Ten.

350 9 0
                                    


Yuna's Pov

It's 6:30 in the evening at kakatapos ko lang mag aral sa library.

As always bilang nalang ang mga taong nandito sa school ng mga ganitong oras.

"Okay then, make sure na hindi ako mabobored" natigil ako ng makita ko si Genesis.

Why is he still here?

Sinukbit nya ang bag nya at nagsimula ng maglakad palayo kaya naglakad na din ako.Nag aral din ba sya? Di ko naman sya nakita sa library kaya imposible.

"Stop following me" madiin nyang sabi at huminto sa paglalakad.

Napakunot ang noo ko at tumingin sa paligid, walang ibang tao kundi kaming dalawa lang.. he's still facing the road at hindi man lang lumingon sa likod.

"Get lost"

"Ako?" I asked kaya agad syang humarap sakin.

Napalunok ako when I saw his eyes, nakakapangilabot talaga yung mga tingin nya, kung nakakatunaw pa ang tingin,kanina pako natunaw.

"Alis." I make face.

"Baliw ka ba? Papunta ako ng terminal,why would I follow you" sabi ko na nakapagpatahimik sa kanya at maglalakad na ulit sana ng..

"Boss."

What the?! Boss?! Sino?!

"San sila Jade?" he emotionless asked.

"Parating na, grupo nila Macky karambol ngayon baka daw magdala ng gasa" napakunot ang noo ko, anong pinagsasasabi nila.

"Boss Gen!!" May mga lalaking bigla pang lumitaw, approximately they're five.

Napahinto silang lahat ng huminto yung huling tumawag kay Genesis at tumingin sakin.

"Luh boss, shota mo?" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at agad na umiling.

Gosh Yuna! Bakit kasi napaka chismosa mo at di ka nalang umuwi!!

"Hindi wuy! N-Nakasabay ko lang" sabi ko at maglalakad na sana paalis ng bigla akong hilahin ni Genesis at itulak sa gilid.

Sisigawan ko pa sana sya but then I saw a group walking towards them, nakakatakot silang tignan dahil sa mga dala nilang mga kung ano na parang naghahanap ng gulo.

Niluwa nung isang nasa gitna yung nginunguya nyang gum at tinignan ng matalim si Genesis.

"Long time no see" sabi nito at akmang hahawakan sana ang necktie ni Genesis ng tabigin nya ang kamay nito.

"Ang panget mo pa din Macky" saad nung kasama ni Genesis.

So he's Macky?

"As usual, tiwala pa rin kayo sa gasa, ayaw nyo ng kamao sa kamao" sabi pa ng isa.

Ngumisi yung Macky kuno at biglang bumwelo para sumuntok kay Genesis pero agad syang umiwas, sunod sunod ang ginawa nitong atake but Genesis seems to be professional in fighting, hindi sya gumagamit ng kamao at iniiwasan lang ang mga suntok nito.

Huminto si Macky at sumenyas sa mga kasama nya, and then the fight started, ang gulo sobra.. Natatakot ako pero hindi ko alam kung bakit nacucurious ako kung sino talaga si Genesis at kung bakit ang dami nyang nakakaaway.I ended up watching him fighting against those men without being punched nor injured.

Lahat yun ay unti unti nilang napatumba, kahit na may dala silang mga dos por dos at kug ano ano pa ay parang wala yung binatbat sa grupo nila Genesis, until all of them are laying on the ground, trying to catch their breaths.

Ako nakatago pa din dito sa gilid, waiting until what will happen next.

"Jade, sabi ko ayokong mabored" sabi lang ni Genesis at kinuha ang bag nya bago umalis.

My eyes widened open ng marahas nya akong hawakan sa pulsuhan at kaladkarin paalis don.

"Tigas ng ulo mo" sabi nya at marahas akong binitawan.

We're in the waiting shed, kung saan dapat kanina pa akong nandito at sana nakauwi na sa bahay ng maayos.

"Don't you dare do it next time" sabi nya at iniwan ako don, out of space, nakatulala.
_____________

"Inom na!" napatingin ako sa baso na may toyo, catsup at mayonnaise na pilit pinapainom ni Catherine.

"Cath ano na naman to? I didn't do anything" halos sa nagmamakaawang boses na sabi ko.

"Nagmamaang maangan ka pa? Sean is Mrs.Sakira Alcantara and Mr.Renz Alcantara's son right?" nanlaki ang mata ko.

"So you're not just an attention seeker, gold digger at manggagamit ka pa! You're trying to seduce the successors son!" napanganga ako sa dugtong ni Irene.

"He's in the magazine you slow witted stupid book worm! Akala mo di namin malalaman?!" sabi naman ni Shane kaya napaatras ako.

"Drink it" madiing sabi ni Catherine kaya napalunok ako.

"Cath please—"

"INOM SABI!!" napapikit ako, again all the attentions of the students here inside the canteen is staring at us, nakayuko lang din sa gilid si Lauraine walang magawa.

Unti unti kong hinawakan at tinaas ang baso ng biglang marahas na itulak yun ni Catherine sa bibig ko kaya napilitin akong uminom.

It tastes horrible!

Halos magsuka ako don mismo sa kinatatayuan ko.Ngumisi lamang si Catherine at tinap ang ulo ko.

"Learn how to distance from the Queen, you doesn't know what else I can do.. umayos ayos ka hindi lang yan matatanggap mo if you ever blocked on my way" sabi nya at tumalikod at umalis.

Dali dali akong tumakbo sa cr kahit na grabe na ang bulungan ng mga kapwa ko students about sa nangyari.

Pagkapasok sa cubicle ay agad kong sinuka lahat ng nainom at nakain ko.Naluluha ako, there is something in me that wants to punish her really hard pero hindi ko magawa, I don't know where to start at kung pano.

I look at myself in the mirror, nagmumog ako at naghilamos.

"Girl, kamusta tiyan mo? Gusto mo pumunta sa clinic? Hahatid kita.. Tss isusumbong ko na talaga sila sa Dean—"

"No Lauraine! I'm begging you.." seryosong sabi ko sa kanya.

"Gumanti ka naman Yuna!"

Ilang beses kong naisip na gumanti but para sakin, I just can't use our family's power to manipulate and control someone, I don't want to ruin my parent's reputation at ayokong malaman nila mommy na ang tanging unica hija nila ay pinagtutulungan ng kung sino.

I dialed Sean's number.

"Hey?" he asked

"Skip muna tayo, last na.. Pupunta ako kila ate Rymae at Ryza" sabi ko.

"Is something wrong Yuna?" naiiyak ako pero pinigilan ko yun at inayos ang boses ko para di nya mapansin.

"Sige na"

*****
To be continued...

She's An AlcantaraWhere stories live. Discover now