong napatingin sakanya.

"Maliligo? Ako?" Tanong ko kay Reign habang nakaturo sa sarili ko.

"Oo. Bakit? Hindi ka ba naliligo?"

"Eh?"

"Hindi ka naliligo?!"

"Kailan pa naligo ang mga isda???" Nagtatakang tanong ko kay Reign. Nakanga-nga niya naman akong tinignan. Agad naman siyang nakabawi at tumikhim bago magsalita.

"So......you don't know how to take a bath?" Tanong niya. Dahan-dahan naman akong tumango.

"My goodness!!!" Nagulat ako sa sigaw niya.

"May problema ba???"

"Pwede naman sigurong hindi nalang ako maligo, diba?"

"No. You can't because your in human form already. Humans have proper hygiene everyday and taking a bath is a must."

"Ganon ba talaga yun ka-importante?"

"Yes."

"Edi.....turuan mo nalang ako, diba?" Sabi ko. Agad ko namang nakita ang pagka-ilang niya.

"S-sige." Mahinang sagot niya. Naglakad siya papunta sa isang pintuan dito sa kanyang silid at pumasok rito. "C-come here. This is called bathroom."

Pumasok rin ako sa loob. Kakaiba ang maliit na silid na ito. Marami akong nakikita na hindi ko pa alam at bago sa aking paningin.

"H-hubarin mo ang mga d-damit m-mo." Sinunod ko naman siya dahil marunong na akong magdamit at maghubad ng damit. "L-lumapit ka rito para maabot ka ng tubig." Nakita kong binuksan niya ang isang bagay at may bumuhos na tubig mula rito. Agad naman akong lumapit don. "Basain mong mabuti ang buong katawan mo." Itinapat ko ang katawan ko sa tubig na umaagos at binasa ang buong katawan ko.

GAYxGIRL storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon