Yuna's PoVNagtataka ko syang tinignan ng magtago kami sa isang eskinita malapit lang don.
"Bakit tayo nagtatago? We're the victims!" sabi ko pero tinignan nya lang ako ng masama.
"Just shut up" saad nya pero hinila ko ang pulsuhan ko kaya napabitaw sya.
"Go then" saad nya ng walang emosyon pero naghesitate ako, oo baliw na ata ako.
Napalunok ako at nanatili na lamang kasama sya habang hinihintay na umalis ang mga pulis.Nang mawala na sila ay lumabas na sya na parang walang kasama.
"Hoy! Ano bang nangyari dun kanina? Bat ka nakikipag away?" tanong ko habang nakasunod sa likod nya.
Hindi nya ako sinagot at dire diretso lang sa paglakad, inayos ko ang pagsukbit ng bag ko at binilisan ang lakad para magkapantay kaming dalawa.
"Hoy Genesis! Ano? Bat ka nakipag away? Mga gangster ba yun?" huminto ako dahil bigla syang huminto, nagulat nalang ako ng lumingon sya sa akin.
"Get lost" tanging sabi nya kaya napanganga ako.
"Wow! Di na pala uso thank you sa panahon ngayon?!" sabi ko.
"I didn't ask you to help,I can handle them" sabi ni Genesis habang dire diretso padin sa paglalakad at nakapamulsa.
Huminto ako at sinimangutan sya sa likod, lumingon na ako sa likod dahil balak ko nang umuwi when I saw unfamiliar road, gosh! Yan kasi Yuna! Napaka chismosa mo! Pano ka ngayon uuwi?! Di mo manlang tinandaan yung daan!
"G-Genesis.." tawag ko sa kanya pero medyo malayo na sya.
"Pst huy! Genesis!" tawag ko ulit pero di sya lumingon.
"GENESIS!!"
"WHAT?!" pabalik nyang sigaw at huminto kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya.
"I-Ihatid mo ulit ako dun sa kanto" sabi ko pero nakita kong kumunot ang noo nya.
"Are you kidding?"
"Muka ba akong nagbibiro? -.-"
"Tss" sabi nya lang at tatalikod na sana ulit ng hawakan ko sya sa braso kaya tinignan nya yung kamay ko bago ako tignan.
"K-Kasi nakalimutan ko yung d-daan hehe"
"Then call that stupid boy who's always there to save you" sabi nya referring to Sean.
"Tatadtadin lang ako ng tanong nun e" I replied at hinila sya pabalik ng daan.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga nya at nagpahatak nalang sa akin and give directions.Nang mahatid nya ako ulit sa kanto na hinintuan ko kanina ay umalis sya agad ng walang kung ano-ano."Unbelievable" inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at dumiretso na sa terminal.
Nang makauwi ako, agad kong nakita si daddy na nakaupo sa sofa at nakadkwatro habang umiinom ng kape.
Napatingin sya sa direksyon ko at agad na tumayo at sinalubong ako.
"Where have you been?" he ask at kinuha ang bag ko.
"I studied in the library dad" sabi ko na lamang at umupo.
I looked at the papers on the table, so my dad is creating a presentation.
"Si mommy?" tanong ko habang binabasa ang ibang mga papeles.
"Nasa kitchen, baking your favorite chocolate cookies" sabi nya kaya agad kong napagdesisyunan na sumunod kay mommy sa kusina.
I hugged mom from her back kaya medyo napasinghap sya.
"It's almost 9 pm darling" sabi nya at inayos ang cookies.
"I'm in the library mom" sabi ko at tinulungan syang ayusin ito.
I miss this atmoshphere, when we are vibely talking to each other and giving advices,sharing problems and so many more.
_________"Cath gosh! It's been a long time!" nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang pangalan ni Cath.
"Nah, sobrang daming sacrifices kasi talaga ang dapat mong ibigay to get a limited edition Cyrel Bag" sabi nya, lumunok ako at nagdire diretso sa paglalakad, imbis na huminto ako sa locker ko para kuhain yung notes na sinave ko, pinili kong umalis nalang.
I'm safe, luckily, hindi nila ako napansin dahil sa may pinag uusapan sila.
The class went normal as usual, I learned a lot from the lessons at nakapag participate ng maayos gawa ng nag advance study ako.
Niligpit ko na ang mga gamit ko para maghandang umuwi, Sean texted me na may ipapagawa daw sa kanya si Tita Akira kaya umuna na syang umuwi.
"Hey Yuna!" nagulat ako ng biglang lumapit sakin si Catherine.
"Wala ka bang kasama ngayon?" she asked kaya nagtaka ako, why is she acting different? hindi na ba sya galit sakin?
"W-Wala e"
"Ah, by the way sayo atang P.E uniform yung nasa cr" sabi nya kaya nanlaki ang mata ko.
Gosh! Did I left it there?! Ang tanga mo Yuna oo!
May P.E activity kasi kaming ginawa kanina kaya nagamit ko yun, siguro naiwan ko nung nagbihis ako after.
"S-Sige kunin ko nalang mamaya" sabi ko, they waved goodbye after leaving.
Ako nalang mag isa ang naiwan dito sa loob ng classroom and I find it messy kaya binura ko ang writings sa board at medyo inayos ang mga upuan.
Matapos ay naisipan ko nang dumiretso sa cr para kunin ang P.E ko.
Agad ko itong hinagilap after going in pero wala akong nakitang uniform..binuksan ko din ang mga cubicles pero wala naman kaya naisipan ko na umuwi nalang but I heard something outside the door.Bigla akong kinabahan at dali daling buksan ang pinto but I can't, it's locked!
"May tao ba dyan?! Let me out!!" sigaw ko but no one answered.
"Anyone?! Pakibuksan to!!" sigaw ko pa pero wala pa ding response.
I tried to search for my phone but gosh! my phone is missing!!
Inalala kong mabuti kung saan ko yun nilagay and I notice and remember something! Catherine.. nung lumapit sya sakin! Kaya pala parang may kung ano syang biglang kinuha sa table ko and put it inside her bag! Fudge!
"Catherine!! Please let me out of here!!"
Nagsimula nang manginig ang tuhod ko at manlamig ang mga kamay ko, natatakot ako, sobrang natatakot.
What am I supposed to do? All alone in this place.
Naiiyak ako, sobrang kinakabahan ako at natatakot.I want to shout with all of my strength pero hindi na ako makapagsalita.
I immediately wiped the tears that flow through my cheeks, halos mapatalon ako ng biglang namatay ang ilaw, meaning, no one is here.. yung guard nalang na nagbabantay sa labas.
I'm fudging doomed.
*****
To be continued...

YOU ARE READING
She's An Alcantara
RandomAlcantara Series No.1: How can you live normal if you're moving in a high class background? When everybody will look at you and praise on how lucky you are.How can you have real friends when they're just talking to you for money and connections, hid...