Thirteen.

377 11 0
                                        


Yuna's PoV

"Wala lang! A-Ano kasi... A-Ah basta!" gosh Yuna! Why are you overreacting?!

Tinawanan lang ako ni Ate Princess, lumabas mula sa kusina si Urica at Genesis.

He's with his usual expression, umupo lang sya sa sofa, sumandal at pinikit ang mata.

"Ikaw Ate Yuna huh! Something's fishy!"

"Tigil tigilan mo ko Uri! Nagtaka lang naman ako"

"You know him?" Ate Princess asked.

"Schoolmate ko sya" I said kaya tumango sila.

Ate Princess's phone rang, she looked at the caller's name before answering.
"Oh Sean? Bakit?"

"How is it going? What are you doing now?" rinig naming tanong ni Sean dahil obviously Ate Princess turned the loud speaker on.

"Ok lang, we're not yet starting tsaka I saw Genesis earlier kaya kasama namin sya ngayon—"

"Wait what?! Who?!"  nailayo ng konti ni Ate ang phone mula sa tenga nya at nagulat sa pagsigaw ni Sean while Uri chuckled.

"Si Genesis! Bakit ba paulit ulit kayo huh?!"

"What's with my name, stupids" napalingon kami saglit kay Genesis, he's still closing his eyes kaya inirapan ko sya.

"I'm on my way there"

Binaba ni Ate ang phone dahil pinatay na ni Sean ang tawag.

"Ang weweird nyo ah" asar ni Ate bago pumunta sa kusina.

"Ihahanda ko muna mga gagamitin, tatawagin ko kayo pag magluluto na!" pahabol nyang sigaw bago tuluyang makapasok.

"Sa may garden muna ako! Papunta na naman dito si Haiden!" sabi naman ni Urica at patakbong umalis.

I don't know what to do or where to go! Nangangalay na ako kakatayo dito sa harap ng pinto, hindi ako makapunta dun sa may sala set dahil nandoon si Genesis! Ang awkward! I didn't expect this to happen!

"Don't just stare at me, umupo ka di ako nangangain" sabi nya pero nakapikit pa din kaya napangiwi ako.

"I-I'm not staring at you!" sabi ko at lumapit sa kinaroroonan nya to sit.

Thank God! My feet is hurting!

"Anong ginagawa mo dito?" he asked.

"Kinakapatid ko din si Ate Princess and also she's the daughter of my mom's closest friend" paliwanag ko.

Hindi sya sumagot, the silence is between us at pinaglalaruan ko na lamang ang kuko ko.

"Yuna" Napalingon ako kay Sean.

"Anong ginagawa mo dito?!" I asked him.

"There's a dangerous person here" napamulat si Genesis ng mata at tinignan ng dalawang segundo si Sean bago pumikit ulit.

"I'm the one who should say that" sabi nya.

"You—"

"Guys! Punta na kayo dito bilis!" I immediately stand up as I heard ate called us.

Walang ganang tumayo si Genesis at sumunod sa amin.

"I thought it's a girl's night out then why Genesis is here?" madiing tanong ni Sean kaya napalingon ang lahat sa kanya.

"Wala ng girls girls Sean, welcome kayo dito" sabi naman ni Ate Princess kaya napasapo ako sa noo.

"Okay, mag babake kami ni Urica at Genesis ng cupcake then kayong dalawa Yuna at Sean.. Kayo magluto nung adobo" napalunok ako, I'm not a fan of kitchen kaya di pa ako gaanong marunong sa pagluluto.

"I want to go home—"

"Manahimik ka Genesis! Gusto mo makatikhim ng takong ng sandal? Sumbong kita sa kuya mo e" he have a brother?!

"Tss" sabi nya lang at sumunod kay Ate.

"Umupo ka dun, ako nalang magluluto" napangiwi ako sa sinabi ni Sean.

"No! Lahat kayo magluluto tapos uupo lang ako? Let's be partner Sean" natigil sya saglit at tinignan ako kaya napakunot ang noo ko.

"O-Okay then cut the chicken, ihahanda ko mga gagamitin" sabi nya kaya agad akong nagsuot ng apron at kinuha ang kutsilyo.

Hinugasan ko munang maigi ang mga manok bago ito hiwain base sa sinabi nyang laki.

"By the way Yuna, ano na? May boyfriend ka na?—"

"Aray!" Nabigla ako sa tanong ni Ate at nahiwa ang kamay ko, well maliit na dampi lang pero sobrang talas kasi talaga ng kutsilyo.

I saw Genesis stop and look at me intently, agad namang kinuha ni Sean ang kamay ko at dinala sa washing area.

"Gosh Yuna you should be careful!" pag aalala ni Ate Princess at kinuha ang aid kit.

"Ok ka lang ate?" Urica ask while Sean is busy putting band aid at my wound.
"It's just a small cut, nagulat lang ako, wala lang to"

"Tss stupid" napalingon ako kay Genesis ng sabihin nya yun, busy sya sa paghalo ng mga harina.

"Mahapdi? I told you to just sit—"

"No Sean, I'll help, maliit na sugat lang to ano ka ba.. Wala lang to" I said at tumayo to continue what I'm doing.

"Be careful Yuna" madiin at seryoso nyang sabi kaya tumango ako.

"Woah husband material!" asar ni Urica kaya tinitigan ko sya ng masama.

"Sabi ko nga may gagawin pako" sabi nya at bumalik sa pwesto nya.

Matapos magluto ng kung ano anong dish ay naisipan naming mag pool party muna kasi puno na rin naman kami sa pawis at madudumi na.

I'm now wearing a simple short na hindi naman ganun ka iksi at tsaka sando, while as always naka pony tail.
"Yuna I wonder how you looks when nilulugay mo ang buhok mo" sabi ni Ate Princess.

"Ah wala namang pinagbago" sabi ko nalang at naupo, sinawsaw ko sa tubig ang paa ko.

Genesis is wearing shorts and sando too, nasa gilid lang din sya nakaupo at nakatingin sa hangin.

Napaiwas ako ng tingin ng magtama ang mata namin.

"Ano na Ate Yuna? Come on! Let's swim!" sabi ni Urica pero umiling lang ako.

"Maya maya na" sabi ko, well the truth is I can't swim.

Ang balak ko lang ay tumayo sa tubig at ilublob ang sarili ko until the pool party is finished pero maya maya na dahil wala pa akong gana.

Napalingon ako sa gilid ko ng may umupo, agad akong inabutan ni Sean ng isang baso ng juice.

"Thanks"

"Sa loob ka nalang maligo mamaya, you can't swim" sabi nya kaya I chuckled.

"Pwede din naman" sabi ko.

Tinignan nya ako kaya nagkatitigan kami, the atmosphere between us become awkward.

"A-Ahm kamusta sila Tita Akira?" I asked at nag iwas ng tingin.

"Yuna.." I look at him, he's not staring at me anymore at nakatingin lang sa paa namin na nakalublob sa pool.

"I know that you know what I feel towards you, sa tinagal tagal nating magkasama"

******
To be continued..

She's An AlcantaraWhere stories live. Discover now