Two.

611 17 4
                                        


Yuna's PoV'

Two days na simula nang guluhin nila Catherine ang buhay ko, ayoko nga ng atensyon kaya ako nagtago bilang Alcantara,I want to live a simple life!

Pagpasok ko sa classroom ay nakita kong nakakalat na lahat ng gamit ko pati ang bag ko, andami ding nakasulat sa desk ko na kung ano anong bastos.

"I'm done with it, irereport ko kayo kay ma'am" sabi ko kila Catherine at tumalikod.

"Go ahead, sobra pa dito yung mararanasan mo" madiin nyang sabi.

"You need to be discipline Catherine! Babayaran ko nga diba?!" sabi ko pero lumapit sya sakin at hinila ang necktie ko palapit sa kanya.

"Do you think that's enough? Halos sa mall na ako natulog para makauna sa sapatos na to then babayaran mo lang? I have a lot of money you stupid!"

"Y-You mean—"

"Get me exactly that shoe" seryosong sabi nya.

"H-How? Limited Edition yan Catherine—"

"Wala akong pake, basta gawin mo lahat para makakuha ng ganun for 3 days" sabi nya bago ako talikuran.
__________

"Why are you so busy?" tanong ni mommy sabay lagay sa harap ko ng juice at bread.

"I'm finding something mom" saad ko kaya kumunot ang noo nya.

"Tell me, I can find anything, I'll call Ryuki too para tulungan ka" sabi nya pa kaya binaling ko ang tingin ko sa kanya.

"I need new shoes mom, a limited edition shoe" sabi ko.

"Woah! Did I heard limited edition from you Yuna?" napalingon ako kay Tito Dwayne.

"Ate Princess!!" sabi ko at nakipag beso sa kanya.

"How's the college life going?" tanong nya sabay abot ng supot na dala nya.

"G-Great" sabi ko nalang.

"What's the name of that limited edition stuff you're talking about?" biglang singit naman ni Tita Anica.

"Lorice V" sabi ko kaya bahagyang natawa si Tito Dwayne.

"Gosh bakit bigla kang nahilig sa mga ganyang bagay sis? Akala ko ba simple living want mo?" tanong ni Ate Princess kaya ngumiwi ako.

Napalingon ako kay mommy na nag aantay sa sagot ko at tsaka lumingon ulit sa laptop ko at nag busy-busyhan.

"I-Ireregalo ko lang sa bestfriend ko, nabanggit nya kasi na gusto nya yung mga—"

"You don't have a bestfriend Yuna, wala kang nababanggit saking kung sino" singit ni mommy.

"What exactly is going on?" tanong nya pa kaya nakatitig lang silang lahat sakin.

"Don't overreact! Masama bang magsuot ng limited edition this once?!" sabi ko bago sinara ang laptop ko at umalis.

I better call dad, nakukuha nya naman lahat ng gusto nya in an instant I know he can help me with this.

"Yes baby?"

"Dad sorry for interrupting but I really need something right now"

"name it, ibibigay ko agad kung kailangan" sabi nya kaya bumuntong hininga ako.

"I need a Lorice V limited edition shoes" sabi ko.

"It's limited honey, can you wait? We will find it baka kasi wala na dahil nga sa limited"

"Dad please I badly need it"

"Anything for my sweetheart, I'll call you for updates, I love you"

"I love you too dad" sabi ko at pinatay ang linya.

Humiga ako sa kama ko at tumitig sa kisame.

Why am I being like this?

I erase those negative thoughts and called Sean, Tito Renz and Tita Akira's son, matanda ako sa kanya ng 3 years.

"Ano?! In game ako Yuna!" panimula nya as usual, wala din syang galang oo.

"Problemado ako ngayon Sean please lang" sarkastikong sabi ko, natahimik sa kabilang linya saglit.

"Where do you want to talk?"

Napangiti ako, he's the only person na hindi ako naghehesitate sabihan ng mga pinagdadaanan ko, even though medyo masungit sya ay napakagaling nya sa pag aadvice.

Minsan nga inaasar ako ni Daddy at Tito sa kanya pero sinasabi kong mas matanda ako kay Sean at tsaka para ko na syang kapatid.

Naghanda na ako, nagsuot lang ako ng simpleng tshirt at jeans at as usual naka ponytail.

Maya maya pa ay sinabi na ni Ate Princess na inaantay ako ni Sean sa baba.

"Mag de-date na naman kayo?" pabirong sabi ni mommy kaya napairap ako.

"Mom he's my younger brother!" sabi ko pero hinablot lang ni Sean ang bag ko.

"We're not even related" sabi nya bago umuna sa paglalakad kaya tumawa nalang sila Tita.

"Saan tayo pupunta?" sabi ko kaya lumingon sya sakin.

"Ako dapat ang nagtatanong nyan"

"Sa nakasanayan nalang" sabi ko at pumasok na sa kotse.

"Are you insane?! That's 3 hours away! Alas singko na Yuna!" sabi nya pero pumikit lang ako to rest.

"Just drive, I want peace Sean" sabi ko narinig kong nagbuntong hininga sya bago pinaandar ang makina.
______

"Buti ka pa nakatulog tss" sabi nya kaya umirap lang ako bago bumaba ng sasakyan.

Agad akong napangiti ng salubungin ako ng hangin at sumabay ang buhok ko dito.

Tumingin ako sa napakagandang tanawin, nandito kami ngayon sa lupa ng papa ni Sean, it's a mountain pero hindi naman as in sobrang taas at tsaka may daan ding madadaanan ng sasakyan.

Umupo ako sa bermuda at ganun din si Sean dala ang mga pagkain na pinamili nya siguro kanina sa daan.

"Ano bang problema mo?" sabi nya kaya bumuntong hininga ako.

Kinwento ko sa kanya yung mga nangyari sa school nitong mga nakaraan kaya tumitig sya sakin ng masama.

"Bakit ka pumayag na ganunin ka? You're the unica hija of the owner of that university! Yuna sabihin mong Alcantara ka!" sermon nya pero umiling lang ako.

"Lilipas din to Sean" sabi ko at sumubo ng pizza.

"I don't know Yuna, napakatigas ng ulo mo" sabi nya pero ngumiti lang ako sa kanya.

"Sana kasi college ka na din tss" sabi ko.

"Gusto mo talaga?" gulat akong napalingon sa kanya.

"As if you can, shut up" saad ko at humiga kaya kitang kita ko ang buwan.

My dad texted me pero sinabi kong kasama ko si Sean para di na sya mag alala.

Humiga din si Sean sa tabi ko pero dahil hindi ako komportable sa posisyon ko, kinuha ko ang braso nya at inunan yun.

"Thank you Sean" sabi ko pero naramdaman ko lang na dinikit nya ang noo nya sa ulo ko, nakaharap kasi sya sakin while nakatihaya ako.

******
A/N:

Si Sean na ba ang partner ni Yuna? HAHA
-daydreammm

She's An AlcantaraWhere stories live. Discover now