Yuna's PoVDali dali silang umalis at iniwan ako don, bakit ba bigla nalang lumilitaw tong kumag nato? But I'm kind a thankful kasi medyo niligtas nya ako.
"I'm finding some peace and quiet and you're always there on my spot" sabi nya at dirediretso na nilampasan ako.
Napalunok ako, pano kung hindi sya dumadating sa mga senaryong sobrang nahihirapan na ako? Ano kayang mangyayari sakin?
Umalis na ako don at nakita ko agad si Sean sa hallway, mukang hinahanap nya ako.
"Sean.."
"Damn Yuna! Where have you been?!" sabi nya.
"M-May pinuntahan lang"
"You left your cellphone on your desk, kaya pala tawag ako ng tawag walang nasagot!" napayuko ako.
"Let's just go"
_________2 weeks na ang nakalipas at hindi na ako ginugulo ng mga kaibigan ni Catherine dahil laging nakabuntot sakin si Sean at tsaka wala din si Catherine,Ilang araw na syang absent, hindi ko alam kung magiging thankful ako or what.
"You're making me nervous all the time Yuna, ang tahimik mo na tsaka minsan nakatulala" sabi ni Sean at tumango naman si Lauraine.
"Hindi mo pa nagagalaw yung pagkain mo Yuna, tsaka kanina din sa recital parang nasa ibang lupalop ka ng mundo" saad pa ni Lauraine kaya agad akong sumubo.
"I-I don't know either" sambit ko lang, nagulat ako ng hawakan ni Sean ang kamay ko.
"Do you want to transfer?"
"No!" agad kong sabi at inalis ang kamay nya.
"Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang university na to Sean, this is my father's—"
"Yuna!!" pigil ni Sean dahil madudulas na sana ako sa harap ni Lauraine.
Nakatitig lang sakin si Lauraine ng parang nanghihinala at nagtataka kaya napalunok ako.
"Yuna hanggang ngayon ba iisipin mo pa din ang alala ng papa mo dito kesa sa sarili mo?!" napalingon ako kay Sean at kumunot ang noo.
"Hindi porket this is your father's school before e magtitiis ka na dito" napangisi ako sa rasong ginawa ni Sean at nakisabay nalang.
"I don't know, I just can't" sabi ko nalang at tumahimik na si Sean.
Nagkibit balikat na lamang si Lauraine at nagpatuloy sa pagkain.
Natapos ng maayos ang araw na ito, I forced myself to focus on the lessons at mas maging active para maayos mismo ang sarili ko.Mamayang uwian ay balak kong paunahin sila Sean umuwi dahil balak ko pang mag advance study sa library.
Napalingon kaming lahat sa kumatok ng marahan sa pinto and saw Mrs.Bruck,
"Ms.Yuna Lee stand up" sabi nya pero nanatili lang sa may pinto.Napalingon pa ako kay Lauraine pero tumango lang sya ng marahan at dahan dahang tumayo.
Ngumiti sya sakin ng matamis kaya nagtaka ako.
"The Dean's calling you" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito.
What does he want?
Tungkol ba to sa mga nangyayari sa school?
Dahan dahan akong naglakad papunta doon at sumunod sa kanya papunta sa opisina ng Dean.
Kinatok nya muna ang pinto bago kami pumasok.I saw the Dean, seating comfortably while reading some papers and when he noticed us he stand up so fast and kind a bow his head kaya napakunot ang noo ko.
"Ms.Yuna Lee Alcantara" halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng banggitin nya ang buong pangalan ko.
"How did you—""Your father called to check up on you" napapikit ako ng marahas.
"I'm sorry if we didn't treat you special here in the University, we didn't know—"
"Dean" napatigil sya sa seryoso kong boses at tumingin sakin.
"Don't mind my father, I'll talk to him later just please..ikaw lang ang nakakaalam na Alcantara ako" nakita ko ang pagtataka sa muka nya.
"Why? Aren't you proud that you're part of a very great fami—"
"Just do as I say Dean! I don't want to say this pero kung may iba pang makakaalam nito.. Hindi mo alam ang kaya kong gawin sayo" sabi ko, nakita kong bahagya syang tumango at ramdam ko na natakot sya sa sinabi ko.
"Y-Yes Ms.Alcanta— I mean Ms.Lee" sabi nya.
"Thank you so much Dean"
"N-No! Don't be, wala lang po yun"
"Don't be so formal, you're the Dean" sabi ko at umalis na sa opisina nya.
Pagbalik ko sa classroom ay nag aayos na sila ng mga gamit which means uwian na.I saw Sean waiting in my desk at ng makita ako ay agad na binigyan ako ng pagtatakang muka.
"Why did he call you?" saad nya.
"I'll tell you later, umuna na kayo ni Lauraine, pupunta pa ako ng library baka late na ako makauwi" sabi ko at kinuha na ang bag ko pero hinawakan ni Sean ang kamay ko.
"You know it's dangerous—"
"I'll be fine Sean don't worry just go home, I want to refresh my mind" sabi ko pa at iniwan na sya dun to head on the library.
I don't need to worry kasi may strict librarian naman dito at tsaka medyo marami din ang students na nag aaral so Catherine's friends won't bother me here.
Sinukbit ko ng maayos ang bag ko bago maghanap ng libro about sa topic bukas, ng makita yun ay nireview ko saglit kung tama ba yung nahanap ko before finding a seat.
Luckily dahil sakin, snacks are allowed here.. I begged dad just to approve that policy.
Nilapag ko sa lamesa yung hawak kong hot choco at burger bago ilabas ang laptop ko to begin my study.
It was nice and smooth, marami ding napasok sa utak ko tsaka feeling ko mas madami akong masasagot bukas.
Inayos ko na ang mga gamit ko, it's almost seven in the evening at bilang nalang ang mga tao sa school, hindi na din ako nagpasundo sa driver namin dahil balak kong mag commute.
Habang naglalakad papunta sa terminal, napahinto ako sa isang poste dahil may mga boses akong narinig.
Sumilip ako saglit and nanlaki ang mata ng makita si Genesis na nakikipagrambol, nakakatakot.Yung mga lalaki kasing kalaban nya ay may dalang mga dos por dos at kung ano ano pa.
Hindi ko alam ang gagawin ko, should I call police? Hindi na ako makagalaw at di ko din maalis ang tingin ko sa kanila.
Mag isa lang si Genesis laban sa apat o limang lalaki.
"Genesis! Sa likod mo!" sigaw ko, napatigil silang lahat at lumingon sakin kaya halos malaglag ang puso ko.
Nakita kong lalapit na sana yung isang lalaki sakin ng bumwelo si Genesis at sinipa yun,nakita kong pinagtutulungan na sya nung mga lalaki, I can say he's a great fighter pero I just cant stand here!
Kumuha rin ako ng kahoy dun sa gilid at lumapit sa kanila, kita ko ang gulat sa muka ni Genesis.
"Get out of here you stupid girl!!" sigaw nya habang nakikipaglaban pero hindi ako nakinig at tinulungan sya.
May mga alam din naman akong basic actions dahil tinuruan ako ni daddy ng self defence.
Nakita kong galit na galit na yung nakaitim na lalaki at planong patumbahin ako ng luckily may pumito kaya napahinto kaming lahat pero laking gulat ko ng hilahin ako ni Genesis patakbo.
*****
To be continued..
-daydreammm
YOU ARE READING
She's An Alcantara
RandomAlcantara Series No.1: How can you live normal if you're moving in a high class background? When everybody will look at you and praise on how lucky you are.How can you have real friends when they're just talking to you for money and connections, hid...