Four.

422 13 0
                                    


Yuna's PoV

"Nakakatakot ka na Yuna huh! Kanina ka pa hindi nagsasalita!" pikon na saad ni Lauraine.

Nilingon ko lang sya at namuo na naman ang mga luha sa mata ko.

"Ano ba kasing nangyari?! Sabihin mo! Kinakabahan ako sayo e!" sabi nya kaya yumuko ako.

Kahit hirap ay kinwento ko sa kanya yung mga nangyari kaya napatakip sya sa bibig nya.

"Oh my gosh" sabi nya at niyakap ako.
Naisipan kong umuwi nalang muna,tatawagan ko nalang si Sean para magpasundo dahil nahihirapan talaga ako, hindi din ako masamahan ni Lauraine dahil nga scholar sya at kailangan nyang always perfect attendance.

Paika ika akong naglalakad palabas ng gate, walang mga tao ngayon dahil may kanya kanyang klase.

"That jacket is not free, stupid" napalingon ako sa nagsalita.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Genesis, nakapamulsa habang walang emosyong nakatingin sakin.

"I-Ibabalik ko naman, w-wala kasi akong i-ibang maitatakip" sabi ko at tatalikod na sana ng hawakan nya ako sa braso kaya nanginig na naman ako sa takot.

I've been traumatized, ang bilis ko ng matakot.

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa pero mas nagulat ako ng may humila pa sa isa kong braso.

It's Sean.

"What are you doing?" madiing tanong ni Sean sa kanya.

"Don't misunderstand me, I'm checking my jacket" sabi nya kaya kumunot ang noo ko.

Why does he care so much for his jacket?!

Binitawan ako ni Sean at hinubad ang red na maong na jacket na suot nya at hinubad ang jacket na suot ko bago yun pinasuot.

"Here, thank you" walang emosyong sabi ni Sean sabay hagis ng jacket kay Genesis.

Walang sinabi si Genesis at agad na tumalikod at nanglakad palayo sa amin.

"You're pissing me off Yuna! Hindi mo man lang inaalagaan ang sarili mo! You're an Alcan—"

"Please Sean, w-wag dito" nanghihinang sabi ko, bumuntong hininga sya bago ako inalalayan papunta sa kotse nya.

"Do you want me to tell Tito Ryuki—"

"No, don't tell anyone.. " sabi ko kaya napahilamos sya at napahampas sa manibela.

"Yuna Lee Alcantara!! Anong gusto mong gawin ko?! Manahimik and watch them treat you miserably?!" sabi nya kaya napayuko ako at naiiyak pero pinigilan ko ang sarili ko.

"E-Everything will be fine..let me handle this alone" sabi ko.

"Fine! Pero pag may ginawa ulit sila sayo, don't expect me to listen to you, I'll kill them" seryosong sabi nya.

Dinala nya ako sa condo nya since hindi ako pwedeng umuwi sa bahay na ganito ang itsura,paniguradong tatadtadin nila ako ng tanong.

Hindi naman namamalagi dito si Sean dahil may bahay sila, mas malapit kasi ito sa School nya kaya minsan kapag pagod o may activity dito nalang sya dumideretso.

"Do you want anything?" he ask.

"I-Im hungry" sabi ko kaya agad syang pumunta sa kusina.

Habang inaalala yung mga nangyari kanina naiiyak ako, pero I'm keeping myself strong dahil alam kong hindi lang yun ang gagawin ni Catherine sakin.Kailangan kong magpakatatag to show that I can go through her without using my power as an Alcantara.

She's An AlcantaraWhere stories live. Discover now