Three.

528 18 0
                                        


Yuna's PoV

"I love you so much daddy! Thank you!" sabi ko at niyakap si daddy.

"Pasalamat ka sa mga tita at tita mo, they helped me to find that shoes"

"Yes daddy I'll dm them later sa instagram! Bye!" sabi ko at pumunta na sa kotse.

Ngumiti ako at inayos ang pagkakatali ng buhok ko at necktie ko.

Tinignan ko yung shopping bag na naglalaman ng Lorice V ni Catherine, grabe lalagyan palang luxurious na.Sinabi din ni tita na almost half million ang worth nito, hindi na rin ako guguluhin ni Catherine sa wakas.

"Gosh how did she get that?! In just a day?!" sabi ni Irene.

"It's almost a half million!" sabi naman ni Shane.

Hinablot ni Catherine sa kamay ko yung shopping bag at chineck ang loob nito bago ilabas, I saw amusement in her eyes as she saw a similar shoes of her.

"Nagpapasikat ka ba huh?" dahan dahang nawala ang ngiti ko at napakunot ang noo.

"What do you mean? Ginawa ko lang yung sinabi mo—"

"Mas mayaman ata sayo yang si Yuna e! At saka almost a week mong pinaghirapang kuhanin yan while si Yuna isang araw lang" sabi ng isa sa mga classmates ko.

"Wala ka pala Cath e! Akala ko ba ikaw pinakamaangas satin dito" sabi pa ng isa bago sila nagtawanan.

"Shut up! All of you!" sabi ni Catherine, nakayuko lang ako dahil sa nakakatakot nyang awra.

"Totoo naman e! You said you have everything and you can buy things we can't! Pero nabili ni Yuna yan at binigay pa sayo na parang tinatapon lang ang kalahating milyon" natahimik sila ng mag iba ang awra ni Catherine, binato nya yung sapatos sa muka ng nagsalita bago tumitig sakin.
"Humanda ka Yuna Lee" sabi nya bago umalis.

Natapos ang klase namin pero wala akong natutunan, iniisip ko yung sunod na gagawin ni Catherine, natatakot ako oo kasi kahit ano kaya nyang gawin.

"I heard na may nangyari na naman sa inyo ni Cath kanina" sabi ni Lauraine sabay lapag ng kung anong snack sa lamesa ko.

"No one can beat Catherine's evil attitude kaya sana maging okay ka" sabi nya sabay lakad palayo.

"Are you scaring me?!" pahabol ko pero nasa malayo na sya.

I need fresh air.

Lumabas na ako ng room at balak kong pumunta sa garden when someone pulled me at tinakpan ang bibig ko.

I was screaming! Pero dahil tinatakpan nya ang bibig ko gamit ang kamay nya ay walang lumalabas na letra.Kinakaladkad nya ako papunta sa kung saan.

Maya maya pa ay huminto sya at tinulak ako kaya halos mapahalik ako sa semento.

I noticed na nasa rooftop kami at may dalawang lalaki sa harap ko with Catherine who's holding the camera.

"A-Anong ginagawa mo?! Malalagot ka sa dean Catherine!" sabi ko at dahan dahang umatras pero agad na hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabila kong braso.

"Who will know Yuna? At isa pa my dad can handle it since kakilala nya ang may ari ng school" sabi nya at tinapat sakin ang camera.

"Don't worry it will be fast,kung di ka magmamatigas, hindi ka masasaktan" nagulat ako ng sirain ni Catherine ang butones ng polo na suot ko kaya kitang kita na ang sando ko na sobrang nipis.

"Catherine! Stop! P-please" I pleaded at nagsimula ng umiyak sa harap nya.

"Wala naman akong ginawa sayong masama, binayaran na nga kita— ahhh!!" napatigil ako ng sinampal nya ako ng buong pwersa, mas lalo akong naiyak.

"Yun na nga e! You ruined my reputation as the brightest star! Now I'll ruin you!" sabi nya nagsimula ng itaas ang damit ko pero gumalaw galaw ako at nagpumiglas para di nya yun magawa.

"Cath please!! M-Maawa ka sakin! Please!" humahagulgol na sabi ko pero..

Nandilim ang paningin ko at bumaliktad ang sikmura ko dahil sa pagsuntok sa akin nunt isang lalaki sa tyan.Nanginig ang mga tuhod ko at napaluhod ako sa sahig, hindi ako makakilos ng maayos at parang kahit anong oras ay matutumba na ako.

"Sinabi ko kasi sayo wag na magmatigas" sabi nya at hahawakan sana ako ng umiwas ako gamit ang natitira kong lakas kaya tumawa sya ng bahagya.

"P-Please.." sabi ko pero hinawakan nya ang buhok ko at hinila ito para mapatayo ako.

Naramdaman kong hinawakan ng isang lalaki ang laylayan ng damit ko pero wala na akong magawa.

"I hate disturbing my peace" natigil sila at napalingon sa nagsalita maski ako.

Nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa isang bench at nakadekwatro habang nakatingin ng masama sa amin.

"G-Genesis?" sabi ni Catherine at binitawan ang buhok ko kaya napabagsak ako sa sahig.

"Napaka ingay nyo, I don't care about your business but if you didn't get out of here papatalunin ko kayo pababa" sabi nito kaya dali daling umalis sila Catherine na parang takot na takot sa lalaking to.

Naiwan ako dito dahil sa hindi pa rin ako tuluyang makatayo at nanghihina ang mga tuhod.

Who is he? Bakit nya napaalis si Cath in an instant?

Nakita kong nakatitig lang sya sakin and I can't read he's emotions! Blanko ang nakikita ko mula sa kanya.

"Hindi ka aalis?" madiin nyang tanong.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at tatayo na sana pero napatumba ako ulit dahil sa hindi ko talaga kaya.

"I-I can't" sabi ko sa mahinang boses.

"Tsk" nakita kong tumayo sya kaya nakaramdam ako ng takot pero nagulat ako ng ihagis nya sakin yung suot nyang jacket bago ako iniwan don.

Tinignan ko lang sya hanggang sa makaalis na sya at pinilit ang sarili kong isuot ang jacket,maya maya pa ay nagulat ako ng dumating si Lauraine.

"Gosh! Yuna! Anong nangyare?!" sabi nya at inalalayan ako patayo.

"Nagulat ako kay Genesis ng kausapin nya ako! Halos mapaluhod ako! Pero tinanong nya kung kakilala kita kasi nagkasalubong kami sa baba! May ginawa ba sya sayo?! Ikaw ba napaglabasan nya ng galit?! Baka natalo sa rambol yun kaya ganon!" sabi nya kaya napakunot ang noo ko.

Natalo sa rambol? What does she mean by that? Takot din sya sa lalaking yun? Bakit?

"I'll tell y-you later" sabi ko.

******
A/N:

commenting is higly appreciated! By the way thanks sa bestfriend kong si @xixxleleo for the cover of this story! Ily!
-daydreammm

She's An AlcantaraStories to obsess over. Discover now