Twenty Nine.

290 12 1
                                    


Yuna's PoV

Napakatahimik nila at halos hindi ako makahinga dahil napapagitnaan ako nila Genesis at Sean.Hindi ko alam kung bakit pero kanina pa sila nagtitigan at hindi man lang kumakain.

Nandito na silang lahat at nasa harap na kami ng hapagkainan, pati sila ay naa-awkwardan na din sa kinikilos ng dalawa.

"A-Ah, hehe masarap tong adobo na niluto ni mommy dali tikman nyo" sabi ko at nilagyan ang mga plato nila pero nagtititigan pa din sila.

"Sean, ano ba.. may problema ba kayo?" bahagyang bulong ko kay Sean at sa wakas tumingin sakin si Sean.

Bumuntong hininga sya bago nagsimulang kumain.

"Akala ko ba family dinner lang to, bakit may naligaw ata" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sean at bahagya syang siniko.

"I didn't invite myself, it's Yuna's mom" parinig din ni Genesis habang hinihiwa ang adobo na nilagay ko.

"Hindi ka man lang tumanggi"

"Table manners please" natigil silang dalawa ng magsalita si Daddy.

"May problema ba kayo?" tanong ni Urica pero hindi man lang sumagot yung dalawa.

Napangiwi ako, anong nangyayari?!

"I guess it's a love triangle" nakangising saad ni Ate kaya napakunot ang noo ko.

"Ate naman, stop messing around it's not funny" nakayuko kung sabi at nagfocus nalang sa pagkain.
____________

Nilapag ko sa lamesa ni Lauraine ang isang bote ng apple juice at tumabi sa kanya.

"Galit ka pa din ba?" I asked pero nakasimangot nya akong tinignan.

"Bestfriend ba talaga turing mo sakin? Bakit hindi moko mapagkatiwalaan! Tinago mo pa sakin yun!" sabi nya pero ngumiti lang ako sa kanya.

"Promise! Sa susunod pag may sekreto ako, ikaw pinaka unang makakaalam!" sabi ko para mapagaan ang loob nya.

Matapos ang klase ay naisipan namin na lumabas ni Lauraine para mamasyal ng biglang may hingal na babaeng huminto sa harap namin.

"Y-Yuna, may gulong nangyayari sa gym, s-sila Sean at Genesi" hingal nyang sabi kaya agad na nanlaki ang mata ko.

"Gulo?! Anong?!—" hindi na ako nagsalita at agad na tumakbo papunta sa gym.

I almost dropped my jaw when I saw them punching each other at may mga sugat na sila.

Biglang napahiga sa sahig si Sean at sasakyan sana sya ni Genesis—

"STOP!! BOTH OF YOU!!" sigaw ko sa pinaka kaya ng boses ko kaya sumakit ang lalamunan ko.

Nakita ko ang gulat sa mata nila bago tumigil, lumapit ako sa kanila at pinaghahampas sila gamit ang kamay ko.

"Anong nangyayari?! Anong ginawa nyo?! Dito pa talaga sa gym?! To gain attention?!" sabi ko dahil sa dami ng taong nanonood sa kanila.

Alam ko na takot silang magsumbong sa profs, dean or guards dahil takot sila sa dalawang to.

"He started it" sabi ni Sean and I heard Genesis laugh sarcastically.

"Really? I thought you're fvcking teasing me" gigil na sabi ni Genesis at lalapit na naman sana kay Sean pero hinarangan ko sya.

"Tama na!! Sumunod kayo sakin,nanggigigil ako sa inyo" sabi ko at umunang maglakad, lumingon ako pero hindi padin sila sumusunod at panay lang ang titigan sa isa't isa.

"Sean!! Genesis!!" Tawag ko kaya pilit silang sumunod sa akin.

"Susi" sabi ko at humarap kay Sean, bumuntong hininga sya bago iabot sakin ang susi ng sasakyan.

"A-Ako na mag dadrive Yuna—"

"Sa likod kayo!!" agad silang pumasok sa likod pagkasabi ko.

Naiinis talaga ako sa kanila! Matatanda na sila but they fight?! Dahil lang sa asaran?!

Dinala ko sila sa dito sa condo ni Sean, balak kong gamutin yung mga sugat nila.

"Napaka immature nyo!" sabi ko at nilapag ang kit sa harap nila.

Nakayuko lang sila habang magkatabi kong pinaupo sa sofa, tahimik sila at pinapakinggan lang ang mga sinasabi ko.

"Oh ano na? Gamutin nyo na sugat nyo aba? Anong gusto nyo, ako gumamot nyan?" I sarcastically said kaya tumingin sila sakin ng nagtataka.
"P-Pero kasi.."

"Sean gamutin mo sugat ni Genesis , ganoon din ang gagawin nya sayo" I said and smirked.

"What?! No!!—" sabay nilang sigaw pero agad na tumigil ng titigan ko sila ng masama.

Dahan dahan silang kumuha ng mga gamot at ginamot ang isa't isa, akala ko magiging maayos na but..

"Aray ko damn!!" daing ni Genesis ng ilapat ng marahas ni Sean ang gamot sa sugat nya.

"Fvck! Masakit!!" daing din ni Sean.

Napapikit ako ng marahas at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

I can't believe this men! Para silang mga bata!!

Kinuha ko ang mga bulak sa kanila at hinampas ulit sila.

"Ano ba?! Ikwento nyo nga sakin kung anong nangyari dali!" sabi ko at sinimulan nang gamutin ang mga sugat nila.

"Ikaw na Genesis! Tutal pikon ka naman e.."

"No" sambit lang ni Genesis kaya piniga ko ang gamot sa sugat nya kaya napaatras sya at marahang dumaing.

"Ouch! It's Sean's fault anyway" reklamo nya kaya tinitigan ko ng masama si Sean.

Flashback.

Sean's PoV

Nakita kong mag isang nag babasketball si Genesis sa dito sa gym na balak ko sanang gawin, napatingin sya sakin pero binalewala lang ako at nagpatuloy.

"What brings you here?" walang ganang tanong nya.

"Tss, basketball, obviously, malay ko bang nandito ka" sabi ko at dahan dahang hinubad ang polo ko.

Tumigil sya saglit at hinawakan ang bola.

"You like Yuna, don't you?" saad nya kaya napatingin ako ng seryoso sa kanya.

"A lot" sabi ko kaya nakita kong his hands turned into fist.

"I like her too" I didn't expect him to say that kaya medyo nagulat ako.

"So? I heard you're part of a gang, ano? Ipapahamak mo lang sya sa mga kaaway mo? Ipapapain para sya ang gamitin against you? Gang is not a joke" seryosong sabi ko kaya lumapit sya sakin.

"She'll be safe" madiin nyang sabi pero inagaw ko ang bola sa kamay nya at ngumisi.

"Her mom and dad likes me and wants me to be his husband" sabi ko at nag dribble, tumakbo sya para kunin sakin ang bola.

"Currently.." nainis ako sa sinabi nya kaya huminto ako.

"I can make her satisfied, e ikaw? gulo lang ibibigay mo sa kanya, you can't quit the gang kasi addict ka sa gulo diba?" nakangisi kong sabi kaya hinawakan nya ang sando ko at nilapit sa kanya na halatang gigil na gigil.

"How about you? You're an Alcantara—"

"Correction, I'm not, and I know you know that base on my surname" saad ko.

"I'll make her mine" diin nyang sabi pero nginisihan ko lang sya.

"He's relying to me the most and he trust me more than anyone, magkasama kaming lumaki"

"I don't care!" sabi nya at sinuntok ako kaya napatumba ako sa sahig, tumayo ako at gumanti pero nakailag ang kumag, then the fight started.

End of Flashback.

Yuna's PoV'

"Ano na?! Sasabihin nyo o hindi?!" pilit ko pero tumayo lang si Sean.

"W-Wag ka nang magtanong! Basta n-nag asaran lang kami! I'll get some drinks!" sabi nya at umalis.

*****
To be continued...

She's An AlcantaraWhere stories live. Discover now