Twenty Eight.

339 10 0
                                        


Yuna's PoV

I can't help but to smile while looking at him eating, ni hindi ko na magalaw yung pagkain ko dahil natutulala ako sa kagwapuhan nang nilalang na ito.

"You know it's awkward when you're eating and someone's staring at you, right?" he said,I pouted at sumubo.

Matapos naming kumain ay napag isipan ko nang umuwi dahil medyo pagod talaga ako ngayong araw, tapos kailangan ko pang suyuin si Lauraine.
Nakatayo kami dito ngayon sa harap ng restau kung saan kami kumain.

"Ah, salamat sa time huh! Mag ingat ka—" nagulat ako ng hindi nya ako patapusin at umuna nang maglakad.

"G-Genesis, sa kabilang direksyon yung bahay n-nyo—"

"I'll walk you home" napatigil ako sa sinabi nya, a-ano? tama ba narinig ko? ihahatid nya ako?

Dahan dahang lumitaw ang ngiti ko bago tuluyang sumunod sa kanya at nang magkatabi na kami ay nilingon ko sya habang nakangiti.

"Stop it, you're scaring me" saad nya.

"Grabe ka naman" pabulong kong sabi but my phone vibrated kaya dali dali ko itong kunuha mula sa sling bag ko.

"Hey, are you home?"

"Not yet Sean, pauwi pa lang" sagot ko.

"Mag ingat ka, and by the way bukas punta daw tayo kila Ate Princess"

"Huh? Bakit?"

"Ewan, celebration daw para sayo" he said kaya napatango ako.

"Ah oo sige" sabi ko bago patayin ang tawag.

Napatingin ako kay Genesis at napakunot ang noo when I saw him glaring at me deadly.

"Oh? Bakit?"

"Sino yun?" he asked kaya napairap ako sa kawalan.

"Sinabi ko nang Sean kanina, di mo narinig?" I sarcastically said, mas binilisan nya sa paglalakad kaya patakbo ko syang hinabol.

"Hoy anong nangyare sayo? Bipolar?" sabi ko.

"Just keep on walking, ang bagal mo"

Maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay, nataranta ako ng makarinig ako ng parang kung anong nabasag kaya dali dali akong pumasok sa loob at sinama si Genesis.

I saw mom and dad, having so many icing in their face habang naka apron at may hawak na spatula, the house is a mess at nakatayo habang tumatawa sa gilid si Manang Tere, hindi pa nila kami napapansin dahil panay ang pahiranan nila ng icing.

"Mom!! Dad!! Stop!!" sabi ko kaya agad silang huminto at humarap samin.

Napasapo ako sa noo, para silang mga bata sa itsura nila at napaka dungis.

"Hi sweetie" saad ni mommy.

"Ano to mom? Bakit ang gulo?" dabog ko din na parang bata.

"We're making dinner" sabi naman ni daddy kaya napa poker face ako.

"Yeah halata nga -.- mahihirapab sa paglilinis nyan si manang e!"

"No! Tutulungan namin sya of course! Right manang?" mom said.

"Oo naman hija, wag kang mag alala" sabi ni manang habang nakangiti.

"Hi Genesis! Come in hijo dali!" sabi ni mommy at hinila si Genesis papasok sa kusina kasama si dad kaya Napabuntong hininga ako.

Sinundan ko sila sa kusina and I saw mom putting apron unto Genesis.

"Ma!! Ano yan? Wag nyo namang idamay si Genesis! Nakakahiya!" sabi ko at lumapit kay Genesis para sana tanggalin ang apron when he hold my hand and stopped me.

Halos kumawala na ang puso ko sa dibdib ko at halos marinig ko na ang tibok nito dahil sa sobrang lakas.

Ano ka ba naman Yuna! Hinawakan nya lang saglit kamay mo ganyan ka na! Hulog na hulog?!

"It's ok, I want to help" sabi nya bago ako bitawan at lumapit kay daddy sa lamesa na nagmamasa.

Napalingon ako kay mommy at nakita kong nakangiti sya na tila nang aasar habang papalapit sakin dala ang isa pang apron.

"You like him?" bigla nyang tanong habang tinatali sa likod ko ang apron.

I didn't answer instead I stare at him while working with my dad.

Nagluto lang kami ng ilang mga putahe dahil pupunta pala dito ang family friends, nagbake din kami ng mga pastries bago nagpresentang umalis saglit sila mommy para bumili ng drinks at wine dahil nagyaya daw sila Tito Dwayne.

Kami na muna ang binilinan nila sa last food na gagawin which is Beef soup.

Hinuhugasan ngayon ni Genesis ang beef while naghihiwa ako ng mga ingredients.

"P-Pasensya ka na ulit huh, Hindi ko naman inexpect na magkakaganito ngayon dito" sabi ko habang patuloy sa paghihiwa.

"Wala yun" tanging sambit nya lang.

"Aray ko!— ang tanga self oo" sabi ko at agad na dinala sa lababo ang kamay ko para hugasan ang mga dugo.

Nagulat ako ng marahas na hablutin yun ni Genesis at agad na tinatapat sa gripo, medyo napangiwi ako sa dampi ng tubig pero hindi ko maiwasang mapatitig lang sa kanya.

Damn.

"Manang!" tawag nya kay manang tere but it looks like manang is busy on something dahil hindi ito sumagot kaya hinila nya ako para paupuin.

"Do you have band aids here?" seryosong tanong nya, hindi ako makasagot kaya dahan dahan nalang akong tumango.

"Hahanapin ko si Manang, dito ka lang" sabi nya at iniwan ako.

Ano ba Genesis! Bakit ka ganyan!  Don't give me too much hope na gusto mo ako! Tss!

Nakatitig lang ako sa kamay kong dumudugo habang nag hihintay sa kanya.

"You should be careful Yuna! Pano kung malaking hiwa nagawa mo?!" sermon nya ng makabalik sya at hinablot ulit ang kamay ko to apply something and put band aid.

"S-Sorry" hindi ko alam but base sa expression na pinapakita nya at sa mga galaw nya I should apologize like I-I make him worried?

"Just sit down there, ako na tatapos nito" sabi nya pero umiling ako.

"Maliit na hiwa lang to Genesis, kaya ko naman—" sa titig palang nyang napaka ma awtoridad ay natahimik ako at umupo ng maayos.

His addicting eyes!!

"Hija ayos ka lang? Inayos ko pa kasi ang lamesa pasensya na, malaki ba ang sugat mo? Nakuha ba ni Genesis ang band aid sa taas?" sunod sunod na tanong ni manang kaya nginitian ko sya.

"Ayos lang ako manang, wag kang mag alala, we have the finest doctor" I said at lumingon kay Genesis na ngayon ay pinagpapatuloy ang paghihiwa sa mga sibuyas.

"Maya maya ay dadating na sila, tapusin ko muna ginagawa ko sa lamesa hija, sigurado kang ayos ka lang huh" sabi ni manang kaya tumango nalang ako.

*****
To be continued..

She's An AlcantaraStories to obsess over. Discover now